Chapter 4 – Guardian

1299 Words
“Anna, hija, bakit ngayon ka lang?” pagpasok pa lang niya sa sala ay naabutan niya si Yaya Dolor na mukhang hinihintay ang pagdating niya. Ito lang yata ang nag-iisang tao sa mundo na tunay na nagmamahal sa kanya kaya kahit yaya niya lang ito at hindi tunay na kapamilya ay napakahalaga nito para sa kanya at ito higit sa lahat ang taong nirerespeto niya. “Ya, gumala lang ako kasama ang kaklase ko.” Ayaw na ayaw niyang pinakikialaman at kinukuwestiyon siya pero dahil si Yaya Dolor iyon ay hindi niya ito magawang pagtaasan ng boses. “Sabi ni Pilo lalaki raw ang kasama mo.” Tukoy nito sa tsismoso nilang driver. “Oo Ya pero sa mall lang kami pumunta.” Medyo naiinis na siya dahil panay na ang usisa ni Yaya Dolor sa kanya at hindi na niya itinago ang iritasyon niya. Maldita siya mula bata pa siya kaya hindi na niya kailangang magkunwari kay Yaya Dolor dahil ito ang nag-alaga sa kanya mula pa noon. “Anna, anak… alam kong dalaga ka na. Pero sana wag mong kalimutan ang limitasyon mo. Nag-aalala ako sa’yo dahil baka kung sinu-sinong lalaki ang sinasamahan mo.” “Pwede ba, Ya! Malaki na ako kaya alam ko na ang ginagawa ko!” mariin niyang sambit bago siya naglakad patungo sa hagdan. Noon oo naaappreciate niya ang mga pangangaral nito sa kanya but right now, para saan pa ba ang pag-iingat na gagawin niya sa sarili niya? Wala naman siyang napapala. Mabuti pang enjoyin na lang niya ang buhay niya. She will enjoy her life to the fullest! At least hindi masasayang ang ganda niya at ka-sexy-han niya. “Aakyat na muna po ako sa kwarto. Bababa na lang ako mamaya para kumain.” Aniya. She just went out with Dennis in the movie theater but when he invited her to eat dinner, she disagreed and insisted that he send her home. Nakikipaglandian lang siya at ayaw niyang lumalim pa iyon doon. If she eats with a man in a restaurant, para na rin siyang nakipagdate. She hates relationship at never siyang makikipag-date. Hindi naman na si Dennis nagpumilit at agad na siya nitong inihatid. Kahit papaano ay ayaw niyang sumama ang loob ng yaya niya kaya ayaw niya itong pagalitan. Yaya Dolor is very important to her at kung makakapili siya ng magulang ay ito ang pipiliin niya and not her irresponsible parent! But unfortunately, she couldn’t choose her parents nor change her life. So she will just accept her messy, wealthy life and make the best out of it. Hinayaan na lang siya ni Yaya Dolor pero alam niyang hindi iyon matatapos doon at muli siya nitong pagsasabihan oras na may makita itong mali o bago sa mga kilos niya. But she’s ready. Kahit ano pa ang sabihin ni Yaya Dolor sa kanya ay itutuloy niya ang trip niya. Sa mga sumunod na araw ay lalo niyang naenjoy ang pakikipagflirt niya. She can already let whoever handsome man kiss her. Minsan nga kahit sa labas pa ng school nila ay nakikipaghalikan na rin siya. But, so what? Ano ba ang pakialam niya sa pagiging conservative ng iba? At ano ba ang pakialam nila kung makipaghalikan siya? Aba para saan pa ang bali-balitang pagiging malandi niya kung hindi naman niya iyon papatunayan? Sayang naman ang pagiging sikat niya. Sira na rin naman ang image niya so she might just as well prove to them that she’s a flirt, but a very beautiful and sexy flirt. One day, she and her friends found out that Alexis and Ghian are step-siblings. Akalain mo yon? Ngayon ay mapapadali na siguro ang paglapit niya kay Alexis at balang araw ay wala na itong magagawa kundi tanggapin siya sa buhay nito dahil kaibigan niya ang step-sister nito na kasama nito sa iisang buong. Maybe that’s the reason why she was interested with Ghian the very first time, dahil malaki ang magiging parte nito para makuha niya si Alexis. She will really get him soon and that thought made her really-really excited. Kaya sa mga sumunod na araw ay lalo niyang ginalingan ang pakikipaglandian niya. Hindi lang naman iyon para kay Alexis kundi para sa sarili niya dahil talagang enjoy na enjoy naman siya. Of course patuloy sa pangungulit sa kanya si Dennis. Lagi siya nitong muling niyayang lumabas o magsine ulit but she rejects him already. Why? Para naman di agad magsawa sa kanya si Dennis at patuloy itong maulol sa kanya. Yes, gusto niyang natatakam sa kanya ang mga kalalakihan. She wants to feel wanted… Balang araw pagbibigyan niya ulit si Dennis pero ngayon ay hahayaan niya muna itong maglaway ng maglaway sa kagandahan niya. “Anna, napapadalas na yata ang paglabas mo.” Puna sa kanya ni yaya Dolor isang umaga habang nagbi-breakfast siya. “Siyempre po ‘ya kasi marami akong kaibigan.” Pabalang niyang sagot dito kahit na may “po.” Ang aga-aga, lelecturan na naman ba siya nito? “Iha, sana alagaan mo ang sarili mo. Alam mo namang mahal kita, at ayaw kong mapahamak ka.” malumanay nitong sabi habang nakatayo sa tapat niya. “Inaalagaan ko naman po ang sarili ko. Don’t worry ‘ya, I’m ok.” Ngumiti siya rito saka muling kumain. “Kung nalulungkot ka dahil laging walang oras sa’yo ang mga magulang mo—” Bigla niyang ibinagsak sa plato niya ang mga kubyertos na hawak niya. Bigla siyang nawalan ng gana! Bakit pa ba binabanggit ng yaya niya ang walang kwentang mga magulang niya?! Leche! Ni wala ngang pakialam sa kanya ang Mommy at Daddy niya kaya bakit niya pa aalalahanin ang mga iyon na sinasamba yata ang pera?! Pera, pera! Iyon lang ang mahalaga sa mga magulang niya! Siguro magiging mahalaga lang siya sa mga ito kung magiging pera rin siya! “Ya, ang aga-aga binu-bwisit mo ako!” hindi niya napigilang angil rito. Mahal niya ang yaya niya pero katulong pa rin ito at wala itong karapatang pangunahan siya o pakialaman ang mga desisyon niya sa buhay niya. “Hindi naman sa ganon, anak. Gusto ko lang ipaalala sa’yo na mayron pang nagmamahal sa’yo—” “Will you just shut up, ‘ya?! Tapos na po akong kumain. Aalis na rin ako dahil magkikita kami ng mga kaibigan ko.” she lied. Pero mas gusto niyang umalis kaysa manatili sa walang kabuhay-buhay na malaking bahay na iyon. Ayaw na ayaw niyang ipinapamukha sa kanya na mag-isa lang siya sa buhay niya. It makes her mad! Ipinagpipilitan niya sa sarili niya na masaya siya kahit nag-iisa siya kaya sana naman wag na siyang pakialaman ni Yaya Dolor kung paano niya pasasayahin ang sarili niya at sana ay suportahan na lang siya nito. Siya na nga lang ang nag-eeffort para sa sarili niya, kokontrahin pa siya nito?! If her parents don’t care about her, then she doesn’t care about them too! Wala na siyang pakialam kahit kanino basta’t nakukuha niya ang gusto niya at marami siyang pera. Dahil kung pati iyon ay aalisin pa sa kanya, she would be like a withered flower na wala nang halaga at basta na lang itatapon na parang basura. Aapak-apakan siya hanggang sa tuluyan na siyang masira at mawala. “Anak, tandaan mong nandito lang ako lagi para sa’yo at hindi kita pababayaan.” Pahabol pa ni Yaya Dolor sa kanya habang naglalakad na siya paalis sa dining area. Biglang tumulo ang luha niya ngunit agad niya iyong pinalis. She shouldn’t cry! She shouldn’t pity herself. Hindi na dapat niya masyadong dibdibin ang mga sinasabi ni Yaya Dolor sa kanya. She’s a tough woman now. She shouldn’t be emotional and she should never cry again. Strong women don’t cry because it will only make them weak. And she doesn’t want to be weak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD