"YES! SABI na sa inyo magre-reply 'yon eh." Tuwang-tuwang wika niya.
Nagtinginan ang mga kaibigan niya sa kanya. Pero walang pakialam si Ken. Basta siya, masaya siyang sa wakas ang nag-text na rin sa kanya si Myca.
"Bakit? Ano bang sabi sa text?" tila walang siglang tanong ni Dingdong.
"Thanks Ken! Take care." Basa pa nito sa mensahe.
Napailing ang mga kausap niya. "What? Isn't it something to be proud of? Dati hindi man lang 'yon nagre-reply."
"Pare, she just said Thanks and Take care. What's so special about her message?" si Vanni.
"Ganyan ka na ba ka-in love sa kanya?" hindi makapaniwalang tanong ni Darrel.
"You have no idea," usal niya.
Nang una niya itong makita nang araw na magkabalikan sina Dingdong at Chacha ay na-in love na agad siya sa dalaga. Maliit na babae lang ito. Ngunit cute ang mukha nito. He love the way she smile. Pati na ang minsan nitong pagtataray sa kanya. He loves her shoulder length straight black hair. Her fair skin. Her kissable lips. Everything about her.
Maging siya ay hindi niya maunawaan ang sarili. Hindi siya talaga madaling main-love. Pero nang makita niya si Myca. Daig pa niya ang pinana ni Kupido.
Ang akala ng mga ito noong una ay nagbibiro lang siya at nagku-kunwaring in-love siya sa dalaga. Pero sa sigasig niyang manligaw, siguro naman ay napatunayan na niya sa mga kaibigan na talagang gusto niya si Myca.
"Pare, kung pinagti-tripan mo lang si Myca. Back off, kaibigan siya ni Abby. Baka mamaya ma-develop sa'yo 'yung tao tapos masasaktan lang." ani naman ni Victor.
Napakamot siya sa batok. Ano pa kayang pruweba ang kailangan ng mga ito?
"Parang pati ako gusto nang magduda kung talagang kaibigan ko kayo. Bakit ba ayaw n'yong maniwala na gusto ko nga siya?"
"Kasi, nagiging interesado ka lang sa usaping puso kung may pasyente kang may sakit sa puso. Pero kung tungkol sa pag-ibig, Malabo." Sagot naman ni Vanni.
"Tama. Kilala ka namin, dude." Sang-ayon naman ni Justin.
"Tumitibok din naman ang puso n'yan. Malay n'yo, totoong may gusto siya kay Myca. Pero Pare, remember. Iba ang ibig sabihin ng gusto sa mahal." Walang emosyon na wika ni Leo.
Agad niyang nilapitan si Leo saka niyakap ito. "Thank you Pare, sinasabi na nga ba't kaibigan kita at tao ka." Aniya.
"Oo na," usal nito.
"Make up your mind. Huwag mong itulad si Myca sa lahat ng babaeng nai-date mo. She's a decent woman." Ani Humphrey.
"I know," sagot niya.
Kahit na anong pagpapatunay ay gagawin niya. Basta, malaman lang nito na malinis ang hangarin niya sa dalaga.
INALOG-ALOG ni Myca ang cellphone niya. Kulang na lang ay ibato niya ito sa pader para lang gumana. Luma na kasi ang cp niyang iyon, wala ng camera, monotone pa. Dahil kailangan niyang magtipid, pinagtya-tyagaan niyang gamitin iyon. Kahit na sira na ang LCD at nagloloko na ang speaker, ay pilit pa rin niyang ginagawa para lang magamit niya. Malapit na rin niyang ipasok 'yun sa mga nag-aampon ng nabubulag at nabibinging cellphone.
Napabuntong-hininga siya. Nagtitipid kasi siya kaya hindi siya makabili ng bagong cellphone. Kailangan pa naman niyang tumawag kay Misty, ang bunsong kapatid niya. Kahit na may malaking gap sila ng Mommy niya. Hindi pa rin niya ito matiis. Nag-aalala pa rin siya dito. Mahal pa rin niya ito.
"Badtrip naman oh!" nauubos na ang pasensiya niyang sabi. Pabagsak na nilapag niya sa ibabaw ng counter ang tinamaan ng lintik na cp niya.
"Oh? Bakit busangot ang mukha mo?" bungad sa kanya ni Panyang pagpasok nito sa loob ng boutique.
"Eh kasi, 'tong cellphone ko. Nakakainis! Sinusumpong na naman eh."
Reklamo niya.
Tinitigan nito iyon. Saka kumunot ang noo. "Ay 'te, nagmamakaawa na sa'yo 'to. Ihimlay mo na daw siya. Kumbaga, ten percent na lang ang lifeline n'ya."
"Oo nga eh, kaso ano bang gagawin ko? Nagtitipid ako. Hindi ako basta puwede bumili ng bago." Aniya. "Hindi bale, maaayos din 'yan."
"Ay naku, naghihingalo na 'yan." Sabi pa nito.
Mayamaya ay luminga-linga ito sa paligid. "Bakit nga pala all alone ka dito? Nasaan na ang madalang people?"
Nagkibit-balikat siya. "Si Chacha, ayun naghahanap ng kasoy na prutas. Si Abby, naka-duty sa Rio's. Si Madi, nasa kusina din. Si Allie, may pasok sa opisina."
Tumango-tango ito. "Okay, ako lang pala ang pakalat-kalat dito."
Ngumiti siya bilang pagsang-ayon sa sinabi nito. Mayamaya ay nag-ring ang phone niya. Kahit na medyo malabo, nakita pa rin niya kung sino ang tumatawag. Napakamot siya ng noo, si Ken na naman.
"Hello!" pasigaw na sagot niya. Hinintay niyang magsalita ito pero wala pa rin siyang naririnig. "Hello! Hoy hindi kita marinig, sira ang cellphone ko. Babay!"
Saka niya pinindot ang end call button.
"Teka, ite-text ko siya. Sasabihin ko may kapansanan ang aparatong 'yan." Ani Panyang.
Natawa siya. Mabuti na lang at dumating ito. Kahit paano ay nawala ang pagkabagot niya. Siya naman dating ni Chacha, nakasimangot ito. Mukhang alam na nila kung bakit.
"O ano? Nakahanap ka ba ng prinsesang nakaupo sa tasa?" tanong agad ni Panyang dito.
Parang bata itong lumabi saka umiling.
"Teka, anong prinsesang nakaupo sa tasa?" curious na tanong niya.
"Ay naku hija, bugtong. Isang prinsesa, nakaupo sa tasa. Ang sagot, kasoy." Paliwanag nito.
Natawa siya. Oo nga pala. Nakalimutan na niya ang bugtong na iyon.
"Nakakainis naman talaga oh! Saan ba ako makakahanap ng kasoy?" maktol ni Chacha.
"Kasoy ba ika mo? Alam ko na, tingnan mo si Aling Pasing. Tamang-tama, mukhang kasoy 'yun." Singit naman ni Panyang, na ang tinutukoy ay ang isang taga-roon na number one tsismosa sa Tanangco at pahaba ang mukha nito.
Napahagalpak sila ng tawa, kahit na si Chacha na nakasimangot ay natawa sa sinabi Panyang. Hanggang sa maluha na ang mga mata niya sa kakatawa.
"Isarado mo na nga muna itong boutique. Doon na muna tayo sa Rio's. Tutal magla-lunch na rin naman." Ani Chacha.
KAKATAPOS lang nilang kumain ng tanghalian. Halos kumpleto silang mga babae. Kulang lang si Allie dahil nasa trabaho pa ito. Hindi pa rin matapos-tapos ang usapan nila tungkol sa kung saan ihahanap ng kasoy ang naglilihing si Chacha.
"Basta, gusto ko ng kasoy!" nakasimangot na naman pagmamaktol ni nito.
"Eh ano ba? Kami ba ang asawa mo? Tawagan mo kaya si Dingdong at sa kanya ka magpahanap no'n." sabi ni Madi.
"May pinapahanap pa akong iba sa kanya eh." Sagot naman nito.
"Ano naman 'yun?" tanong ni Abby.
"Kasoy shake tsaka kasoy flavor ng ice cream." Nakangiting sagot ulit nito.
Kumunot ang noo ni Panyang. "Patay tayo diyan, baka maging kamukha ni Aling Pasing ang magiging pamangkin ko." Anito, saka tumingala. "Diyos ko po, ilayo n'yo po sa masamang elemento ang pamangkin ko."
Nabalot ng tawanan nila ang buong Dining Area ng Rio's.
"Hoy, ang ingay n'yo. Baka hindi matunawan ang mga customers ko." Saway sa kanila ni Vanni.
"Nagrereklamo ka?" nakataas ang kilay na tanong ni Madi sa kasintahan.
Agad itong ngumiti. "Ha? Ay wala po. Sige lang, tawa lang kayo."
Hindi pa sila nakakabawi sa kalokohan ni Panyang, nang makuha ang atensiyon nila ng pumaradang itim na Monterosports. Myca held her breath when she saw Ken climb down the car just like a Greek god. Looking so handsome on his black slacks and midnight blue longsleeves polo. Nakatupi ang sleeves ng polo nito hanggang sa siko nito. Bahagya rin nakabukas ang tatlong butones ng polo nito sa bandang leeg kaya sumisilip doon ang matipunong dibdib nito.
And then she thought. Guwapo pala talaga ito. Bigla ay nakaramdam siya ng pagbilis ng pagtibok ng kanyang puso. At tila nag-slow motion ang lahat ng lumakad ito papasok ng Rio's. Nang makapasok na ito sa loob, tinanggal nito ang suot nitong shades. At tila nagliwanag ang paligid nang ngumiti ito sa kanya at lumabas ang mapuputi nitong ngipin.
Lalong umarangkada ang t***k ng puso niya. Wala sa loob na natutop niya ang dibdib. Ano ba itong nararamdaman niya? Bakit ganito na lang ang pagkabog ng puso niya? Lihim siyang huminga ng malalim.
"Uy, naks naman! Natulala na siya. In love ka na no?"
Napakurap siya matapos niyang marinig ang nagsalitang iyon. Nang lumingon siya sa paligid ay ang mga mapanuksong ngiti ng mga kaibigan niya ang bumungad sa kanya.
"Ang guwapo ni Doc no?" nanunuksong wika ni Madi.
Kunwari ay umirap siya. "Eh ano,"
"Weh? Echoserang froglet ka hija!" dagdag pa ni Panyang.
Nang makalapit na si Ken ay pare-parehong natahimik ang mga ito.
Agad itong ngumiti sa kanya.
"Hi Myca, kumusta ka na? Lalo ka yatang gumaganda everytime na nakikita kita."
Umasim ang mukha niya. Heto na naman ang isang ito, nagsimula na namang mambola.
"Okay lang ako. At puwede ba Ken, huwag mo na akong bolahin diyan." Sagot niya.
"Hey, Hindi kita binobola. Hindi ako marunong no'n. By the way, can I talk to you?" anito.
Kumunot ang noo niya. Ano na naman kayang pakulo meron ang isang 'to?
"Hindi ba puwedeng dito mo na lang sabihin?"
Umiling ito. "Nope." Nakangiting usal nito. "Huwag kang mag-alala, hindi kita kikidnapin o gagahasain. Kung iyon ang inaalala mo, may tiwala ako sa charms ko at sa tunay na pag-ibig."
"Excuse me, wala akong iniisip na ganoon." Depensa niya.
"Good. So, shall we?"
Mukhang hindi rin siya titigilan ng isang ito hangga't hindi siya pumapayag. "O sige na nga, basta saglit lang ha?"
"Yup, promise."
Habang naglalakad palabas ng Rio's, inulan sila ng tukso ng mga tao doon. Hindi na lang niya pinansin ang mga ito, dahil kapag lumingon siya makikita lang ng mga ito na nagba-blush siya.
Dinala siya nito sa kabilang gilid ng kotse nito. Binuksan nito ang pinto sa may likurang bahagi saka kinuha ang isang maliit na paper bag at inabot iyon sa kanya.
"Ano 'to?"
"Just take a look at it," sagot nito.
Nang silipin niya ang laman ng paper bag. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang cellphone iyon at ang pinakabago at pinaka-usong model pa.
Iyon ang isa sa bestseller ng kumpanya ni Dingdong na kilalang manufacturer at developer ng brand ng cellphone na siyang hawak niya ngayon.
"Ilabas mo kaya," ani Ken.
Kinuha nito ang paper bag sa kanya saka nilabas ang kahon ng cellphone. Nalula siya nang makitang brand new nga iyon. Ang alam niyang halaga niyon ay hindi bababa sa tatlumpong libong piso.
"This is yours," sabi nito.
Sunod-sunod na iling ang sinagot niya dito. "Look, hindi ko matatanggap 'yan. Napakamahal n'yan." Aniya.
Bumuntong-hininga ito, saka kinuha ang kamay niya at pinilit na hawakan niya ang cellphone. "No. I insist. Kailangan mo 'yan. Kaysa nagtitiis ka sa lumang phone mo."
Napatungo siya. Nakakahiya kung tatanggapin niya ang binibigay nito.
"Nakakahiya naman kasi eh. Baka sabihin ng mga kaibigan mo, sinasamantala ko ang panliligaw mo." Mahina ang boses na wika niya.
"Hey, look at me." Halos pabulong na tugon nito. Marahan nitong ginagap ang mukha niya saka tinaas iyon. "Hindi sila ganoon, Myca. At wala ka dapat na ikahiya."
"Eh bakit mo ba kasi ako binilihan nito? Ang mahal mahal pa nito. Sayang ang pera mo. Puwede naman kahit 'yung simple lang."
He chuckled. "Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin nakukuha ano?" anito. May kung puwersa ang pumipigil sa kanya para huwag tanggalin ang mga kamay nitong humahaplos sa pisngi niya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Hanggang ngayon hindi mo pa rin alam kung gaano ka ka-espesyal sa akin."
Tila naging musika sa pandinig niya ang mga katagang iyon. And somehow, she felt good.
"Kung ganoon, wala akong ibang masasabi kung hindi salamat."
Ngumiti ito. "That's more like it. Besides, kahit na hindi mo kunin 'yan. Kukulitin lang kita hanggang sa mapilitan kang tanggapin 'yan." Anito.
Pabiro niya itong hinampas sa balikat.
"Lokoloko ka talaga!"
"O paano, kailangan ko na rin umalis. Marami pang pasyente na naghihintay sa akin sa ospital."
"You mean, umalis ka sa trabaho para lang bumili nito at ihatid sa akin ng personal?"
Nagkibit-balikat ito. "Why not? At least, I have the reason to see you."
Natawa siya. "Bolero! Sige na, bumalik ka na sa ospital. Kumain ka na ba?"
Ngumiti ito ng pagkatamis-tamis. "Thanks for the concern, my Barbie. Yes, I already ate my lunch."
Umismid siya. "Hindi ako concern, no?"
Ginulo pa nito ang buhok niya na para siyang bata. "Oo na. Hindi na. Babay na!"
Hanggang sa tuluyan na itong makaalis ay hinahabol pa rin niya ng tanaw ito.
Nagulat pa siya ng biglang may kumanta sa likuran niya.
"I think I'm in love... I think I'm in love... with you..."
"Tse!" singhal niya sa mga ito.
ALAS-NUWEBE na nang gabi. Habang abala siya sa panonood ng TV. Nagulat na pa siya nang tumunog ng message alert tone ng phone na iyon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya sanay doon. Mas gamay niya ang luma at sobrang old model ng phone niya.
Kinuha niya iyon saka tiningnan kung sino ang nag-text. Napangiti siya nang makitang si Ken ang nag-text.
Busy kb? And2 ako s tpat ng bhay mo. Lbas k nman.
Hindi na siya nag-reply. Basta na lang siya tumayo saka dumiretso sa may front door. Doon nga sa labas ng bahay, nakatayo ang binata. Nakapambahay na lang ito. Kung hindi niya ito kilala, mas malamang na isipin niya na college student ito. Mukha itong bata para maging isang professional doctor.
"Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong agad niya dito paglabas niya ng gate.
"Hindi pa ako inaantok eh. Kaya nagbaka-sakali akong gising ka pa." anito.
"Nanonood lang ako ng TV." Sagot niya.
"So, how's your phone?"
Napangiti siya, sabay sulyap sa hawak niya. "Okay naman. Medyo naninibago lang ako. Hindi ako sanay na high-tech ang phone ko."
Natawa ito. "Masanay ka na."
"Oo nga,"
Katahimikan ang sumunod na naghari sa kanila. "Um... gabi na, magpahinga ka na kaya."
Parang batang lumabi ito, nagkamot pa ito ng batok. "Ayaw mo na ba akong makita?"
Natawa siya sa inakto nito. Kaya hindi napigilan ang sarili na kurutin ang magkabilang pisngi nito.
"Aray!" reklamo nito, sabay hawak sa mga kamay niya.
Biglang napalis ang mga ngiti niya sa labi at napako ang mga mata niya sa chinitong mata nito na nakatitig din sa kanya. Gusto niyang bawiin mula dito ang mga kamay niya, pero hindi maintindihan ni Myca kung bakit mayroon kapanatagan siyang nararamdaman habang nakakulong ang mga iyon sa palad nito.
"Ayun oh? Holding hands sila."
Bigla niyang binawi ang mga kamay ng sumulpot sa harapan nila si Vanni, Jared at Darrel.
"Nice, kayo na?" tukso pa ni Darrel.
"H-hindi ah..."
Napakamot ng sentido si Ken. "Pambihira naman kayo eh, panira kayo ng diskarte!" reklamo nito.
"Ang tawag diyan, ganti. Pare, gumaganti lang kami." Wika naman ni Vanni.
"Sila lang 'yon. Wala kang atraso sa akin." Ani naman ni Jared.
"Hay naku, kayo talaga. Sige na, papasok na ako sa loob." Paalam niya sa mga ito.
"Okay. Mabuti pa nga. Baka bangungutin ka pa kapag tinitigan mo pa lalo ang mga mukha ng mga kumag na 'to." Ani Ken saka siya tinulak pa papasok sa loob ng gate.
"Siraulo! Anong palagay mo sa mga guwapong mukha namin? Pang-regal shocker?" protesta ni Vanni.
Hindi pinakinggan ni Ken ang mga reklamo at protesta ng tatlo sa likod. Bagkus ay siya ang pinagtuunan ng pansin nito.
"Goodnight, Myca."
"Goodnight,"
Hindi na niya hinintay pang sumagot ito. Agad siyang tumalikod saka pumasok sa loob ng bahay. Pagkasarado niya ng pinto. Napasandal siya doon. Saka kinapa ang sariling damdamin. Bakit ganoon na lang ang nagiging epekto ni Ken sa kanya? Dati naman ay hindi siya ganoon sa binata. Sinulyapan niya ang cellphone. Sigurado siya sa sarili niya na hindi ito tungkol sa pagbigay nito ng cellphone o ng kung ano pa man.
Nagsimula lang 'yon ng matitigan niya ng maigi ang binata. The moment she laid her eyes on him. Her heart starts beating faster. Pinilig ni Myca ang ulo.
Hindi Myca. Hindi ka dapat main-love sa kanya. Hindi pa ito ang tamang panahon para magmahal ka. Ang dapat mong gawin. Mag-trabaho ng maayos.
Pilit niyang tinanim iyon sa isip. Ngunit paano nga ba niya makukumbinsi ang sariling isip? Kung nagsisimula nang kontrahin ito ng kanyang puso.
ABALA SI Myca sa pag-aayos ng mga items na bagong dating nang biglang sumulpot sa harapan niya si Ken. Nagulat pa siya dito dahil hindi niya namalayan na nakapasok na pala ito sa loob ng boutique ng walang ingay. Kung bakit tila lutang ang utak niya? Ang lalaking nasa harapan niya ang dahilan? Hindi siya nito pinatulog kagabi. Kahit na nakapikit siya, pilit na sumisiksik ang imahe nito sa kanyang isip.
"Ano ba naman Ken?!" singhal niya dito. "Nang gugulat ka eh."
"Sorry, ikaw kasi eh. Ang lalim ng iniisip mo eh." Natatawang wika nito. "Busy ka?"
Tiningnan niya ang paligid. Nakahambalang ang dalawang malaking kahon na puno ng mga damit at accessories.
"Hindi pa ba obvious?" balik-tanong niya dito.
Nagkibit-balikat lamang ito. Tila balewala ang pambabara niya dito.
"Okay, I'll help you. Para madali kang matapos."
"Bakit mo ba ako minamadali?" naiirita nang tanong niya dito.
"Basta, may pupuntahan tayo. I'm sure mag-eenjoy ka doon." Anito.
"Saan nga?"
"Secret."
"Kung mangungulit ka lang. Hindi bale na lang, umalis ka na lang. Mas madali pa akong matatapos dito."
"Si Barbie talaga, napakapikon. Will you please trust me?" tila nakikiusap ang mga matang wika nito.
"Okay. I will trust you. Pero puwede ba? Huwag mo na akong tawaging Barbie."
Nahigit niya ang hininga ng biglang dumapo ang likod ng palad nito sa pisngi niya. Bahagya pa siyang umiwas. Ngunit daig pa niya ang ginayuma ng salubungin niya ang mga tingin nito.
"Barbie, let me. Please."
Wala sa loob na tumango na lamang siya. Saka pinagpatuloy ang ginagawa. Tinuro niya kay Ken kung saan ilalagay ang ibang items. At sa loob lamang ng tatlumpong minuto. Natapos siya. Aminado siya, malaking tulong ito. Kung siya lamang sigurong mag-isa, malamang aabutin siya ng mahigit isang oras.
"I told you, mas mapapadali ang trabaho mo." Anito.
"Oo na, naniniwala na ako."
"So, paano? Umuwi ka na, tapos mag-bihis ka na. Aalis tayo within thirty minutes." Ani Ken.
"Eh teka, paano itong boutique?" tanong niya.
Kung aalis siya, baka magalit ang Amo niya. Kung isasarado naman niya, sayang ang puwede pang mabenta. Ayaw din niyang may masabing negatibo sa kanya si Chacha. Kahit na kaibigan niya ito. Ito pa rin ang Amo niya.
"You worry too much," usal nito. Siya naman pasok ng isang babae na may mahaba ngunit wavy ng buhok. Maputi ito, matangkad. Sa tantiya niya ay nasa 5'7" ang height nito. In short, maganda ito. Mukha itong Goddess sa Greek Mythology.
"Sino siya?" tanong niya.
"Barbie, meet Adelle. Adelle, meet my Barbie."
Ngumiti agad ito sa kanya. Mukha naman itong mabait, pero teka, ano bang papel ni Adelle doon? Ang pinag-uusapan nila ay kung paano ang boutique.
"Barbie, ang cute naman ng name mo. Bagay sa'yo. Mukha kang Barbie doll." Ani Adelle.
"Ha? Naku, hindi Barbie ang pangalan ko. Pauso lang nito 'yon." Aniya sabay turo kay Ken. "Myca ang pangalan ko."
Natawa si Adelle. "Ewan ko sa'yo Ken, ikaw talaga." Natatawang wika ng una. "Tama siya, cute ka nga. Kaya pala nababaliw sa'yo 'tong kaibigan ko."
"Siya ang magbabantay dito." Ani Ken.
"Siya?" hindi makapaniwalang ulit niya sa sinabi ng huli.
"Bakit siya? Hindi ba nakakahiya 'yun? Alam ba ni Chacha 'to?" sunod-sunod na tanong niya.
Hindi pa nakakasagot sa mga tanong niya ang dalawa nang mag-ring ang cellphone niya. Si Chacha ang tumatawag. Agad niyang sinagot iyon.
Kinumpirma nga nito na si Adelle nga ang magbabantay doon sa boutique. Nakahinga siya ng maluwag. Nang matapos ang pag-uusap nila. Hinarap niya ang mga ito.
"Ano? Ayaw mo pang maniwala eh." Ani Ken.
"Oo na nga."
"Halika na," yaya agad sa kanya ni Ken. Nagulat pa siya nang hawakan siya nito sa kamay at hilahin siya palabas ng boutique.
Pilit niyang binabawi ang kamay niya pero ngumiti lang ito sa kanya, at lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya. Iyon ang pinaka-ayaw niya sa lahat, ang ngingitian siya nito. Dahil sa totoo lang, nawawala siya sa sarili kapag ngumingiti ito.
Kulang na lang ay may mag-awitan ang mga anghel sa langit.
Lihim niyang hinamig ang sarili, kahit na sa kabila noon ay katakut-takot na kaba ang umaarangkada sa dibdib niya. Why this man is capable of making her feel uneasy?
Kung ano man ang nangyayari sa kanya nitong mga nakaraang araw. Hindi niya alam. At wala siyang balak na buligin ang sarili sa kakaisip. Basta siya, enjoy lang.