Clause 8 (3)

273 Words
Ang Boyfriend Kong... Clause 8: Ang Boyfriend Kong... gamer [3] Kat's note: Hindi lahat ng pagkakataon masaya magkaroon ng gamer na boyfriend. Lalo na 'yung mga pagkakataong gusto mo ng atensyon niya pero hindi mo makuha. Time Frame: Mga panahong trip kong magpabebe // two weeks ago Kakatapos lang ng finals ni Nic at alam kong uuwi siya ng araw na 'yun. Gusto ko siyang makita pero sobrang gabi na no'n dahil na-traffic siya. Ayoko na din lumabas ng bahay dahil pagod din ako. Kaya umasa ako sa text. Nic: Hey kauwi ko lang Me: Hi Me: Nic: O bakit Me: Wala Nic: Ano nga? Me: Wala namimiss lang kita Nic: Ah miss mo lang pala ko ❤ Me: Yeah Nic: Sorry babe. Tapos na finals. Me: Kamusta exams mo? Nic: Ayos Nic: Wait babe. Dota muna ko Me: Matutulog na ko. Stress ka Nic: Hahaha sorry na Nic: Sige. Good night na Me: Ah ganon? Patutulugin mo talaga ako? Me: Dejoke. Sige na maglaro ka na. Me: Good night. At ayan! Hindi na nga talaga nag-reply ang magaling na si Nicolo. Ang bait di ba? Matapos kong magpaka-sweet bigla niyang sasabihin sa'kin na magdo-Dota siya? Sino ba namang girlfriend ang matutuwa, di ba? Pero nasanay na kasi siya na kapag nagpapaalam siya hindi siya magagalit. Pero may mga panahon talaga na nabu-bwisit ako sa kaniya. Kaya naman hindi ko alam kung paano ako matutulog noong gabing 'yun at pinilit kong manood ng kung anong TV show update ang hindi ko pa napapanood para lang antukin ako. Sucks sobra pero wala eh. Tanggap ko naman. Lumulugar din naman ako. Games before girlfriend. Tssss.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD