03

784 Words
3rd Person's POV; "Ingatan mo siy~--Saan kayo galing?" tanong ni Derek pagkatapos nitong ibaba ang headset at ng sabay sabay pumasok ang mga kabanda. "Seriously?nagkakaputukan na sa labas nagheheadbang ka lang diyan?" nakataas ang kilay na tanong ni Galvin na dahilan para mapanguso ang binata. "Kailangan niyo ba ng tulong ko?" tanong ni Derek na kinabuga ng hangin ng binata bago pasimpleng chineck ang katawan ng kaibigan. --- "Arggghh!sakit ng katawan ko." reklamo ni Derek bago tumalon sa sofa padapa. "Kanina pa namin kayo inaantay." napatingin ang lima sa hagdan ng may dalawang taong nakangiting bumaba at bahagyang yumukod ng makita ang binatang si Bullet. "Parang nakita ko na kayong dalawa." nagtatakang komento ni Derek bago umayos ng upo at matamang tiningnan ang kambal. "Pinadala kami ni Pinuno dito para pansamantalang paglingkuran kayo habang hindi pa siya dumadating." sagot ni Crios bago ngumiti kay Reid na kasalukuyang nakakunot ang noo. "Sinong dadating?" tanong ni Derek na nakakunot na din ang noo dahil sa mga estranghero. "Sa ngayon Young master wala pa din kaming alam kung sino." magalang na sagot ng binatang si Chaos magtatanong pa ulit ang binata ng---. "Derek anong flavor ng ice cream gusto mo dito?!" sigaw ni Galvin mula sa kusina dahilan para tumakbo ang binata papasok ng kusina at parang batang pumipili ng ice cream sa loob ng Fridge. "Ganito ba kalaki ang gulo sa underground para bantayan niyo pa kami?" tanong ni Reid sa kambal na kinikibit balikat ni Crios. "Pahingi din ako young master!" ani ni Chaos bago sumunod papasok ng kusina. "Minamaliit niyo ba grupo namin? kung hindi lang kabastusan sa posisyon ni Derek paalisin namin kayo dito." nagdidilim ang anyong sabat ni Shintaro ba kinataas ng gilid ng labi no Crios. "As my expected mamasamain niyo ang pagpunta naming dalawa dito." ani ng binata bago bahagyang lumingon kay Derek. "Ang totoo nan hindi naman yun ang pinakamisyon namin dito." ani ni Crios bago walang emosyong salubungin ang tingin ng tatlong lalaki. "Merong traydor sa grupo niyo at palihim namin yun iimbistigahan." sagot ni Crios na kinataas ng kilay ni Jackson. "Kung meron man labas na kayo dun dib---." "Hindi na ito sa grupuhan natin sa underground sa pagitan na toh ng mga Aragon." putol ni Crios na kinatahimik ng tatlo. "Wala kaming pakialam sa lakad niyo na related sa underground kung taluhin niyo man ang comrade ng grupo namin wala din kaming pakialam walang lalabas tungkol sainyo dito." dagdag ni Crios. "At pano kami nakakasiguro?" tanong ni Shintaro na kinangisi ng binata. "Dahil parepareho tayong sumusunod lang sa misyon at sa iisang tao." sagot ni Crios na kinaismid ni Reid. "Guys! ang sarap ng ice cream!" pang aagaw ng pansin nila ni Derek na kinalingon ng apat. "Tangina mo Derek hindi ka pwedeng masobrahan nan!" bulyaw ni Reid na agad na kinatakbo ni Derek pataas ng hahabulin siya ng binata. "Kung minamalas ka nga naman yung taong'dapat leader ng grupo' at sinusunod namin sakit sa ulo." ani ng binatang si Jackson na kinatawa ng mahina ni Crios. "Kung gusto niyo naman ng pinunong tingga ng baril ang binubungad sayo pagbukas lang ng pinto, palit tayo." ani ni Crios na kinangiwi ni Jackson --- "Teacher teacher! I want to pee." ani ng batang nasa limang taong gulang habang namimilipit dahil sa ihing ihi na. "Wait wait class babalik ako okay wag maingay." ani ng dalaga bago ibaba ang hawak nitong story book at samahan ang estudyante sa comfort room. Nang makarating sila ng Comfort room huhubaran na ng dalaga ang estudyante ng---. "Aww!" daing ng batang babae ng mahawakan ng dalaga ang braso nito. "Anong masakit?"tanong ng dalaga bago bahagyang itaas ang manggas ng uniform ng batang babae. "Saan galing mga pasa mo?" tanong ng dalaga matapos umihi ng batang babae na kinatahimik ng batang babae. "Kylie saan galing mga ito sabihin mo kay Teacher." kalmadong sambit ng dalaga na dahilan para mangilid ang luha ng batang babae. "T-Teacher*sob*." --- "Mag iingat kayo mga bata sa pag uwi."ani ng dalaga habang hinahatid ang mga bata sa gate at nakapila. "Bye teacher Alli!" "Bye teacher!"paalam ng kanyang mga estudyante ng sunduin na sila isa isa ng mga nanay na nasa gate ng---. "Kylie!" ani ng lalaking nasa mid 30s habang nakasandal sa kotse at humihithit ng sigarilyo. "Teacher Alli." nanginginig na sambit ng batang babae habang nakahawak sa kamay ng teacher. "Kakausapin ko lang papa mo." kalmadong sambit ng dalaga bago lumapit sa ama ng bata na nakangising nakatingin sakanya. "Magandang hapon ma'am Allison." bati ng lalaki na kinangiti ng matamis ng dalaga. "Magandang hapon din Mr.Alejandro pwede ba kayong makausap tungkol kay Kylie?" nakangiting sambit ng dalaga na kinaseryoso ng lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD