Ang Boyfriend Kong... Clause 24: Ang Boyfriend Ko at... mga kaibigan niya + my cooking Kat's Note: Minsan may mga bwisita eh. Joke! Kaibigan ko lahat ng friends ni Nic. Time Frame: A couple of months after Nic's 17th Birthday. Maagang nag-dismiss 'yung school namin dahil birthday ng principal. Sabay naman kaming umuwi ni Lei sa bahay nila. Dire-diretso naman siya sa kwarto niya para matulog. Nagpalit na din ako ng damit sa kwarto ni Nic at pumunta ng kusina para naman magluto. Hindi ko alam kung bakit pero naisipan ko lang. Nakahanap naman ako ng mga ingredients sa loob ng ref nila. Gagawa ako ng Bacon Cheese Burger Pizza Balls, Nutella Waffle Cookies, at Fish Cutlets para sa main dish. Nagsaing din ako. I know cooking takes a lot of time and effort, pero gano'n naman talaga di ba k