Chapter 6 AGA… KAHIT NA ANONG pangungulit ko kay Keiran hindi niya ako kinakausap tungkol sa agency niya. “Huwag mo akong titigan ng ganyan, kinikilabutan ako.” sita niya sa akin. Maggagabi na kaya naghanap na kami ng lugar na pwede kaming magpalipas ng gabi. Bukas inaasahan na namin na nasa malapit na kami sa kampo ng mga bandido. “Bakit anong nakakakilabot sa tingin ko?” nagtataka kong tanong sa kanya. Oo nga at tinititigan ko siya, pero sure naman ako na ang paraan ng pagtitig ko sa kanya ay hindi nakakakilabot tulad ng sinabi niya. Tinititigan ko siya na parang ng pagtitig ko sa mga kasamahan kong sundalo kapag nagbibigay ako ng instruction sa kanila kapag nasa field kami. “Wala,” sagot naman nito na umiwas ng tingin sa akin. Habang tumatagal nagiging weird na itong lalaking