Leo
*
*
" Mom! Pakiusap naman maawa ka saakin. Siraulo ang kasambahay na kasama ko. Binatukan nya ako kanina habang nasa byahe kami. Baka pwede palitan mo ng ibang kasambahay mo. Sinabi niyang papatayin niya ako at Sinabi niyang pangit ako. " Parang bata na sumbong ko kay Mommy
" Haha! Bray! Anak mo inlove. " Pang-aasar ni Mommy sa kabilang linya
" Sir! Kakain na po. " Sigaw ni Zyra sa labas ng Kwarto ko
" Bukas na Bukas pupunta kami ng Daddy mo. " Wika ni Mommy sabay patay ng tawag
Naiinis na lumabas ako napatingin ako sa kasambahay ko. Nakasuot siya ng Lumang t-shirt at lumang Jean's
Hindi ko alam kung bakit bahagya ako naawa sakanya.
" Sir papaturo po sana ako kung paano gumamit ng washing machine. At ng Vacuum." Magalang na Pakiusap nito habang naglalakad pababa ng hagdan
" Ano nakain mo ang bait mo ata. May binabalak kang masama Ano?" Nagdududa na tanong ko
" Trabaho ko bilang kasambahay ang pagsilbihan ka. Maganda din ang gising ko kaya huwag mo ako asarin. " Magalang na tugon nito
Napatango nalang ako sa Dining table kami napunta. Pinag timpla din ng kape.
Iniwan ako mag-isa sa dining Sinangag Bacon At itlog ang almusal ko may Sandwich din. May nakalagay din na Tupperware nagtataka na binuksan ko iyon.
Pork Adobo with quail egg. May kanin din. May note na nalagay
" Sir! I'm sorry for what I did yesterday, It won't happen again, Enjoy your lunch . " basa ko sa note
" Aba first time ko ata magkaroon ng English speaking na kasambahay. Sarap ng adobo niya. Good mapapadalas ang pag-uwi ko nito ng dinner." Nakangiti na sambit ko
Tinapos ko ang pag-almusal, Sa unang pagkakataon naging panatag ako sa Paggising ko. Isa akong mafia heir kaya marami ang nagtatangka sa buhay ko. pambihira kasi si Kailani bakit napili ako. Madami naman ang kabilang sa Mafia bloodline ako pa talaga.
Dala-dala ko ang tasa na may lamang kape naglalakad ako palabas ng bahay hinahanap ko si Zyra nasipat ko siya nagwawalis sa harapan ng gate. Tinatanggal din niya ang mga damo na tumubo sa gilid-gilid.
"Ang ganda talaga ng babaeng to. Hindi maarte at semple. She's perfect for me. Liligawan ko siya. 30 na ako kung hindi pa ako mag-aasawa ipapakasal ako ni Dad sa hindi ko kilala. " Napapangiti ako habang Pinagmamasdan si Zyra
Nabahala ako ng mapansin ko na may biglang tumigil na nakamotor sa harapan ng dalaga sabay tutok ng baril. Tatakbo na sana ako pero nagulat ako ng biglang suntokin ni Zyra ang lalaki, Sabay agaw ng baril
" Hehehe! Maganda to. Ayos ah. Makakapag sanay ako. Kanina ko pa iniisip wala si kuya hindi ako makakapag sanay. Pero dumating kayo. Tinutukan ninyo ako ng baril. Hehe papatakasin ko kayo pero bumalik kayo ah. Magsama kayo ng marami." Masaya na wika nito sa Dalawang lalaki
Sinubukan naman ng kasama nito na Paputukan ng baril si Zyra pero harapan niyang iniilagan yon habang nagsasalita.
Dahan-dahan ko binuksan ang video ng cellphone ko namamangha na videohan ko ang bagong kasambahay ko
Senend ko yon kay Daddy Ang video
" Dad! Siya ang bagong kasambahay ko. " Bungad na sambit ko
" Hayaan mo na at least may bantay ka sa bahay mo. Makakabuti kung isasama mo siya sa office mo. Para may bantay ka. " Wika ni Daddy sakabilang linya
" Kilala mo siya?" Tanong ko
" Oo naman ako an--- Ha? Hindi ah. " Tugon ni Daddy sabay Patay ng tawag
Nakakunot noo ko
" Sir! May mga naghahanap sayo kanina. kaso Siraulo ata sila. Biglang umalis eh." Nakangiti na wika ni Zyra napatango nalang ako
" Gagabihin ako mamaya baka madaling araw na ako umuwi. May dadalohan kasi ako na party huwag kang magpapasok dito kahit na sino. Kumain ka nalang. Wala ka naman ibang Trabaho dito bukod sa gawain bahay. Day off mo tuwing sabado balik ka linggo ng hapon. " Kalmado na Paliwanag ko
" Sabado ng Umaga pwede na ako umalis balik ako linggo ng gabi? Okay lang po ba?" Excited na tanong nito
Napatigil ako sa paglalakad papasok ng bahay Humarap ako sa dalaga
" It's okay! Basta siguradohin mo na malinis ang bahay at nakalock bago ka umalis. Bibihira ako umuwi dito madalas sa Condo ako namamalagi kailangan ko lang talaga ng magbabantay ng bahay ko. " Tugon ko
" Sir! Pwede advance ko na kalahati ng sahod ko? Tika magkano nga pala ang sahod ko? Sir pagbalik mo gawa ka ng kontrata kasundoan ng paninilbihan ko dito. " Wika nito
" Hindi ako Naniniwala na sempling probinsyana lang siya. Aalamin ko ang tungkol sa pagkatao niya. Ang kilos niya pamilyar saakin. Saan ko ba nakita ang ganon uri ng pakikipaglaban." Piping sambit ko
*
*
Zyra pow
*
*
" Nakatayo ako sa labas ng gate habang pinapanood ang papalayo na sasakyan ni Sir Leo
Papasok na sana ako ng matanaw ko ang sasakyan ni Tito Bray ang kaibigan ni Tatay na nagsasanay saamin ni Kuya
Huminto ang puting sasakyan sa harapan ko.
" Isarado mo yan! Sumama ka saakin don't worry ibabalik kita mamayang gabi." Nakangiti na utos nito saakin
Tumakbo ako papasok sa bahay nilock ko ang pinto pati gate. nilagay ko sa bulsa ko ang Susi
" Paano mo nalaman na dito ako nakatira Tito?" Nakangiti na tanong ko
" Tito parang may hawig kayo saan ko ba na nakita yon?" Tanong ko
" Gwapo ako kaya kung saan-saan mo nakikita ang mukha ko. Nandito ka sa manila tuwing Day off mo sasama ka saakin. " Nakangiti na wika nito Inayos ko ang seatbelt
" Alam mo Tito! Siraulo pala ang crush ko, Sayang talaga ang Ilang taon na paghanga ko sakanya. May sira pala ang Ulo, Naaawa tuloy ako sa mga magulang niya. Gwapo nga sana pero isip bata naman. " Pagsusumbong ko dito
Tumawa ng malakas si Tito Bray
" Hahaha! Yan ba ang sinasabi mo na Mayaman sa kabaling baryo?" natatawa na tanong niya
" Oo Tito! Grabe sinabi ba naman hinding-hindi daw siya papatol saakin dahil puro kalyo ang paa at kamay ko. Kasalanan ko bang mahirap kami? Kasalanan ito ni Tatay." Naiinis na tugon ko
" Gusto mo ba makita ang Tatay mo? Doon tayo pupunta ngayon Hindi tayo papasok pero panoorin natin sila sa malayo. " Wika ni Tito
" Paano nga pala kayo naging magkaiba ni Tatay? Bakit sabi ni Tatay hindi ka niya Kilala." Tanong ko
" Hindi ako kaibigan ng Tatay mo! Hindi mo maintindihan Pero protiktado kayong magkapatid ng isang kinakatakutan na organization. Dahil kayo ang legal na Tagapagmana at nanalaytay sa dugo nyo ang Bloodline ng grupo. Mahirap ipaliwanag pero ipapakilala ko muna sayo kung Saan ang Angkan na pinagmulan mo. " Seryoso na Wika ni Tito Bray
" Alam ko! Mayaman ang angkan na pinagmulan ko. Pero bukod doon wala na. Hindi ko rin maintindihan kasi minsan may nagtatangka saamin ni Kuya. Bakit kaya may gusto pumatay saamin? Siraulo ata sila. Pati nga pambili ng panty nahihirapan ako pero gusto pa nila ako kidnapin. " Nagugulohan na wika ko
" Narinig mo na ba ang Mafia organization?" Tanong ni Tito
" Hindi eh. Hindi kasi ako nanonood ng TV Haha wala kami non. " Nakangiti na tugon ko tumawa si Tito
" Gusto mo magkaroon ng Pera? Isang laban 50 Thousand USD Pero kung magtatalo patay ka. Ang pamangkin ko kasi isang Mafia boss. May Underground arena siya Ang lumalaban mga criminal at mga tao na magagaling sa pakikipaglaban. Sa mga Susunod ipapasyal kita sa lugar na yon. Pero huwag mo sasabihin sa boss mo. " Nakangiti na wika ni Tito
" Ano ba ang mafia boss? Mafia organization? Paano protiktado kami ng organization?" Nagugulohan na tanong ko
" Yan ang kailangan mo alamin sa mga susunod na araw. Malalaman mo din ang tungkol sakanila. Kabilang ako sa Mafia assassin's na ngayon isa nang retired Assassin's ako ang nangangalaga sa Mafia heir na katulad mo. " Nakangiti na wika ni Tito
" Sumasakit Ulo ko. Mahirap talaga ang mahina ang utak Hindi na kaya aabutin ng utak ko ang pinagsasabi mo Tito. " Nakasimangot na tugon ko
" Ihahalimbawa ko sa isang gangster na may mga tauhan at sinusunod na Boss, Pero sa Mafia organization mas malalim pa ang samahan na yan. Ang Binuo na mafia organization dito sa bansa natin para protiktahan ang bansa natin sa mga organization na nagbabalak sumira sa bansa natin. Tulad ng drugs, Mga criminal na pumapatay ng Mga inosente na tao. Basta masasamang tao na hindi na kaya ng batas ng government Ang mafia organization ang tumatapos sa ganon problema. Lihim ang samahan nila. Para silang Hero na hindi kilala ng karamihan. " Mahabang paliwanag ni Tito
Huminto kami sa tapat ng magarang bahay. Natigilan ako natanaw ko si Tatay may kandong siya na magandang babae sa tingin ko kasing edad siya ni Nanay. Naghahalikan pa sila. May nasipat din ako na dalawang binata naupo sa harapan nila Tatay
Hindi ko namalayan umaagos na ang luha saaking mga mata napuno ng galit ang dibdib ko.
" Diyan ba nakatira ang Tatay ko?" Tanong ko sa garalgal na boses
" Sila ang totoong pamilya ng Tatay mo. Hindi naman alam ng Nanay mo na May pamilya na Ang Tatay mo. Pero nalaman nalang ng Nanay mo Dalawa na anak nila. Ang dalawang binata na yan Kapatid mo sila. Hindi nila alam ang tungkol sainyong magkapatid. Pero dahil sa dating Mafia boss ang Lolo mo na ama ng Tatay mo. Kaya pumili kami ng karapat-dapat mapabilang sa Mafia heir. Kayong magkapatid matapang kayo. Kaya kayo ang napiling mafia heir ng organization. Ang dalawang Kapatid mo wala silang Alam sa organization wala din silang alam sa pakikipaglaban. " Mahabang paliwanag ni Tito
" Mayaman sila! Maganda ang buhay, Masarap ang buhay nila samantalang kami kung hindi kami magtrabaho wala kaming kakainin. Galit ako sakanilang lahat. Gustong-gusto ko sila makitang nahihirapan din. " Umiiyak na Sambit ko
" Sumama ka saakin sa Day off mo. Ipapakilala ko kayong magkapatid sa mafia organization. Isa sainyong dalawa ang kailangan tumanggap ng pagsubok ng mafia Organization. Kailangan mo muna alamin ang pamamalakad ng mafia Organization bago mo tanggapin ang pagsubok. Malaking pera ang nakasalalay dito. " Seryoso na Paliwanag
" Ayaw ko maging mafia. Pero gusto ko ng pera para makapag tapos ng pag-aaral si kuya. Ako nalang ang tatanggap ng pagsubok huwag mo nang ipaalam sa kuya ko. " Seryoso na tugon ko
Lumabas ako ng sasakyan nagpunas ako ng luha ko. Naglakad ako palapit sa Gate
Tumayo ako sa harapan ng gate Nag doorbell ako.
Stenstainless steel ang bakod nila Pati gate kaya kitang-kita sa labas
Napatingin saakin si Tatay nanlilisik ang mga mata ko. Napatayo siya nagmamadali na lumapit sa gate
Pagbukas niya nagsalita ako
" Simula ngayon Kalimutan mona kami ni kuya. Kinamumuhian kita. Sarap ng buhay mo, Pagkatapos mo gawin kabit ang Nanay ko inabandona mo kami. May mga gabi na hindi kami kumakain ni kuya dahil wala kaming pambili ng pagkain. Lahat ng pera na pinadala mo binabayad namin sa utang ni Nanay. May mga araw na tinitiis namin ang gutom. Mabuti nalang may isang tao na gumagabay saamin ni Kuya. Kaya kahit paano hindi na kami nalilipasan ng gutom. Galit ako sayo Tatay. Simula ngayon Kalimutan mo na may anak ka. Total sa nakikita ko wala naman kami lugar sa buhay mo. " Puno ng galit na wika ko Sabay talikod
" Baby! Sandali. Baby Zyra anak! magpaliwanag ako." Taranta na wika ni Tatay naglakad na ako palapit sa sasakyan ni Tito pagpasok ko agad na pinaharorot ni Tito paalis ang sasakyan nasipat ko ang paghabol ni Tatay
" May magagawa kaba Tito para ilipat ang Kapatid ko? Tapos bayaran ang utang namin. Susundin ko ang lahat ng kagustohan ng mafia organization na sinasabi mo. Basta ilayo mo lang si Kuya. " Malungkot na wika ko