“Anna Liza! Ano itong naririnig naming bali-balita na kung sinu-sinong lalaki ang kasama mo?!” Pagkapasok na pagkapasok pa lang ng Mommy at Daddy niya sa bahay nila at masalubong siya sa sala ay agad na siyang sinermunan ng Mommy niya. Ni hindi ito ngumiti at halatang hindi ang mga ito natutuwa na makita siya.
“We are giving you everything you want, everything you need! All you have to do is behave. Mahirap bang gawin iyon?!” malakas at matigas namang sabi ng Daddy niya.
Hindi ba muna ilalagay ng Mommy at Daddy niya ang bag ng mga ito sa kwarto nito? Masyado naman yatang excited ang mga ito na pagalitan siya. Nag-eenjoy lang naman siya. Behave?? Matagal siyang nagbehave at nagpakabait bilang anak, bilang estudyante pero may napala ba siya?? Wala!
“Mom, Dad…” Lalapit sana siya sa mga ito para humalik sa pisngi ngunit sinalubong siya ng sampal ng Mommy niya.
“You’re a flirt! May boyfriend ka na pero kung kani-kanino ka pa nakikipaglandian! Nakakadiri ka!” singhal pa ng mommy niya sa kanya habang sapo-sapo naman niya ang pisnging tila namamanhid na.
“Boyfriend? Wala akong boyfriend Mom!” Malakas niyang depensa ngunit muli siya nitong sinampal.
“Wala? Wala?! Eh yong anak ni Mr. San Pedro na kaklase mo, hindi mo ba iyon boyfriend?! My God, Anna Liza! Magsisinungaling ka na lang, magpapahuli ka pa!”
Si Dennis. Boyfriend daw niya si Dennis?? What the hell!
“He’s not my boyfriend!” Malakas din ang boses na sabi niya rito.
“Anna Liza! Don’t you know that because of your stupidity ay malaki ang nawala sa amin ng Mommy mo? Mr. San Pedro was about to sign the deal! But you…you ruin it!” anang Daddy niya na dinuro pa siya.
So tungkol na naman pala kasi iyon sa lecheng negosyo ng mga ito! Galit na galit ang Mommy at Daddy niya sa kanya dahil sa hindi natuloy na deal ng mga ito sa Daddy ni Dennis.
How funny! Akala pa naman niya kanina nag-aalala sa kanya ang parents niya. Akala niya kapakanan niya ang iniisip ng mga ito kaya umuwi at pinagalitan siya. Yon pala ay dahil na naman problemang nangyari sa pagpapayaman ng mga ito. Saglit na naman niyang nakalimutan na pera lang ang mahalaga sa parents niya.
Ah, oo nga pala. Sumusulpot lang bigla ang Mommy at Daddy niya sa bahay na iyon pag may problema—problema sa negosyo o sa mga bagay na maaaring makasira sa pangalan ng mga ito. At ngayon ay isa na siya roon.
Isa siyang malaking problema sa parents niya.
“So you’re here just to nag at me.” Sarkastiko niyang sabi at sarkastiko rin siyang ngumiti. Bastos na kung bastos at walang respeto pero siya ba, nirespeto siya ng mga magulabg niya? Minahal ba siya ng mga ito? If her parents think that she is stupid, then they are more stupid for giving more importance to those worthless things! Anak siya pero ni hindi niya maramdaman ang halaga niya sa mga magulang niya! Binuhay pa siya ng mga ito kung itatrato lang pala siya ng mga ito na parang basura!
“How dare you!” Ang Daddy naman niya ang biglang sumampal sa kanya.
Bigla namang sumulpot mula sa kung saan si Yaya Dolor at mabilis itong lumapit sa kanila. Hinawakan ni Yaya Dolor ang magkabilang balikat niya at bahagya siyang hinila kaya napaatras siya. Niyakap siya nito at iniharang ang katawan mula sa galit na anyo ng mga magulang niya.
“Hindi kailangang saktan ang bata!” pagtatanggol sa kanya ni Yaya Dolor Pagkatapos ay tiningnan ang pisngi niya at hinimas.
“Manang, wag po kayong makialam dito dahil umaabuso na ang batang ito!” anang Daddy niya.
“Hindi na yan bata dahil marunong na ngang makipaglandian!” sabi naman ng Mommy niya.
“Kung nagkamali ang bata, pwede namang kausapin ng maayos—”
“Kaya lumalaki ang ulo niyan dahil lagi mong kinukunsinti Manang!” putol ng Mommy niya sa sinasabi ng yaya Dolor niya.
“Si Yaya pa talaga ang sinisisi niyo.” Aniya sa mahinang tinig kaya napatitig na sa kanya ang Mommy at Daddy niya.
“Si Yaya pa talaga ang sinisisi niyo!” Ulit niya sa mas malakas na tinig.
“What did you say? Eh sino pa ba ang ibang may kasalanan kung bakit lumalaki ang sungay mo?! It’s primarily your fault at kinukunsinti ka naman ni Manang!” sabi naman ng Daddy niya. Napangisi tuloy siya at hindi niya maiwasang matawa.
There they are again, pointing fingers and blaming other people. Ganon naman lagi ang parents niya. They never admit to their mistakes! They thought they are perfect! They never dare to look at what’s lacking in them! Ipinapasa lang ng Mommy at Daddy niya ang responsibilidad ng mga ito bilang magulang para ano? Para ligtas ang mga ito sa paninisi.
“Eh kayo, ano ba ang ambag niyo sa buhay ko??”
Biglang natameme ang Mommy at Daddy niya sa tanong niya sa mga ito.
“Pera??” dugtong niya.
“Pera lang naman ang ambag niyo sa akin! And here you are pretending to be good parents. Oh, cut the crap! Anak niyo ba talaga ako?? Baka naman ampon niyo lang ako at pera talaga ang anak niyo. Si Yaya ang naging magulang ko! You don’t deserve to be called parents.” Malamig niyang sabi sa mga magulang niya. Kung pwede nga lang na isupalpal niya sa mga magulang niya ang kapabayaan ng mga ito sa kanya. But she’s too tired. They are old, dapat alam na nila ang tama sa mali. At dapat alam na nila kung ano ang dapat nilang gawin.
“You brat!” Sasampalin na naman sana siya ng Mommy niya ngunit siya na mismo ang humawak sa kamay ng Mommy niya at isinampal niya iyon ng ilang ulit sa pisngi niya.
She’s hurt! Pero mas masakit ang pinagsasasabi ng Mommy at Daddy niya kaysa ang pagsampal ng mga ito sa kanya.
Tulala lang na napatingin sa kanya ang Mommy at Daddy niya matapos niyang sampalin ang mukha niya gamit ang kamay ng Mommy niya. Yes, she’s a b***h! And maybe they didn’t expect it.
How could they know her when they never spent time with her and never tried to understand her?
“Ok na??” tanong niya pa sa dalawa matapos niyang bitawan ang kamay ng Mommy niya at ayusin ang sarili niya. Inipit niya pa sa likod ng mga tenga niya ang buhok niya.
“Kung satisfied na kayo ay aakyat na ako.” Malamig niyang turan saka siya tumalikod sa mga ito.
Hindi na nagsalita pa ang Mommy at Daddy niya at hindi na rin niya sinulyapan ang mga ito at binalingan na lang niya si Yaya Dolor na tila walang anumang nangyaring sagutan.
“Ya, pakiutusan na lang po ang mga maid na dalhan na lang ako ng pagkain mamaya. Pakisabi na lang din po sa mga bisita na hindi ako sasabay sa kanila. Thank you ‘ya!” sinadya niyang lambingan ang boses niya para ipamukha sa Mommy at Daddy niya kung gaano kahalaga si Yaya sa kanya, na nirerespeto niya ito at pinapahalagahan hindi gaya ng mga pabayang parents niya.
What you give, you get back. Now her parents must have already known that.