Episode two

653 Words
      "Ellize ano kaba, stop ka nga muna diyan, at andiyan na sa bukana sila Sir Dave kasama ung nakabili ng kumpanya. Nakoporodi! Ang pogi pala nun at mga kasing edad lang natin." Kinikilig pa ito habang nagsasalita.                  Sobrang busy kasi siya dahil sa dami ng pinagagawa ng kanyang boss tungkol sa financial status ng kumpanya kaya subsob talaga siya ngayon sa lamesa.                      "Oh sige mamaya ko na titignan ha, busy lang talaga ako ay kailngan ko itong matapos, dahil magmimeeting naman tayo niyan panigurado."         Sa kabila ng pagmamadali niya  na matapos ang ginagawa ay pilit niyang itinaas ang kanyang mukha dahil sa mga yabag na paparating.  Para makapagbigay ng pagbati sa kanyang Sir Dave at sa bago nilang boss.                 "Goodmorning po sa inyo!"  Matamis na ngiti ang ibinigay niya sa mga ito. Una siyang tumingin kay Sir Dave at sumunod sa kanilang bagong Boss na nakabili nga ng kumpnya n iyon.               Parang tatalon ang kanyang puso sa pagkagulat ng magtama ang kanilang mga mata, dahil ang lalaki ngayon sa kanyang harapan na magiging boss nila ay ang kanyang naging kasintahan kuno nung highschool life nya, ay hindi pala M.U. lang pala.            Nanlaki ang kanyang mga mata at pakiramdam niya ay pinagpawisan siya sa pagkabigla.                      Ngunit ang reaksyon nito ay singlamig ng yelo na para bagang noon lang sila nagkita, tumingin lang ito sa kanya at bahagyang tumaas ang kilay. Halos hindi siya makagalaw sa kinatatayuan sa sobrang pagkabigla.                          "Tignan nyo guys liligawan ako niyang si joseph, hintay lng kayo." Mayabang niyang pahayag,         nung high school life nya ay aaminin niya na may pagka mayabang talaga siya, may kagandahan kasi siyang taglay na dahilan kaya siya ang napipiling Muse lagi sa seksyon nila at lumalaban din siya sa mga beauty contest.    Pero aaminin niya ganda lang at amo ng mukha mayron siya, dahil tanggap niya na hindi siya katalinuhan, maarte din siya, marami siyang barkada noon at mga kaibigan.           Transfer sa kanila si joseph, matangkad na ito noon pa at napansin din niya agad ang magagandang mga mata nito na binagayan ng matangos n ilong, parang may pagka bumbay ang itsura, matiim kung tumingin ito at medyo suplado ang dating, pero mabait naman kasi naging kapalagayan nito ng loob agad yung mga kaklase nilang boys, marunong makisama at hindi mayabang.             At syempre pacute naman agad siya at papansin.            Dahil na rin sa maputi talaga siya, na nakuha niya sa lahi ng kanyang Papa. May lahi kasing  kastila ang papa niya.                      Nahalata niya  na napatingin sa kanya si Joseph habang nagpapakilala ito sa harap.                     "Pwede! Boyfriend figure siya." Sabi ng kaibigan niyang si Angie, nakatingin lang siya sa barkada niya habang pinaguuspan ng mga ito ang  bagong transfer.                       Pero aaminin niya sa sarili na lihim siyang naatract talaga dito, may dating kasi ika nga.                "Hoy ellize! Tara na." Tawag ni Garet sa kanya. Nagpapatawag na pala ng meeting  ay hindi niya tuloy napansin.      Naalala niya kasi ang nakaraan, may lagpas isang dekada na ang nakakaraan.          "Sige eto na, wait lang! sabay na tayong pumasok. Ay sandali! Nako muntik ko pang makalimutan itong envelope na kailangan ni Sir Dave."            "Tara na bilis!" Nakatayo ito sa labas ng pinto at hinihintay na lamang siya              "E-eto na po tara!" Pagkakuha niya sa envelope.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD