I'll Be Home For Christmas
“Love, aalis ka na naman ba?” bungad na tanong ko sa asawa ko. Nakasilip ako sa nang bahagya sa nakabukas na pinto ng kwarto namin.
Nakaupo ito sa kama habang nag-iimpake ng mga damit. Aalis na naman ito. Itinigil muna nito ang ginagawa at sinenyasan akong lumapit sa kanya. Agad naman akong lumapit. Hinila niya ang kanang kamay ko at iginiya para mapaupo ako sa kandungan niya. Agad niyang ipinalibot ang mga braso sa bewang ko.
“Alam mo naman kung bakit ako aalis, ‘di ba?” malambing niyang tanong sa akin habang hinahalik-halikan ang balikat kong naka-expose dahil sa sleeveless kong damit.
"Pwede naman kasing 'di ka na umalis. Dito ka na lang tapos magtatrabaho na lang ako para magkasama pa rin tayo."
Malalim siyang napabuntong-hininga.
"Para sa kinabukasan natin 'to, Love. Alam kong mahirap na malayo tayo sa isa't-isa pero konting tiis na lang. Tatlong taon lang ako sa Dubai at pagkatapos noon for good na ako dito," malumanay niyang pagpapaliwanag sa akin. "Saka isa pa malapit nang matapos ang bahay natin pero malaki pa ang kakailanganin nating pera. Alam mong di kakayanin sa budget natin kung hindi ako aalis kahit na tayong dalawa pa ang magtrabaho. Masyadong malaki ang kinakailangan nating pera. Basta pangako natin sa isa't-isa na hindi tayo maghahanap ng iba.”
Paulit-ulit kong napapanaginipan ang scenario namin na iyon ng aking asawang si Paul. Simula nang umalis siya, araw-araw kaming nag-uusap ng walang palya. Lumipas ang araw, linggo, buwan at taon pero hanggang ngayon hindi pa rin ako tuluyang makapag-adjust na magkalayo kami sa isa’t-isa. Hinahanap-hanap ko pa rin ang presensya niya. Hindi na sapat ang mga chat at video calls. Hinahanap na ng katawan ko ang yakap at halik niya…
“Hi, Love. Miss na miss na kita kailan ka ba pwedeng magbakasyon dito?” agad kong bungad kay Paul nang sagutin ko ang tawag niya. Hating-gabi na sa Pinas habang alas otso pa ng gabi sa Dubai. Napatawa ito nang mahina sa kakulitan ko. Everytime na tumatawag siya kung kailan siya uuwi ang lagi kong pambungad sa kanya.
“I miss you too, Love. ‘Wag kang mag-alala malapit na malapit na at pag nangyari iyon, hindi na ako aalis. Diyan lang ako lagi sa tabi mo,” nakangiti niyang sabi sa akin. Bakas sa mata niya ang pangungulila sa akin. Alam kong pareho kami ng nararamdaman at ngayon ay sinusubok ang tatag ng pagsasama namin.
“Alam ko naman iyon, Love. Sana sa darating na pasko payagan ka nila na umuwi muna ng Pinas para magbakasyon.”
“Huwag kang mag-alala nagpasa na ako ng leave of absence, hinihintay ko na lang ang sagot nila doon.”
“Sana naman may sagot na sila. Miss na miss na talaga kita, Love. Namimiss ko na ang mga yakap at halik mo,” nang-aakit kong sabi sa kanya. Nagbabakasakali na sa paraang iyon ay mas pursigido siyang makauwi.
“Humanda ka talaga sa akin, Love kapag nakauwi ako. Hindi kita patutulugin buong magdamag. Ihi lang ang pahinga natin.”
Pareho kaming napatawa.
“Aasahan ko iyan, Love. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita.”
“Mahal na mahal din kita at alam kong kahit di mo sabihin. Nag-aalala ka na baka maghanap ako dito ng iba. Hinding-hindi ko sisirain ang tiwala mo sa akin, Love at alam kong ganoon ka rin sa akin. Pangako nating dalawa iyon sa isa't-isa, di ba?” madamdamin niyang wika sa akin.
Napalunok ako.
At pilit na ngumiti...
“I love you so much, Love," sagot ko na lang sa kanya.
Ilang oras pa kaming nagkwentuhan ng kung anu-ano bago tuluyang nagpaalam sa isa’t-isa. Mahal na mahal ko ang asawa ko at alam ko sa sarili kong hindi ko siya ipagpapalit kahit kanino.
Alas tres na nang umaga at di ko pa din magawang makatulog. Ilang minuto na ang lumipas nang matapos ang usapan namin ni Paul. Nakahiga lang ako sa kama at nakasuot ng manipis na lingerie. Nakasanayan ko na itong suotin kahit wala si Paul. Hindi kalakakihan ang bahay namin. Isa itong bungalow type na may limang kwarto at dalawang CR ito. Nakatayo ito sa isang subdivision at dahil bago pa lang ito kaya wala masyadong nakatira.
Nasa malalim akong pagmuni-muni nang magambala ako sa pagtunog ng cellphone ko. Tiningnan ko ito at napabuntong-hininga nang makita ko ang pamilyar na numerong nakalagay sa screen.
Mahal ko ang asawa ko.
Agad kong ina-accept ang tawag.
“I’m here,” bungad niya sa akin. Ni hindi man lang nag-hello. Agad kong tinapos ang tawag na hindi man lang sumasagot. Alam ko na ang pakay niya.
Bumaba ako sa kama at kinuha ang roba na nakasablay sa dresser. Isinuot ko ito at pinagbuhol ang tali bago lumabas ng kwarto at nagpunta sa sa sala para buksan ang pinto. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay agad niya akong sinunggaban ng halik. Halik na nakakaliyo at nakakaadik. Siya pa lang bukod kay Paul ang nakakahalik sa akin. Nadadarang ako sa pamamaraan ng paghalik niya pero nanaig pa din ang katinuan ng isip ko.
“Teka, teka Simon. I have to close the door first. Pigilan mo muna ang sarili mo,” pigil ko sa kanya habang iniiwas ang labi ko sa kanya.
“It’s your fault for wearing this skimpy lingerie. You’re unleashing the beast in me,” mariing sabi nito na para bang gigil na gigil sa akin. “You’re one of a kind woman did you know that, Cassandra? Your name really suits you. You’re shining upon men and I’m one of those.”
Marahan ko siyang tinutulak. Kahit wala pang masyadong tao sa subdivision, ayoko pa ring magkumpyansa dahil malaki pa rin ang posibilidad na may makakita sa amin na naghahalikan sa may pintuan. Bahagya akong nakawala sa yakap niya kaya mabilis kong naisara ang pinto. Agad naman siyang yumakap mula sa likuran ko at marahang itinulak sa nakasarang pinto. At doo’y hinayaan ko na ang sarili kong malunod sa makamundong kaligayahan.
Hindi ko na mabilang kung ilang oras namin ginawa ang pagpapaligaya sa isa’t-isa. Pero ito ang unang pagkakataon na sa bahay nakatulog si Simon. Noon, bago mag alas kwatro ay nakaalis na ito pero ngayon alas diyes na ng umaga pero nasa kama pa rin kami at nakayakap pa rin siya sa akin.
Nawala na ang kalibugan sa katawan ko at ngayo'y pinapatay na ako ng konsensya ko.
Isa na namang gabi ng karupukan, Cassandra.
Nakilala ko si Simon noong mga panahong miss na miss ko na asawa ko. Gumawa ako ng account sa isang website kung saan halos ang mga member ay nasa abroad ang mga asawa. Akala ko ay ito ang solusyon para kahit kaunti ay mawala ang pangungulila ko sa asawa ko dahil gaya ko, may iba ring nakakaranas ng pinagdadaanan ko.
Noong una ay nakatulong nga ito dahil marami akong naging kaibigan. Hindi ko kasi maiopen ang nararamdaman ko sa mga kaibigan ko dahil hindi naman nila ako maiintindihan. Hindi nila naranasan na malayo sa mga asawa nila ng taon. Ang hindi ko inaasahan ay may madilim na parte pala ang website na iyon kung saan napupunan ang pangungulila sa s****l na pamamaraan. Doon ko nakilala si Simon.
Gwapo si Simon, matangkad at kayumanggi ang kulay ng balat pero bughaw ang kulay ng mga mata nito. Nakuha nito sa amang Caucasian ang kulay ng mga mata. Walang babaing hindi maaakit sa kanya, idagdag pa ang matipuno nitong pangangatawan.
Wala siyang asawa at ang sabi niya sa akin ay nandoon lamang siya dahil nacurious ito. May mga kaibigan kasi itong nasa abroad din ang mga asawa. Ang mga ito ang nag-introduce sa kanya sa website na iyon. Ayon sa kanya, katuwaan lang daw ang pagkapadpad niya doon at saktong nakilala niya ako. Nagsimula sa chat hanggang video call hanggang sa naturuan niya ako paano paligayahin ang sarili. Naging gahaman ako sa kamunduhang kaligayahan kaya nang ioffer niya sa akin ang no strings attached relationship ay sinunggaban ko ito. Alam kong mali pero siguro ay tama ang nga sila. Nasa mali ang masarap na hahanap-hanapin mo.
Inalis ko ang pagkakayakap ni Simon sa akin at nagpunta sa master’s bedroom. Pinagbawalan ko siyang pumasok sa kwarto naming mag-asawa dahil gusto kong igalang man lang kahit ang kwarto na lang na iyon. Kumuha ako ng tuwalya at damit bago nagtungo sa banyo ng master’s bedroom para maligo. Dalawang buwan na lang at pasko na. Kailangan ko ng bigyan tuldok ang kung anuman ang namamagitan sa amin ni Simon. Ayoko nang maging taksil sa asawa ko.
Pagkatapos maligo ay pumunta na ako sa kusina para ipagtimpla ang sarili ng kape. Nadatnan ko ang nakahubad barong si Simon. Basa ang buhok nito na parang kagagaling lang maligo. Siguro ay ginamit nito ang common bathroom. Nagluluto ito ng almusal. Para itong sanay na sanay sa kusina. Ito din ang unang beses na pinagluto niya ako. Agad itong lumingon sa akin nang marinig ang mga yabag ko.
“Oh, nandyan ka na pala. Umupo ka muna malapit na akong matapos. Pinakialaman ko na ang ref mo. I hope you don’t mind,” nakangiti nitong sabi.
“Yup, no problem. Thanks for cooking.” Matipid akong ngumiti sa kanya.
“Anytime, nakishower na din ako sa banyo niyo,” dadag nito. “You want coffee?”
Marahan akong tumango. “Yes, Please.”
Nakatingin lang ako sa kanya habang pinagsisilbihan ako. Para siyang isang ulirang asawa. Swerte ang sinumang magiging asawa nito. Sobrang maalaga at hayop pa sa kama.
“Simon,” mahinang tawag ko sa kanya.
“Hmmn?”
“We have to stop this,” hindi tumitinging sabi ko sa kanya habang pinaglalaruan ang kutsarita sa tasa ko.
“Is he coming back?” seryosong tanong nito sa akin. Napatingin ako sa kanya at walang bakas na anumang expression ang mukha nito. Nakatitig lang ito sa akin.
“Still not sure if he will be able to this Christmas pero I don’t think I can still do this anymore.”
“Okay, no problem,” walang anumang sabi nito. Bahagya akong nakahinga ng maluwag akala ko magiging issue ang pakikipaghiwalay ko sa kanya. “So, I guess that’s the reason why you seemed unsatiated after two rounds?” nanunudyo nitong tanong. Nagniningning ang mga mata nito sa kapilyuhan.
Napatawa ako. “To tell you honestly, I don’t know. It just happened. But I want to thank you-"
"The pleasure is all mine, Cass, putol nito sa sasabihin ko. "The two months being with you was superb. I could only wish that I had met you earlier pero ganoon talaga. I'll just wash these dishes and then, I'm gone." Tumayo ito at akmang kukunin na ang mga plato.
"No, no, ako na bahala diyan," pigil ko sa kanya. Tumayo na rin ako para ligpitin ang pinagkainan namin.
"Oh, okay. It seems like you want to get rid of me already."
Napatawa ako uli. "Siraulo ka talaga. Ikaw na kasi ang nagluto kaya ako na magliligpit."
Napatawa na rin ito.
"I really appreciate your company, Simon."
Nang makaalis na si Simon ay nakahinga ako nang maluwag. Pakiramdam ko ay napakaswerte ko dahil madali kong nalampasan ang pagsubok sa buhay ko. Handa na akong harapin ang bagong yugto ng buhay ko. Ito na ang una at huling beses na magkakasala ako kay Paul. Excited akong naghintay sa tawag ni Paul. Kadalasan ay hating-gabi na siya tumatawag pero ala-una na at hanggang ngayon ay wala parin akong natatanggap na tawag o message man lang.
Nagsimula na akong mag-alala. Ito ang kauna-unahang pagkataon na hindi ito nakatawag. Sa loob ng dalawang taon na nasa Dubai ni minsan ay hindi ito pumalya. Pabalik-balik akong naglalakad sa loob ng kwarto namin. Iniisip ko kung karma ko na ba ito. Tiningnan ko ang wall clock na nakasabit sa hapa ng kama namin.
7 o’clock na ng umaga.
Tiningnan ko uli ang cellphone ko pero wala pa ring kahit indikasyon na nagmessage or tumawag man lang si Paul. Dinala ko ang cellphone ko sa may sala. Napagpasyahan kong doon na lang hintayin ang tawag niya. Nakayupyop akong nakaupo sa pang-isahang couch. Inilagay ko ang cellphone sa armrest para madali kong makita kung may tumawag o magtext.
10 o'clock, wala pa rin.
Kinuha ko ulit ang cellphone ko at akmang tatawagan ang mother-in-law ko nang biglang may kumatok sa pintuan.
Mabilis akong tumayo at binuksan ang pintuan. Ganoon na lang ang gulat ko nang makita ko ang asawa ko sa labas ng bahay.
Nakangiti at buong pagmamahal na nakatingin sa akin.
"L-love…" nauutal na tawag ko sa kanya. Unti-unting naglaglagan ang mga luha ko. Agad ko siyang niyakap nang mahigpit at humagulhol ng iyak.
"Oh, ganyan ka ba kasabik na makasama ako at iyak ka nang iyak ngayon? ‘Di ba sinbi ko naman sa’yo na I’ll be home for Christmas?" natatawa nitong tanong na mahigpit din yumakap sa akin.
"Nag-aalala kasi ako. Hindi ka man lang nagpasabi na uuwi ka na pala. Naghintay ako sa’yo akala ko kung napaano ka na. Hindi ka man tumawag o kaya nagmessage man lang sa akin,” naghihimutok kong paliwanag sa kanya. Akala ko din kinarma na ako dahil sa mga kasalanan ko sa’yo.
“Eh di, hindi na iyon surprise kung sasabihin ko sa’yo?” anitong giniya ako papasok sa loob ng bahay. Hindi ko siya sinagot dahil sa malaking kaginhawaaan ana nadaraama ko. Akala ko talaga may nangyaring masama sa kanya hindi niya ako magawang tawagan.
Agad kong sinara ang pinto namin at magkatabing umupo sa couch. Malabing na umakbay siya sa akin. Inihilig ko naman ang ulo ko sa dibdib niya sabay yakap sa kanyang bewang. Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na siya at yakap-yakap ko na. Mabuti na lang talaga at tapos na ang sa amin ni Simon.
“Love,” mahina niyang tawag sa akin.
“Hmnn?”
“Gusto kong wala ka munang gawin ngayon or puntahan. I want to spend the whole day with you without any disturbance or interruptions, iyong tayo lang dalawa.”
“Of course. I would love that.”
“I love you, Love. One more thing, pwede bang i-off mo na din ang phone mo? I told you I don’t want any distractions today.”
Agad kong in-off ang cellphone ko gaya ng kahilingan ni Paul. Gaya ng usapan namin, buong araw kaming magkasama. We spend our time in the house doing the things we love the most. We made love all day and night. Pinaramdam ni Paul sa akin kung gaano niya ako kamahal sa pamamagitan ng kamunduhang ligaya. Tinugon ko lahat ng halik at haplos niya sa magkaparehang intensidad. Nagbabakasakali akong mawala niyon ang mga kasalanang nagawa ko sa kanya.
Kinaumagahan, masaya akong nagising. Tulog pa rin si Paul. Agad akong bumangon para makaligo. Nagpaplano akong magluto na ng agahan kahit 10 o’oclock na ng umaga halos malapit na ring magtanghalian. Pagkatapos kong maligo ay pumunta na ako sa kusina para magluto. Tamang-tama paggising ni Paul ay luto na ang pagkain.
After 30 minutes ay nahanda ko na ang pagkain sa mesa na puro mga paborito ni Paul -- sinangag, itlog, tapa at tuyo. Pinagtimpla ko na din siya ng paborito niyang kapeng barako. Napangiti ako habang nakatingin sa mesa. Namimiss ko na talaga ang pakiramdam na pinagsisilbihan ko ang asawa ko. Nang masiguro kong ayos na ang lahat, kinuha ko muna ang cellphone kong naiwan sa sala bago naglakad papunta sa kwarto namin.
In-on ko ang cellphone ko at ganoon na lang ang gulat ko ng makitang sunod-sunod na text messages ang dumating galing sa mother-in-law ko. Isa-isa ko itong binuksan at binasa.
[Cass, nasaan ka?]
[Cass, kanina ka pa namin tinatawagan pero di ka macontact.]
[Cass, this is very urgent. Call me when you receive this message.]
Nagtataka ako kung anong urgent ang sinasabi nila. Kaya naman di ko na binasa ang iba pang message at tinawagan na ang mother-in-law ko.
Iisang ring pa lang ay agad na nitong sinagot ang tawag ko.
“Hello, Ma?”
“Nasaan ka bang bata ka? Kahapon pa kami tawag nang tawag sa’yo hindi ka namin macontact!” naiiyak na sabi nito.
“Sorry, Ma dumating kasi si Paul--”
“Alam mong dumating si Paul?”
“Opo, Ma. Magkasama nga po kami kahapon eh,” nalilitong sabi ko sa kanila.
Mas higit na pagkalito ang naramdaman ko nang humagulhol ito sa pag-iyak.
“M-ma?” Hindi ko maiwasang kabahan din sa inaakto ng biyenan ko kaya dali-dali akong pumunta sa kwarto. Pagbukas ng pinto ay ganoon na lang ang ginhawang naramdaman ko nang makita si Paul na nakaupo sa kama. Nakatalikod siya sa akin.
“Cass, patay na si Paul. Kahapon ka pa tinatawagan ng pulis pero di ka macontact kaya kami na ang tinawagan nila. Naaksidente siya, Cass dead on arrival na siya sa hospital,” paliwanag nito sa akin habang humihikbi.
Tinambol muli ng kaba ang puso ko. Ang daming tanong sa isip ko. Paanong patay na si Paul eh nakaupo siya sa kama?
“Ma, I don’t think that’s possible magkasama kami ni Paul. Nandito nga siya sa harap ko eh. Gusto niyo po ba siyang makausap?”
“Cass, nandito kami sa funeral homes. Ibuburol na mamaya ang katawan ni Paul. Pupunta na nga diyan ang Ate Sam mo susunduin ka-”
Nangingig ang kamay na nabitawan ko ang cellphone. Abot-abot ang kaba ko. Hindi ako makapaniwala na patay na si Paul. Dahil kung patay na siya, sino ang lalaking ito sa harap ko? Sino ang kaulayaw ko kagabi?
Hindi ko mapigilang isipin na baka prank lang ito pero ang hinagpis ng mother-in-law ko ay di pwedeng biro lang. Nanginginig akong naglakad papunta kay Paul. Gusto kong siguruhin na si Paul nga ito at hindi ang kung sino man.
“P-paul?” nauutal na tawag ko sa kanya.
Dahan-dahan siyang lumingon sa akin. Ang makinis niyang mukha ay puno na ng dugo. Ang mga mata nito ay naging kulay pula. Ang mas nakakasindak pa sa akin ay ang kanang eyeball niya ay nakaluwa na. Nakangiti itong nakatingin sa akin at dahang-dahang tumayo paharap sa akin.
Kitang-kita ko ang mga malalaki niyang sugat sa iba’t-ibang bahagi katawan. Ang ibang balat sa braso niya ay bahagya pang natuklap. Ang mga buto sa braso at hita ay naglabasan na rin. Ngiting-ngiti itong paika-ikang lumapit sa akin habang tumutulo ang dugo sa bibig nito.
Takot na takot akong nakatingin sa kanya. Hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Gustuhin ko mang sumigaw o tumakbo hindi ko magawa. Papalapit na papalapit na ito sa akin. Iniisip ko na sana panaginip lang ang lahat ng ito kaya ipinikit ko ang mga mata ko. Nagbabakasakali akong pagmulat ko ay wala na ang nakakatakot na itsura ni Paul.
Bumilang ako ng sampu at pagkatapos ay dahan-dahang binuka ang mga mata. Ganoon na lang ang pagkasindak ko ng isang dangkal na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko.
“Tinupad ko ang pangako ko, Love,” nakangiti pa ring sabi nito. Ang dugo ay tumutulo pa rin mula sa bibig nito. “Ikaw lang talaga at walang ng iba. I fulfilled my promise that I’ll be home for Christmas. Pero ikaw?” ani nito sa nakakatakot na boses na parang hinugot mula sa lupa. Unti-unit naging mabagsik ang mukha nito at ang mga mata ay naninilisik sa galit. “Nasaan ang pangako mo?!” nakakapanindig balahibong sigaw nito sabay sakal sa leeg ko. “Kailangan mong tuparin ang pangako mo, Cassandra. No death will tear us apart,” dagdag nito pagkatapos ay nagpakawala ng nakakainging tawa.
Unti-unti akong napanganga at napasigaw nang pagkalakas-lakas bago nagdilim ang paningin ko.