Sa America ay patuloy si drake sa kanyang therapy at kong pagmamasdan ito ay parang wala itong dinaanang surgery. Bumalik na ang dating sigla nito pati pangangatawan ay nagbalik na sa dati. "Anak gusto mo bang mamasyal?" "Sige mommy nakakainip din dito palagi nalang akong nakakulong." "Pero paalalahan lang kita anak bawal sayo ang mapagod at bawal kang ma expose masyado sa labas". "Don't worry mom hindi naman po ako magtatagal uuwi din ako." Hindi kalayuan sa bahay nila ang park na kinauupuan ni drake, masaya siyang nakamasid sa mga batang naglalaro. "Drake is that you?" Lumingon siya sa nagsalita, isang babae na malapad ang pagkakangiti nito sa kanya. Nagsalubong ang kilay na iniisip niya kong magkakilala ba talaga sila. "Sorry Ms but I don't know who you are." "Expected ko na hi