Nagising si Anna na namimigat pa ang talukap ng mga mata niya. Medyo masakit rin ang sintido niya at masakit din ang ilang parte ng katawan niya. Napadilat siya at ang gwapong mukha ni Jason ang tumambad sa kanya. They were still inside his car and Jason is still sleeping peacefully while hugging her. Nakaupo siya ngunit nakasandal ang katawan niya kay Jason. Nakaupo rin ito sa tabi niya habang yakap-yakap ang katawan niya. Bahagya siyang gumalaw para iinat ang nangangalay niyang katawan at napagtantong nakahubad pa rin pala siya, pero di niya ramdam ang lamig ng aircon dahil balot na balot ang katawan niya ng kumot. Samantalang si Jason ay nakasuot na ng pantalon nito at kasalukuyan na rin itong nakat-shirt. “You’re awake.” Namamaos na sabi ni Jason nang magising na rin ito. Tumingin