Chapter 9

1024 Words
-Lucas Tinawagan ko sila Aeron dahil may mahalaga akong sasabibin sa kanila. Ngayon ay araw ng biyernes at bukas ay birthday na ni Mat. Andito kami ngayon sa field ng school, may pinaplano kaming magkakaibigan. Sosorpresahin namin si Mat sa Birthday niya bukas at ngayong oras namin naisipang pag-usapan dahil wala pa naman kaming klase lahat. Tumakas lang din sila Lee kay Mat para hindi siya nito sundan. Ako, Si Aeron, Si Lauren, Si Tristan, Sam at Si Lee. Hiningi ko 'yong kanya-kanya nilang opinyon kung ano ang maiaambag nila para bukas at kung ano ang plano pero napansin ko na hndi nagsasalita si Lee. May problema ba siya? Ang lalim ata ng iniisip niya. "Eh ikaw naman Lee? Ano sa tingin mo? Ano kayang pwede nating gawing sorpresa kay Mat?" tanong ko kay Lee. Natigil siya sa pag-iisip ng narinig niyang tinawag ko siya. "Ah eh. Book shelf Kuya. Siguradong magugustuhan ni Mat yun! Lagi niyang binabanggit sakin yun na gusto nya ng malaking lalagyan ng libro." "Sigurado bang magugustuhan niya yon?" tanong ko sa kanya. "Sigurado yan Kuya!" sagot ni Lee. "Okay! Kumpleto na lahat. Mamaya bibilhin natin lahat ng kailangan natin." Mamaya ko na lang siguro tatanungin si Lee kung anong problema. Pagkatapos ng klase inasikaso na namin lahat ng kailangan para bukas. Naggrupo kami ng dalawa para mabilis namin matapos dahil wala na kaming oras. Ang kasama ko ay si Lee at Lauren. Magkasama naman si Tristan, Aeron at Sam. Pagkatapos namin bumili ng mga gamit ay pumunta kami sa isang resort. Gagawin na namin ang isa sa dalawang nasa checklist ni Mat. Siguradong matutuwa si Mat nito. Habang kinakausap ni Lauren ang manager ng resort ay naglibot naman kami ni Lee sa lugar. Ito ang nasa checklist ni Mat. Ang makapagbonding kami sa tabing dagat. Masarap ang simoy ng hangin, mapayapa. Nakarating kami sa tabing dagat ni Lee. Dapat ko na sigurong tanungin si Lee kung bakit parang may problema siya at kung ano ang bumabagabag sa kanya. "Kuya, Si Mat? Okay lang kaya siya?" Natigil ako sa paglalakad ng tinanong nya ko ng ganon. Ayon siguro ang kanina niya pa iniisip. Ang kalagayan ni Mat. Sa totoo lang hindi ko rin alam. Hindi ko tinatanong si Mat tungkol sa sakit niya, dahil natatakot ako. "Okay lang siya Lee. Masaya naman siya pagnakakausap namin siya. Wag kang mag-alala. Bakit mo natanong?" sabi ko kahit hindi ko talaga alam kung anong nararamdaman ni Mat. Sinabi ko lang yon para hindi na siya mag-alala pa. "Dahil nagbabago na ang itsura niya. Mapayat na siya at namumutla ang balat. Masayahin siya pero matamlay na siya. Hindi siya nagsasabi tungkol sa nararamdaman niya kaya hindi ko alam kung ayos ba talaga siya. Magaling talaga si Mat magtago ng nararamdaman." Biglang kong naisip lahat ng sinabi niya. Siguro nga, tama si Lee. "Hayaan mo Lee, kakausapin ko siya. Wag kang mag-alala." at tinapik ko ang likod niya. Mayamaya ay lumapit sa amin si Lauren. "Ok na. Nakausap ko na sila." sabi Lauren. "Salamat Babe." "Mukhang may seryso kayong pinag-uusapan ni Lee ah. Nakakaistorbo ba ako?" tanong ni Lauren "Hindi ate, wala naman. Tara mag-ikot pa tayo sa resort." sabi ni Lee. Mayamaya ay dumating na din sila Aeron sa resort. Dala na nila ang ibang pinamiling gamit at ang book shelf. Napakaganda! Bumili kami ng libro, mga 20 pirasong libro para maraming mabasa si Mat. Sigurado ngang magugustuhan ni Mat 'to. Inayos na namin lahat ng gamit at kailangang ayusin para bukas ay konti na lang ang aayusin namin. 8:30 ng gabi ng matapos kami. "Excited na ko para bukas! Siguradong matutuwa nito si Mat," sabi ni Sam. "Sigurado yan Sam! Sobrang ganda dito na hindi matatanggihan ni Mat," sagot ni Tristan "May dapat pa palang gawin bukas, hindi na ko papasok. Ako na ang gagawa magkita na lang tayo rito bukas pagtapos ng klase," paliwanag ko. "Kuya, tutulungan kita bukas. Hindi na rin ako papasok," sabi ni Lee. "Pero Lee paano si Mat? Alam mo naman kung gaano karaming taong nagsasabi sa kanya ng masama. Kailangan niya ng makakasama." "Kuya, kami nang bahala ni Sam. Sasamahan namin si Mat. Wag kang mag-alala," sabi ni Tristan. "Oo, kuya Lucas," sagot ni Sam "Salamat sa inyo!" Pagkatapos ay nagpaalam na din kami sa isa't-isa at umuwi na. Pagkauwi ko sa bahay ay nakita kong nagluluto si mommy at andun na din si Mat. Tatanungin ko ba siya? Kinakabahan ako. "Kuya, andyan ka na pala. Ang tagal mo namang umuwi. Gabi na ah. San ka galing?" tanong ni Mat habang bumababa ng hagdan. "Tinapos ko lang yong project ko para bukas, kailangan na e." tumingin siya ng may pagtataka. "Galingan niyo ng sorpresa bukas sa birthday ko ha! Yung masusurprise talaga ko. Yung sobrang magiging masaya ako," sabay tawa niya. Huh? Teka, pano nya nalaman? Teka, alam nya ba o nagpapanggap lang siya? Nakita niya kaya kami sa field na magkakasama? Nasundan niya kaya si Lee? Pambihira talaga 'to si Lee nakita pa ata ng kapatid ko. "Anong surprise? Walang ganun Mat! Asa ka pa!" nagpanggap na lang ako na hindi ko alam yung sinasabi niya. "Sabi ko nga, wala. Hahaha." tapos tumawa ulit siya. Pinagmasdan ko si Mat at napansin ko ang pagbabago nya. Pumapayat na sya, nagiging maputla na din ang balat nya at hindi na sya ganun katulad ng dati. Kumuha ako ng tubig at uminom. Tatanungin ko na siya, gusto kong malaman. Lumapit ako sa kanya saka ko sya tinanong. "Mat, kamusta kana? Kamusta na yung pakiramdam mo?" ayoko sanang ipasok yung tanong na to, ayokong may maling sabihin. Ayokong makasakit, pero mukhang kailangan dahil gusto kong malaman ang kalagayan nya. "Ok lang ako," maikli nyang sagot. "Wag kang mag-alala, hindi ako kakayanin ng cancer na yan. Kaya ko syang suntukin kahit pa nakapikit ako." sabay tumawa sya at umakyat na sya ulit. Pero bago sya umakyat. "Kuya, pwede bang bilhan mo ko ng bagong babasahing libro? Wala na kasi akong nababasang libro. Yung maganda ha? Yung mahabang storya sana." hiling nya sakin. Bukas Mat, bukas makikita mo ang sorpresa namin sayo. "Okay Mat, bibilhan kita," sabi ko at ngumiti naman siya. Pumunta na din ako sa kwarto ko. Nag-ayos ng gamit at nahiga. Nag-isip. "Wag Mat. Wag muna. Hindi pa kami handa." Bulong ko sa sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD