bc

One More Chance (COMPLETED)

book_age16+
2.2K
FOLLOW
7.6K
READ
love-triangle
family
escape while being pregnant
second chance
pregnant
drama
lighthearted
serious
betrayal
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

Paano ba malalaman kung handa ka ng magbigay ng isa pang pagkakataon kung minsan ka nang nasaktan at niloko? Tatanggapin mo pa kaya siya? Magtitiwala ka pa rin ba sa kanya?

Tunghayan natin ang kwento ni Zandra at Zapper. Magkatuluyan kaya sila sa huli o mananatili na lang isang ala-ala ang lahat ng namagitan sa kanila?

"Minahal kita ng buong buo! Ibinigay ko sa'yo ang lahat pero ginago mo lang ako!" Kung alam ko lang na puri ko lang ang habol mo sana hindi na ako nagpakatanga pang mahalin ka! "- Zandra

"Oo, puri mo lang ang habol ko, kasalanan ko bang isa kang tanga, na mahalin ako?" Nag-enjoy ka naman sa maikling panahon na naging tayo, kaya quits lang 'di ba?"- Zapper

chap-preview
Free preview
Episode 1
"I'm so happy, kasi naging kasintahan ko sa wakas ang minimithi kong lalaki, buong buhay ko! Mula elementary hanggang high school kami, hanggang ngayon, siya pa rin ang ultimate na tinatangi ng puso ko!" Wika niya sa kaibigan si Wella habang parang nangingisay sa kilig. Fourth year high school na sila. Sa isang klase lamang sila, kaya hindi rin mapaghiwalay ang dalawa. At dahil official na mag kasintahan, plano rin nilang dalawa na hanggang college same course rin sila. After college at saka sila magpapakasal. Marami silang pangarap ng dalawa. "Siszt, hinay-hinay lang, ah, masyado ka nang nahuhulog d'yan sa Zapper na 'yan. Baka mamaya, ipagpalit ka bigla, ngangawa ka talaga." Wika ni Wella habang sabay silang naglalakad palabas ng room nila. "Hindi mangyayari 'yon. Mahal na mahal namin ni Zapper ang isa't-isa. Sa kanya ko lang talaga i-aalay ng buo ang puso at kaluluwa ko," ani niya sa kaibigan habang nag-di-daydream. Feeling niya nasa alapaap siya ngayon. Pangarap niya lang noon, ngayon kasintahan niya na. Lunch break. Nasa cafeteria sila, kasama ang kasintahang si Zapper at kaibigan si Wella. Hawak niya ang kamay ng binata habang papasok sa cafeteria. Halos ayaw niya na itong mahiwalay sa kanya, hangga't maaari. Maraming mata ang nakasunod ng tingin sa kanilang dalawa partikular na sa binata. Guwapo kasi ito. At only child. Pangarap ng kababaihan kasi mayaman. "Love, rito na lang tayo sa sulok, please. Ayoko sa gitna ng canteen maupo, tampulan ka nang mata sa mga kababaihan, eh. Akin ka lang, love. Hindi ka nila puwedeng agawin." aniya rito na over possessive. "Love, naman syempre sa'yo lang ako. At saka ikaw lang naman ang niligawan ko wala ng iba. I am loyal to you, my love." Malambing na wika ng binata saka umakbay sa kanya. Since elementary kasi tinatangi na ng binata ang dalaga nang palihim. Pagkarating sa lamesa sa may sulok ng cafeteria umupo at magkatabi silang tatlo. Sa kaliwa niya si Wella na ayaw humiwalay sa kanya at kanan naman ang kasintahan. Sa harap naman nila nakaupo ang childhood friend ng kasintahan, na si Charry. Hindi alam ng dalaga kung pinaplastik lamang siya nito o ano. Madalas kasi nahuhuli niya itong iniismiran siya, lalo kung nakatalikod si Zapper. Pero kapag kaharap naman nila ang binata, animo'y anghel ito na bumaba sa langit, dahil sobrang bait at 'di makabasag pinggan. Deadma niya na lang, basta sa kanya si Zapper. So far smooth naman ang relasyon nila. Hindi niya alam na super sweet pala ito. Hindi talaga siya nagkamali na hangaan ito mula ng elementary. Magka-schoolmate kasi sila ever since she remember. Siya nga pala si Zandra Rodriguez, sixteen years old, only child. Balingkinitan ang katawan, may tangkad na five-two, maputi, long and black wavy hair, may mapipilantik na pilik mata, mamula-mulang mga labi. Bumaba na siya sa kotse ng kasintahan, hatid sundo kasi siya nito mula ng maging sila. May personal driver din ito. "Bye, love. Kita tayo ulit bukas, ah. Sunduin ka namin ni Manong Danny. May praktis ako sa sepak, dapat nandoon ka," usal ng binata pagkababa niya ng sasakyan. Tumango lamang siya at ngumit rito, at saka pumasok na sa gate nila. Umalis din naman agad ang sasakyan ng binata. Gabi na rin kasi. "Anak, huwag masyadong ibigay nang lubos ang pagmamahal, ah, magtira ka para sa sarili mo. Pinayagan kitang magkaroon ng kasintahan pero hindi ibig sabihin noon ay puwede na ang lahat, ah?" wika ng ama niya, nang maabutan siyang nagpapaalam sa kasintahan na si Zapper. Alam na nang mga ito ang tungkol sa kanila. Ang ama niya ay may negosyong hardware. Tindahan ng mga car parts, tools at mga pintura. May talyer din sila katabi lamang ng hardware nila. Mahilig kasi ang Daddy niya sa mga sasakyan. Pero hindi naman ito mahilig mamili nang sasakyan. Mahilig lang bumutinting. Engineer mechanic ang Daddy niya. Ang mommy niya naman ang namamahala sa hardware nila. Medyo may idea na rin kasi ang mommy niya sa parts ng sasakyan, dahil sa Daddy niya. Business management naman ang tinapos ng mommy niya, at ito ang gumagabay sa kanyang ama, once na business ang pag-uusapan. So far smooth naman ang takbo ng negosyo nila. Iyong ipinuhunan ng parents niya sa business ay inutang ng kanyang ama sa isang lending company. Buwan-buwan naghuhulog ito ng pambayad sa lending. Kaya lahat ng gastusin nila, naka-organize na. Ang mommy niya ang gumagawa no'n. Minsan tinuturuan siya nito, dahil gusto rin niyang maging isang magaling sa pagnenegosyo. Katulad ng mommy niya, business administration din ang gusto niyang course. Ilang buwan na lamang magtatapos na siya sa high school, paunti-unti natuto siya sa negosyo nila dahil sa turo ng ina. "Where have you been, son?" ito agad ang bungad ng mommy niya. Ginabi sila dahil traffic after nilang ihatid ang girlfriend niya. "I dropped my girlfriend to their house after school mom, and also traffic along the way." Paliwanag niya sabay halik sa pisngi ng ina. Nakatitig lamang ito sa kanya. Siya si Zapper Mondragon, sixteen years old at only child. The only heir of Mondragon empire. Ang negosyo ng pamilya nila ay mga resorts, real estate, malls at meron din silang dalawang farm, which is, ang lolo niya ang namamahala roon. Sabi nito, pagdating ng araw siya rin ang mamahala ng farm ng lolo niya, na nag-export ng mga gulay at prutas. Nasa bandang Visayas ang dalawang farm nila, Kaya madalas kapag bakasyon, doon siya naglalagi. Tinuturuan siya ng lolo niya how to handle their farm. Mas gusto niya ang farm, kasi bukod sa lumalawak ang kaalaman niya towards agriculture, nag-eenjoy siya kapag hitik sa bunga ang mga pananim nila. "I told you son, don't court that girl, didn't I?" medyo galit na tono ng ina sa kanya. "Mom, I love her, you can't control my feelings towards her. And besides, why are you mad at her? You haven't met her yet, you only knew her name?" tila nagtataka niyang tanong sa ina. “You’re too young to have a girlfriend and besides Charry and her family already planned na kayo ang magkakatuluyan in the near future. I’m just reminding you,son,” Hindi na lamang pinansin ng binata ang sinabi ng ina niya. Wala namang mapupuntahan ang topic nila, he already told them, he can't marry Charry. Whatever happens he will fight his love for Zandra. Only her. Iyon ang nasa isip niya habang palayo sa ina at tumungo sa silid niya. Kinabukasan, abala ang binata para sa darating na championship ng kanilang palaro. Kasali siya sa Sepak takraw sports. Todo ensayo ito para sa laro. Ang kanyang kasintahan naman na si Zandra ay super supportive sa kanyang laban. Nasa field sila ng school at doon nagsasanay ang binata. Kasama ni Zandra ang kaibigan na si Wella, nasa may tabi rin nila si Charry, na panay ang irap sa kanya kapag chini-cheer ng dalaga ang kanyang kasintahan. "Go, Love ko! Itaas ang bandila nang mga Sepak takraw athlete!" Sigaw ni Zandra habang may sayaw pang ginagawa. "Tsk, pathetic," usal ni Charry. "Anong sabi mo? Ikaw ata ang pathetic diyan b***h, hindi ka naman girlfriend pero buntot ka ng buntot kay Zapper. At huwag mong ikatwiran sa akin iyang kababata ek-ek mo na 'yan. Lumang tugtugin na' yan. Gumawa ka nang bagong strategy. As if hindi namin alam na patay na patay ka sa boyfriend ng best friend ko. Malandutay! " Nakairap na sagot ni Wella. "Besh, Tama na 'yan, huwag mo nang patulan. Huwag mo ibaba ang level mo sa kanya. Hindi worth it. Papangit ka niyan, sige ka," sagot ni Zandra at pagpigil na makipag-away ang kaibigan kay Charry. Kahit totoo ang sinasabi ng kaibigan niyang si Wella binabalewala na lamang iyon ni Zandra. At kahit na narinig niya nang sinasabi ni Charry na. . . " they will get married after college" hindi pinaniwalaan ng dalaga iyon. Maging sinabi rin nito na hindi siya gusto ng magulang ng lalaki ay wala pa rin siyang pakialam. May tiwala siya kay Zapper, alam niyang mahal siya nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
312.3K
bc

The Runaway Mrs dela Merced

read
507.3K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K
bc

His Cheating Heart

read
41.7K
bc

Mr. Henderson: The Father of my Child -SPG

read
2.6M
bc

The ex-girlfriend

read
139.0K
bc

YOU'RE MINE

read
894.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook