✓Chapter 2

2999 Words
Chapter 2 Inis kong ibinagsak ang tingin sa ibabang bahagi ng katawan para makita kung ano ang nangyayari. Para malaman kung ano’ng ipinaglalaban ng lalaking ito. Ginagawa naman nang mabuti ng dambana ang obligasyon niya pero umaangat pa rin ito at na-e-exposed ang mga hita at singit ko sa tuwing nagpapadyak ako. Nang muli kong iangat ang mukha at tingnan siya, he just smirked and smile devilishly. “I told you, there’s a lot to see,” he repeated, acting innocently with a mocking tone. “...to see and... appreciate at the same time,” he expanded and then turned into a grinning bastard! Mas lalong nanlaki ang mga mata ko at nadoble sa pula ang mga pisngi ko. Sa init ng mga pisngi ko ay puwede na yatang paglutuan ng itlog. Napamaang ako at hindi na alam ang susunod kong ibabanat sa ulupong na ito! “Ano ang sinabi mo?” magkahalong inis at pagkapahiya kong tanong. Itinaas ko ang kamao ko at akmang ipapadapo ito sa pagmumukha niya nang bigla niyang pinaharurot nang pasulong ang sasakyan niya. Sinasabayan pa rin naman niya ako pero narito ako sa dulo ng sasakyan niya. Talagang ginawa niya iyon para hindi ko siya maabot! Muling bumagal ang pagpapatakbo niya at nakangising nilingon ako. Para naman akong batang nanggagalaiti rito. Wala naman akong kamuwang-muwang na nasisilipan na pala ako kanina. And what did he just said? Something to see and appreciate! Ang alin? Iyong singit ko at iyong katago-tago kong kayaman? Kung hindi ba naman siya bastos! Huminga ako nang malalim at nag-concentrate na lang sa pagpapadyak sa medyo baku-bakong daan. Muling tumalim ang mga mata ko nang muli niya akong tinapatan pero this time, nakadistansiya na sa akin. Iyong hindi ko siya maaabot kahit iunat ko pa ang mga braso ko papunta sa kaniya. “Are you sure your... is safe and comfortable there?” pasigaw niyang tanong. Again, his eyes made a way down to my body and raised one eyebrow. “You know... you’re... you might injure your virgi-” “Stop!” patili kong sigaw. “Stop looking, you beast!” Oh, gosh! Kung hindi lang ako matatag ay baka kanina pa ako nabangga at tumilapon diyan sa gilid ng kalsada! Did he just refer to my a*s between my thighs? Gusto kong matawa! Nagpapaniwala siya sa mga sabi-sabi na kapag nag-bike ka ay may possibilities kang ma-deflower! I have been riding a bike since elementary. Does that mean I was devirginized countless times? This guy looks mature but lacks scientific knowledge and reasonable hypotheses! “Your... eyes... are dirty!” hindi ko na napigilang ibulalas. Magkakasunod na pagyugyog ng balikat niya ang isinagot niya sa akin. I’m sure he’s already in tears caused by satisfaction for annoying me so hard. Is Daddy sure this man is his friend? Gusto ko nang magdalawang-isip! Kasalanan ko rin naman. Bakit kasi ako nakasuot ng ganito? Isa pa, hindi dapat ako nagpapakitang apektado ako dahil mas lalo niya akong iinisin. Higit sa lahat, dapat hindi ako umuwing mag-isa, dapat nagpahatid na lang ako sa mga friends ko. Humanda siya pagkauwi sa bahay! No one has the right to bully me here on my own Island! Pagkarating namin dito sa bahay ay inihanda ko na ang sarili ko sa gagawin kong pagsusumbong kina Nanay Lena. I will report that rude man to Nanay and Tatay. Nauna siyang nakarating dito. Nakaparada na ang sasakyan niya sa malapit at pababa na sa sasakyan nito habang ako naman ay papasok pa lang ng gate. Saglit akong natigilan nang makitang masayang-masaya siyang sinalubong ng mga ito. Nagmano pa ang bugok! How did they know that man and I didn’t? Mabilis akong tumakbo palapit sa kanila pagka-parked ko ng bike ko sa may puno ng mangga. Nagmano ako nang magkasunod sa dalawang matanda. “Kaawaan ka ng Diyos, anak... Mabuti naman at umuwi ka agad,” ani Nanay. Humawak si Tatay sa balikat ng estrangbero, tinapik doon at pagkatapos ay bahagyang ipinaharap siya sa akin. “Anak, si Jevo Garko nga pala, kaibigan ng iyong Daddy. Alaga rati ng Nanay ng Nanay Lena mo ang Mama niya noong bata pa ito,” nakangiting sinabi ni Tatay. “Taga-kabilang border siya ng isla.” “So, team Alviajano,” patuya kong sambit sabay tingin nang matalim sa higanteng katabi. Siya naman ay nginisihan lang ako pabalik. Hindi naman bago sa amin ang bangayan ng mga Alviajanos at de Silvars. Dalawang makapangyaring pamilya na naging sanhi para mabura ang orihinal na pangalan ng buong isla, ang Bella Esperanza. Nagkatinginan ang mag-asawa at ngumiti bago kami muling binalingan. “Pasensiya ka na, Jevo, hijo... Ang batang ito’y mulat na mulat lang talaga sa mga nangyayari sa bayang ito. Minsan na kasi siyang na-bully ng mga kapwa niya bata sa San Bellaza noong mapadpad siya roon...” Kinagat ko ang ibabang labi ko. “Tatak ng mga lalaking taga-kabilang border ang pagiging bully. Kaya pala...” Gumapang muli ang paningin ko sa mukha niya. “At mukhang nakilala ko na ang pinaka-leader nila,” matabang kong idinagdag. “Nako! Itong batang ito talaga!” si Nanay na tumatawa. Pagkuwa’y muling tiningnan ang lalaki. “Pagpasensiyahan mo na, hijo. Ganiyan talaga iyan kapag pagod. Tingnan mo, basang-basa na naman. Sinabi ko na nga lang na laging siyang magdadala ng pagpapalitan.” Inabot niya ako sa braso, kinuha ang towel sa balikat nito at maingat na idinampi-dampi sa buhok kong basa. “Nanay...” “Isla, kailan ka ba makikinig sa akin? Hindi ka na bata, anak. Seventeen years old ka na,” mariin niyang putol sa sinasabi ko. Alam ko namang hindi niya sinabi iyon para mapahiya ako. Sinasabi niya lang kung ano ang totoo. Pero napahiya pa rin ako dahil narinig at nakita ng higanteng ito kung paano ako pagsabihan. He’s just relaxed staring at me. Why do I feel harassed by the kind of stares he bestows on me? “Umuwi ka na namang basa. At nag-bike ka pa. Mamaya sipunin ka na naman sa ginagawa mo. At hindi tamang umaangkas ka sa bike sa ganiyang suot, anak. Hindi sapat ang minipis mong dambana para takpan ang mga dapat takpan.” Napalunok ako at wala sa sariling tiningnan itong Jevo na ito. Tumayo ang mga balahibo ko sa katawan nang muli kong makita ang paghagod niya ng tingin sa akin. Sa pagkakataong ito ay wala akong nakitang pag-aasar o pagnanasa sa mukha niya. Bumuntong-hininga lang siya pagkatapos ay umiling. “Mabuti na lang nakasabay mo si Jevo kung hindi baka inabangan ka na naman ng mga kalalakihan diyan sa resort,” pagpapatuloy ni Nanay. Napansin ko ang pagtiim ng mukha ng higante, paghalukipkip at paglunok. Pinaikot ako ni Nanay para punasan sa likod. Para naman akong batang sumunod. “Santisima!” usal niya sa dismayadong tinig. “Naka-backless ka pa pala. Magpahinga ka saglit, magpalit ng damit at maligo after three minutes. Sige na, lumakad ka na sa loob.” “Opo...” Nagpatiuna na ako sa paglalakad. Gusto ko pa sanang lumingon pero para ano? Para ngisihan ulit niya? No way! “Klaveniece.” Muli akong lumingon sa pagtawag niya sa aking iyon. Inilipat niya ang tingin kina Nanay, bumuntong-hinga, napabasa ng mga labi at muli akong tinitigan. “Mas maganda kung sa loob na lang natin iyan pag-usapan, hijo,” suhestiyon ni Tatay. Tumango naman ito bilang pag-oo. Pagkatapos kong magpahinga at maligo ay lumabas na ako sa kuwarto ko. I decided to wear my pink wild pursuit short overall with black long tube inside. Binili at ipinadala ito ni Papa last month, tag-isa kami ni Lilo. Mahilig kami sa ganitong suot dahil nga laking-isla kami, comfy and preskong suotin. Tinunton ko ang daan papunta ng sala habang nagsusuklay ng buhok. Naroon ang higanteng bisita for sure! Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad nang hindi man lang inihahanda ang sarili. Naabutan ko siyang nakaupo sa may sofa habang nagbubuklat ng mga albums. Gusto ko sanang bumalik pero huli na dahil nakita na niya ako. Kahit pa medyo malayo ako sa kaniya ay alam ko na kung kaninong album ang hawak at tinitingnan niya ngayon. That’s my baby pictures album. I want to snatch it from him. I have a picture there without a cover when I was one year old. I was totally n*ked! Nasa dulong page iyon ng album. As far as I can see, he is still on the first page. I have enough time to hide it from his eyes! Mabilis akong naglakad patungo sa kaniya. “Akin na iyan.” Inilahad ko ang palad ko sa tapat ng mukha niya. “Why?” presko niyang tanong. “Baka ma-in love ka lang, Mister. Sobrang cute ko sa mga pictures ko noong bata ako.” “How impolite are you to take it from me while you see I’m still looking at it.” “Basta akin na ‘yan. ‘Yong iba na lang ang tingnan mo.” “Are you hiding something?” He raised his face and mocked me foolishly. “Whatever it is, I’ve seen that already,” he said with undeniable confidence and smirked afterwards. Hindi ba nangangalay ‘yong mga labi niya kangingisi sa akin? Medyo mahaba at makapal ang balbas niya. Puwede ngang magtago sa loob niyon sa kapal Nakaiinis! Kapag ako nainis nang sagad, sasabunutan ko talaga ‘yang balbas niya. O bubunut-bunutin na parang ligaw na mga d*mo! That was the reason why I called him beast earlier, because of his obvious features. He’s a huge man, balbas-sarado, and has above the shoulder haircut na naka-half ponytail. Kung itatabi mo ako sa kaniya para lang akong barbie doll sa liit at payat. I am Belle and he is the punished Prince. But punished? O baka pinagpala? Siya na ‘yong literal na Prince after maglaho ng spell sa kaniya. Imagine the scenario of beauty when she dances with the beast in the Disney movie Beauty and the Beast. Let’s get another frame, siya ‘yong tigre or lion tapos ako ‘yong pusang kuting. Natatabunan na nga ng balbas ‘yong mga labi pero kitang-kita ko pa rin kapag umaangat ito para ngisihan ako. Maybe because of his eyes, too, those are expressive and can communicate without any word. I got even annoyed by just his stares alone. Set aside my hate, and honestly speaking to myself, he got these beautiful, sexy and sensual eyes. Iyon ‘yong mga matang kaya kang hubaran. Nagpatuloy siya sa pagbubuklat. Umamba akong hahablutin iyon pero mabilis niyang iniilag at itinaas. “What a rude visitor!” I exclaimed in incredulity. “So are you as hostess of this house,” mabilis naman niyang banat. Napamulagat ako pero pinilit kong ikalma ang sarili. “May mga bagay na hindi ka dapat makita riyan. Like... Like...” “Like your baby picture, flawless and n*ked?” Siya na ang nagpatuloy. Gusto nang lumuwa ng mga mata ko sa sumunod niyang sinabi. Paanong alam niya iyon, eh, nasa unang pahina pa lang siya halos! “You... you...” Hindi ko maituloy-tuloy ang sinasabi ko sa pagkamangha, gulat at inis! “Yeah, I have seen it. Every time I unfold an album, I really start to unfold and look at the very last page. And it’s not my fault that you put your bomb there.” Parang mas maigi na lang magpalamon sa lupa kaysa harapin ang patong-patong na kahihiyang inabot ko sa lalaking ito. Napipilitan at walang magawa kong binawi ang mga kamay ko. “Bastos ka talaga,” nasambit ko na lang sa panlulumo. “Hindi naman masyado,” tugon naman niya with a lacious hint. At nakuha pa niyang sumagot! Sabay kaming napatingin kay Nanay nang dumating siyang may dala-dalang suman at iba pang hindi ko na matukoy na mga pagkain dahil sa dami. Nakalagay lahat ‘yon sa isang basket. “Magmeryenda ka muna, hijo...” Binalingan niya ako. “Ikaw rin, Isla.” Umupo siya pagkatapos ay hinila ako sa braso papaupo sa sofa. “Hija, siya si Jevo Garko Alviajano Delavin, inuulit ko. Makipagkamay ka naman sa kaniya.” Siniko-siko niya ako sa may braso ko na tila namimilit. Dismayado akong tumayo. Hindi pa rin talaga maipinta ang pagmumukha ko. Nagagalit at naiinis pa rin ako sa taong ipinapakilala nila. Tumayo naman siya para ibalik ang album sa may cabinet. Ngumiti ako nang pilit at pasimpleng tiningala ang lalaki sa patagilid na paraan. Nagtagis ang mga bagang ko when he lowered his face to winked at me and smiled. “Hija...” Muli niya aking hinila paupo. “Nakalimutan kong sabihin kanina. Sa totoo lang ay isa siyang Alviajano. Ang ina niya ay isang Alviajano, si Esperanza Delavin? Natatandaan mo pa ba siya?” Wala sa loob akong napatango. “Opo.” “Alviajano si Ma’am Esperanza noong dalaga siya, hija.” Bahagyang nasiliban ang inis na nararamdaman ko nang mabanggit ni Nanay iyon. Hinding-hindi ko makalilimutan ang mabait na ginang na iyon. Siya ang tumulong sa amin noong mai-ospital ang Mommy. Noong mga panahong iyon ay hindi pa gaanong produktibo rito sa San Bezearan. Wala pang mga hospitals, mga clinics lang. Dahil isang doktor si Ma’am Esperanza, unang proyekto niya ang pagpapatayo ng hospital sa San Bellaza. Ang ospital niya ang pinakaunang naipatayong hospital dito sa isla. Medyo liblib dito sa amin kaya humingi kami ng saklolo sa kanila. Nagpadala siya agad ng ambulansiyang magtatakbo kay Mommy. I am very grateful to her. The goodness she made for us has been imprinted on my mind and heart. Hindi na iyon kailanman mabubura. Nakita at naramdaman ko ang pagnanais niyang isalba ang buhay ng Mommy at ng kapatid ko noon. Kahit nang mamatay sila ay pinaabot pa rin niya ang pagtulong sa amin. She’s there when I run to the sea and cried out endlessly when I heard the news that Mommy and baby is gone. How can Ma’am Esperanza be so kind but not her son? What happened? “Ang liit ng mundo, ‘di ba? Akalain mo, ang iniidolo mong si Ma’am Esperanza ay ina ng best friend ng Daddy mo,” manghang ani Nanay. “Si Jevo Garko ang kasa-kasama ng iyong Daddy sa pamamalagi niya sa Italy lalong-lalo na nang maliit pa si Jevo.” Bahagyang tumagilid ang katawan ko and my eyes crawled into his face with a tamed equilibrium. I can not just hate people who are mentally and emotionally involved with my father. Sa totoo lang, I owe them a lot because they are there for him when I am not. Honestly, kahit anong inis ko sa kaniya ngayon, gusto ko na lang isantabi iyon para makakuwentuhan siya tungkol kay Daddy. I prepared a lot of questions inside my box. Our last conversation happened three weeks ago. Napakaikli ng pag-uusap naming iyon, hindi man lang nagtagal ng limang minutos. That made me happy and sad uniformly, in a way that I wanted to beg for more time. But I know how busy he is. Napatingin kaming lahat sa bintana nang biglang kumulog sa langit. Kumilim ang kalangitan at nagbabadya ng malakas na ulan. Alas-singko na rin ng hapon. “Ikaw na muna ang bahala sa bisita natin, Isla. Ipapasok ko lang ang mga isinampay. Pakakainin ko pa ang mga alaga sa likod.” Hindi na niya ako hinintay magsalita. Nagmamadali na siyang tumakbo palabas. Naiwan kami ritong walang imik. “How’s Daddy?” I asked him in a low voice. “I’d like to hang up going here but for what? You have every right to know what you should know,” makahulugan niyang sinabi. Sumersoyo ang aura niya. Sa sinabi niyang iyon pa lang, para na akong nabalot ng makapal na bagay, para akong hindi makahinga at makagalaw. Nagdikit ang mga kilay ko sa nalilitong damdamin. “That’s why you are here? Come on, tell me. Is it... about... Daddy?” Bumigay na ang hinulma kong tatag sa loob ko nang makita ko ang pagsungaw ng mga luha sa loob ng mga mata niya. “Your Dad is dead, Isla.” Pumiyok ang boses niya sa bahaging iyon." Tila kumidlat ng malakas at tinangay nito lahat ng sensasyon ko. Umiling ako. “He was with my Grandpa and Grandma when... they died... I’m sorry I came late... It took me a while to find you. During those times my mind was also confused... I could no longer think properly.” “Hindi...” Umatras ako at tumakbo nang ubod-bilis palayo. Hindi ko na alam kung ano'ng mga naapakan ko o nababangga basta patuloy lang ako sa pagtakbo. Tumatagaktak ang mga luha ko sa pinaghalo-halong emosyon. Natigilan at natauhan na lang ako nang maramdaman ko ang malamig na tubig na yumakap sa mga paa ko at ang pagtalamsik ng tubig sa mga binti ko. Narating ko na ang dulo. Dahan-dahan akong umatras hanggang sa maramdaman ko ang texture ng buhangin. Sukat doon, unti-unti akong napaupo na tila nauupos na kandila. Hindi ko akalaing mauulit ang senaryong ito sa buhay ko. This was me twelve years ago when my Mom died. And yet this is me again feeling the exact pain I had felt that minute. I can’t endure the pain anymore, it’s too much to withstand. Kung noon pakiramdam ko'y naputulan ako ng isang pakpak, ngayon naputulan ulit ako, wala nang natira sa akin. Inilabas ko ang pinakamalakas kong hagulgol, ipinagkatiwala sa karagatan at langit ang lahat ng hinagpis ko. “Klaveniece Isla,” marahan niyang sambit sa pangalan ko. Naramdaman ko na lang ang pagtigil niya sa likuran ko. Magaling siya, nasundan niya ako. Nanatili lang akong nakatingin sa papalubog na araw. “Daddy...”

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD