Chapter 17: Best Weekend

620 Words
"I'm actually doing it because i like it" ang depensa ko sa pagtanggap ko sa hamon ni Cassie. "So, you like Darren" hindi yun tanong. It's a foolish confirmation of something that is not true. "Echoserang palaka; kung titigan mo nga siya kagabi with matching tili sa utak na para bang nakakita ng artista" ang singit ng utak ko. "Hindi yun ang ibig kong sabihin, Evo. I mean tinanggap ko yung challenge kasi gusto ko lang. It's not about Darren , the money or Cassie" "Wala ka nang dapat patunayan pa Stefan. Hindi pa ba sapat na nakuha mo na ang puso ko?" Kinilig ako sa banat niyang yun at dahil dun ay napatameme ako. "Kung tutuusin kaya mo naman talagang gawin ang isang tao para mahalin ka. And I'm a living proof of that, Stefan" Hindi ko na nagawang magreact pa sa sincere compliments na binigay niya sa akin. Kung sa bagay, may punto siya. He likes me and I like him. We're on the same track on going to a relationship. Cassie? Okay lang naman kasi akong magpaka-alalay sa kanya kasi impormal naman niya akong alalay noon pa lang. All for the sake of our friendship kaya nagpapasakal ako sa kanya. So, what's stopping me from stopping the bet? Hindi ko rin alam. May malakas lang pwersa na gustong ituloy ko ang pustahan. Hindi ako mukhang-pera lalo nang hindi ko kailangang ma-inlove si Darren sa akin. At the first place, nang-iinit ang dugo ko sa kanya. We're like complete opposites. Bakit nga ba? "Please, huwag mo nang ituloy yung bet. Do it for me" ang paki-usap niya sa akin. Napa-isip ako. Ano bang kailangan kong gawin? "I can't, Evo" ang tugon ko na nakapagpalaki ng mga mata niya. "Ako naman kasi nagsimula nung pustahan. Ano na lang sasabihin ng mga kaibigan natin kung magbaback-out ako. Wala akong palabra de honor? Where would be my credibility then?" "Naks! Kokak! Kokak!" ang singit ng utak ko. Madalas na itong nangyayari na minsan nga napagtatanto ko na baka may sarili ng utak ang utak ko. Napaka-redundant pero ganun talaga ang nararamdaman ko. "Why are you so bothered Evo?" "Because you're dealing with love. I'm afraid that you'll fall in love with that Darren" Napabuntong-hininga na lang ako. Ano pa bang mahihingi ko sa kanya? He's everything I ever dreamed of. Bottomline: he's a big catch. Pumasok ang katulong at kinausap ako. "Sir Stefan, tumawag po si Sir Louie" ang pagsisimula ng katulong. "Pinapapunta po kayo sa bahay nila." "Bakit daw? Anong oras?", ang tanong ko. This is one of the rarest occasions na tumatawag si Kuya Louie para iinvite ako sa kanyang bahay. Hindi naman kami ganun ka-close. We talk sometimes. Ang alam ko lang, he's a dependent smug businessman. Take note! Young hunky businessman. "7:30 po ng gabi" ang tugon ng katulong at kaagad ding umalis. Napaisip ako. It's not his birthday. He's not even around during holidays. Bakit kaya? "Who's Louie?" ang tanong ni Evo na nagpatigil sa aking pagmumuni-muni. "Neighbor s***h Darren's brother s***h acquaintance" ang simple kong tugon na marahil ay makakapagpaliwanag sa tanong niya. Time Forward: nagtagal pa si Evo sa bahay namin. Kung anu-anong mga bagay ang aming ginawa but mostly video games. Nagli-lip sing siya habang linalaro ko ang kantang Hit Me with your Best Shot sa Guitar Rock Hero. It was one of the best weekend of my life. Ang sarap ng pakiramdam; yung tipong ayaw mo nang matapos ang araw. He cooked lunch for us. Buong magdamag naman kaming nanonood ng TV habang magkatabi sa sofa. I could feel the warmth of his skin when he placed his arms around my shoulder. Pinatong ko ang aking ulo sa kanyang dibdib kaya naman rinig na rinig ko ang t***k ng kanyang puso at ang paghinga niya. Heaven!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD