Chapter 4

714 Words
"Just so you know, Cassie. Hindi ako ang nanghihingi ng pabor. So, don't you go bitchy on me" ang naiinis kong puna sa pambabasag niya. "Don't keep us waiting, my dear Stefano", ang panunukso ni Cassie sa kabilang linya. Napabuntong-hininga na lang ako bilang tanda ng pagsuko sa pakikipag-argumento sa kanya. "Don't keep Evo waiting" Pumintig ang tenga ko sa pagkakarinig ng pangalan niya. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko at parang magha-hyper ventilate. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kanya. "A-re you teasing me, Cassie?" Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya. Napa-ikot na lang ang mga mata ko. "I'll keep that a mystery for you to uncover, Stefan" "Fine. I'll go. Heto't pacommute na ako" tinapos ko ang aming usapan at kaagad binalik ang device sa aking bulsa. Napatingin ako kay Xian-look-alike. Ginuguhitan niya ngayon ang kanyang tuhod gamit ang hintuturo. I watched him draw irregular patterns. "I have to go now" ang pagdidistract ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin. Naroon pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata. Napakabizzare para sa akin ang makakita ng malaking taong kayang magpakita ng kanyang sentiments sa ibang tao lalo na sa isang estrangherong katulad ko. "Okay" ang mahina niyang tugon na halos bulong na lang kung pakikinggan. Tumayo ako at inayos ang sarili. Nagsimula na akong maglakad nang magsalita siya. "Hey, what's your name?" Huminto ako at hinarap siya. "I guess that won't be necessary. Let's keep ourselves as acquaintances" "Your call, Tiger" at isang tipid na ngiti ang ibinigay niya. With that little smile, he looked handsomer; paano pa kaya kung full smile ang pinakita niya? "Thanks for the company" "No stress" ang casual kong pagtugon at muli kong pinagpatuloy ang paglalakad. Hindi ko maintindihan kung bakit sumagi sa isip ko ang litrato ng isang bata. Ang litrato na nakapaskil sa kwarto ko. Si Zomsky. PINES STREET. Maraming taon na ang nakakaraan. Nasa elementarya pa ako. Dahil nga sa banyaga ang aking ama ay iba ang itsura ko sa pangkaraniwang batang Pinoy. Ewan ko ba sa genes ng erpat ko. Kaagad akong napapansin ng mga kaklase ko. I was a victim of bullying. Verbally abused; at least. Gusto kong lumaban pero ang bilin ni Mama ay huwag ko nang patulan. Isang araw, napako na naman sa akin ang atensyon ng mga kaklase kong walang magawang mabuti. It was lunchtime and wala si teacher. "Anong baon mo?" ang pang-inis na tanong ng isa. "Dinuguang tao, no?" "Eew!!" ang maarteng eksklamasyon ng mga babae kong kaklase. Nag-aalangan akong buksan ang lunchbox ko. Hindi man dinuguan ang baon ko ay alam kong mag-iimbento sila ng kung anu-ano para hindi mapahiya at mapatunayang may lahi akong bampira o aswang. MAPLE STREET. Kaya naiinis ako sa aking sarili noon ay dahil sa may kahabaan kong pangil. Naaalala ko pa nung minsan ay binablackmail ko si Mama. Sinabihan ko siya na hindi ako magpapatule kung hindi niya muna ako idadaan sa dentist at ipatanggal ang dalawa kong pangil. Bata pa lang ako noon kaya wala akong kaalam-alam sa deperensya ng dentista at surgeon. I was tricked. At the end of the day, opisyal akong nagbinata pero ang dalawang kinamumuhian kong pangil ay waring sumisigaw at kumakanta ng sarili nilang version ng "I Will Survive". MAHOGANY STREET. "Ano to? Blood juice?" ang tanong ng isa ko pang kaklase sabay pakita ng tumbler ko. Inagaw ko yun at lumabas ng classroom bitbit ang baon ko. Umupo ako sa isang bench at mabagal na kumain. May tumabi sa aking bata. "Bakit ka kumakain ng mag-isa?" Tumingin ako sa kanya at nasaksihan ang isang maputi, patpatin at singkit na bata. "Ayaw kasi ng mga kaklase ko sa akin. Bampira raw ako." "Ako rin. Zombie raw ako" napatanong ako kung bakit. Nalaman ko na tinatawag siyang zombie dahil sa singkit niyang mga mata at patapatin na katawan. Binalik niya sa akin ang parehong tanong. Pinakita ko sa kanya ang kinamumuhian kong mga pangil sabay ang pagpapalaki ko ng aking mata para makita niya rin ang brown kong mata. Napangiti siya. "Magmula ngayon. Sabay na tayong kumain, bestfriend!" "Sige" ang masigla kong pagpayag. And then, the rest is history. naging close kaming dalawa. Ang tawag ko sa kanya ay "Zomsky" at ang tawag niya sa akin ay "Vampsky". Until one day, nawala na lang siya na parang bula. All was left was an old picture of us na kinuhanan noong Christmas. ificatx^!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD