Lumipas pa ang mga araw hanggang sa nagbakasyon sa Pilipinas ang pinsan ni Anna na nakabase na sa ibang bansa at binisita siya nito sa bahay nila. Agad niya itong sinalubong sa sala pagdating nito. “Denise, long time no see!” masaya niyang salubong dito. Kung may isa mang tao sa mundo ang pinaka-makakaunawa sa trip niya sa buhay, yon ay si Denise. “Right, Anna! It’s been a long time! How are you doing?” agad silang nagbeso at magkatabing umupo sa sala. Wala pa ring kupas ang ganda at kasexy-han ni Denise. Or maybe, nasa lahi lang talaga iyon nila. “I’m fine, as always. I’m making myself busy by having fun. How about you? Mabuti naman at nadalaw mo ako. I thought you’ve already forgotten about me!” lumabi pa siya at kunwaring nagtatampo rito hanggang sa tumawa na lang sila pareho. Hind