Ang Boyfriend Kong... Special Chapter [3] First Date Kat's Note: Tentenenen! Sorry kung masyadong natagalan. Inalala ko pa lahat nang nangyari eh. HAHAHA. "Katerina!" "Po?" sigaw ko din kay mama na nasa baba. "Nandito na si Nicolo!" "Opo!" Kanina pa ko sa harap ng salamin. Mga ten minutes na siguro. Tinitignan ko kasi kung may magulo ba sa suot ko at kung mamaya ang g**o na pala ng buhok ko. Wala naman pero feeling ko meron. Feeling ko din sumasakit 'yung tiyan ko dito sa nangyayari. Hay. First date jitters. Inarte ko nanaman. Kinuha ko na 'yung bag ko. Isang bagong biling bag para lang sa araw na 'to. Akalain mo nga namang napagastos pa ko. HAHAHA. Bumaba na ko. Hindi na ko nag-inarte pa at baka malaglag pa ko. HAHAHA 'yung tipong may background music tas slow motion pa sana