Vaniella's POV Hindi ko kinibo si Daddy ng ilang araw pagkatapos ng pagtatalo namin ng araw na iyon. Ako na ang kusang umiiwas kapag nakita kong magkakasalubong kami ng daanan. Pati si Mommy na akala ko ay magiging kakampi ko sa mga ganitong pagkakataon ay hindi ko rin kinikibo. Tau-tauhan din pala ang peg niya kapag si Daddy na ang nagsalita. Walang binatbat ang pagiging bungangera niya at pagiging maldita kapag si Daddy na ang nagdesisyon para sa aming pamilya. Pakiramdam ko nag-iisa tuloy ako. Wala akong kakampi isa man sa pamilya ko. Ayaw kong magtiwala kay Maria Vidalia na dating pinagkakatiwalaan ko sa lahat ng sikreto ko dahil tingin ko, isa rin siya sa nagre-report ng mga ginagawa ko kay Hakan araw-araw. Kahit gaano pa kami kalapit sa isa’t isa, I think mas pinapaboran niya si Ha