“Anna! Saan ka ba nagpuntang bata ka at hindi ka umuwi kagabi? Hindi mo ba alam na sobra akong nag-alala sa’yo?” Sinalubong agad siya ni Yaya Dolor sa sala na halatang hinihintay ang pag-uwi niya. “Sana tumawag ka man lang. Mabuti na lang at wala na dito ang Mommy at Daddy mo kundi nakatikim ka na naman ng sampal.” Hinaplos pa ni Yaya Dolor ang buhok niya. “Pasensiya na ‘ya, may reunion kasi kami ng mga kalase ko dati tapos nagkainuman kami.” paliwanag naman niya rito. Alam niyang labis na nag-alala sa kanya si Yaya Dolor kaya ito ganoon sa kanya. Hindi gaya ng mga magulang niya na papagalitan agad siya base lang sa mga narinig nito at haka-haka. Yaya Dolor’s concern towards her is genuine, kaya kahit napagsasabihan siya nito minsan ay hindi siya nagtatanim ng galit dito. “May