Chapter 11

1030 Words
-Lucas "Mat? Anong gusto mong panuorin? Tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot. Nakahiga lang siya. Naisip ko na baka natutulog lang. Nilapitan ko siya at niyugyog. "Mat? Anong gusto mong panuorin?" pero hindi pa rin siya sumasagot. Kinabahan ako bigla. Tumingin sila sa nangyayari. "Mat?!!! Hoyy!! Gising!" Sigaw ko. Napansin ko na namumutla siya. "Lucas anak, bakit?! Anong nangyari kay Mat!?" tanong ni mommy habang mabilis na tumakbo papunta samin. "Mom, si Mat hindi siya nagigising!" sagot ko. "Ano?!!! Diyos ko po!" niyugyog niya ng niyugyog si Mat pero hindi to nagigising o sumasagot. Binuhat agad namin ni Lee si Mat at tumakbo naman si Aeron sa sasakyan. "Tol ako na ang magdadrive. Hawakan mo lang si Mat. Kumalma ka lang, okay? Aabot tayo sa ospital. Magiging maayos lang lahat. Magtiwala ka lang," sabi ni Aeron na sinusubukan akong pakalmahin dahil alam niya sigurong nawawala na naman ako sa katinuan. Sumakay na kami sa kotse nila Mom. Mabilis na pinaandar ni Aeron ang sasakyan. Hindi kami dapat mag-aksaya ng oras dahil buhay ni Mat ang nakasalalay dito. Isinugod namin sa ospital si Mat at tinulungan naman agad kami pagbaba namin. Hindi namin alam ang gagawin. Lahat kami nakasunod habang dinadala sa emergency room si Mat. "Mat wag kang susuko! Wag kang matulog! Andito lang kami! Please! Gumising ka!" sabi ko habang dinadala nila si Mat sa Emergency room. Pumasok ang doctor at mga nurse kung asan si Mat. Naghihintay kami sa labas ng room. Lahat kami nag-aalala. Walang nagsasalita. Umaasa na ok lang si Mat. Mayamaya ay lumabas ang doctor. "Doc, kamusta po ang anak ko?" tanong ni Mommy sa doctor. "Maayos na ang inyong anak," sabi ng doctor. Napangiti kaming lahat, nabawasan ang pag-aalala namin kay Mat. "Pero hindi niyo pa siya pwedeng makita," dugtong niya. "Doc, bakit naman? Anong kalagayan ng anak ko?" tanong muli ni mommy. "Nasa critical stage ang inyong anak. From normal, bumagsak sa zero ang immune system niya. A single bacteria can kill him kaya naman hindi namin inaallow na pumasok kayo sa room nya," paliwanag ng doctor. Muli, nakita na naman sa mga mukha namin ang labis na pag-aalala. "Pero doc, ilang araw naman ang itatagal bago namin siya ulit makita?" tanong ko sa doctor. "Maybe a days, pwede na. Pero may isa pang kailangan niyo ng pagdesisyonan." "Ano po 'yon Doc?" tanong ko sa kanya. "Kinakailangan niya maoperahan sa lalong madaling panahon dahil habang tumatagal mas lalong nagiging kritikal ang kalagayan nya," muling paliwanag ng Doctor. Walang nakapagsalita sa amin at umalis na ang Doctor. "Anong gagawin natin anak?" tanong sakin ni mommy. Lubos na pag-aalala ang nakikita ko sa mukha nya. "Mom, wala satin ang desisyon. Kailangan na si Mat ang magdesisyon. Siya ang nakakaalam ng nararamdaman niya, siya lang ang makakapagsabi," paliwanag ko sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit. "Mom, magiging maayos si Mat. Maniwala lang tayo," bulong ko sa kanya. Lalo humigpit ang yakap nya sakin. "Ayokong mawala ang kapatid mo Lucas. Ikamamatay ko." Sobrang kirot sa puso ng mga sinabi nya. "Mom, wag! Ikamamatay ko din. Kailangan natin lumaban," paliwanag ko sa kanya. Lumapit samin sila Aeron at nag-usap kaming lahat. 2:00 am na. Ako, si mom, at Lauren na lang ang natira dahil pinauwi ko na sila Aeron. Kailangan nilang makapagpahinga ng maayos. Gusto ko din sanang pauwiin si Lauren kaso ayaw nya talagang iwan kami ni mommy. Habang natutulog sila Mom at Lauren may lumapit sa'kin na batang lalaki, mga nasa 8 years old siguro. "Kuya, sino pong binabantayan nyo?" tanong niya sakin. Hindi ko yun sinagot dahil siguro iniisip ko na bata lang yun at hindi nya pa maiintindihan. "Kami ng Daddy ko, binabantayan namin ang ate ko. Ayun oh!" sabay turo niya sa Daddy niya na natutulos sa labas ng room. Tinanong ko siya. "Anong nangyari sa ate mo?" "Hindi ko po alam," sabay kamot niya sa ulo. "Pero nakita ko siyang bumagsak kanina. Takot na takot ako kaya naman sumigaw ako ng tulong kay mommy saka kay daddy," dugtong niya. "Hindi ko po alam kung anong nangyari sa ate ko pero alam ko may sakit siya. Umiiyak palagi si mommy pero nagtatago siya samin pag umiiyak." nakita kong paiyak na siya kaya naman hinawakan ko agad siya sa likod para di umiyak. Mamaya masisi pa ko. Buti at napigilan niya naman ang pag-iyak niya. "Kami naman, binabantayan namin ang kapatid ko," sabi ko sa kanya habang nakangiti. "Babae ba sya kuya? O ate mo din ba?" tanong niya. "Hindi e. Lalaki siya. Bunsong kapatid ko," sagot ko. "Mabait din ba siya? Kasi alam ko mabait ka kuya," nakangiting sabi niya sakin. "Mabait siya katulad ko kaso medyo pasaway din, pero mahal namin siya kaya naman andito kami ngayon para sa kanya," sabi ko sa kanya habang pinipigilan ang luha ko. Mabuti na lang at inalis niya ang tingin niya sa'kin. "Kuya, sana paglabas ng ate ko at ng kapatid nyo sa ospital sana magkakilala sila at maging magkaibigan no?" sabi niya sakin. Masaya siya. "Oo naman, sana nga maging magkaibigan sila," sabi ko at nginitian ko siya. Nang may lumapit na lalaki samin. "Andrei! Bakit ka nang-iistorbo sa iba. Halika ka na. Pasensya ka na sa anak ko, medyo makulit kasi 'to. Tara na anak," sabi ng lalaki sakin. Ah, Daddy pala ng bata 'to at Andrei pala ang pangalan ng bata. "Ok lang ho. Walang problema," maikling sagot ko. "Babye kuya!!" paalam sakin ng bata. Kumaway din ako sa kaya. "Lucas, bakit hindi ka nagpapahinga?" si Lauren, nagising siguro siya. "Hindi lang ako makatulog," sabi ko sabay upo niya at sumandal sa akin. "Iniisip mo pa rin ba si Mat?" tanong niya sakin. "Oo, iniisip ko pa rin siya," sagot ko. Hinawakan niya ang kamay ko. "Pasensya kana Lucas," tumingin siya sakin. "Kung kaya ko lang pagalingin si Mat ginawa ko na dahil ayokong nakikita kayong ganyan ng mommy mo." niyakap nya ko ng mahigpit. "Sapat nang andito ka Lauren. Andito kayo nila Aeron. Salamat, salamat sa lahat ng sakripisyo nyo para samin," sabi ko sa kanya at niyakap ko din sya ng mahigpit. Nagpapasalamat ako sa kanilang lahat dahil kung wala sila, lalong hindi namin kakayanin ni mommy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD