"Baby hindi muna ako makakasama sa’yo, pagbalik sa mansyon ha? Sabi ni Uncle ay kailangan ko raw munang mag stay dito ng ilang araw dahil may sinusuri sila sa akin." "A-ano iyon asawa ko?” agad na nag worried siya dito." "W-wala ito baby, under observation ako at inaalam nila kung bakit sumasakit ang ulo ko at nawawalan ako ng malay." "Pwede ba akong dumito babe? G-gusto kong kasama ka." nangingilid ang kaniyang luha. May kakaiba siyang pakiramdam sa kaniyang asawa. At alam niya na may mabigat ito na karamdaman dahil hindi ito mag i-stay ng hospital kong wala. Niyakap naman agad siya ni Drake ang asawa at hinalik halikan sa buhok, habang hinahaplos ang mahaba nitong buhok. "H-hindi ka kasi makakapahinga dito baby, kaya doon ka na muna sa mansyon okay? Isa pa alalahanin mo ang anak nat