Dakota's POV.
"Good evening Ms. Dakota" pagbati sakin ng guard na nagbukas ng gate ng mansion namin.
Ngumiti ako dito.
"Kumain ka na po ba Kuya Danny?" tanong ko dito.
Nahihiya naman itong umiling at nagkamot ulo.
"Sa bahay na lang po siguro miss, parating na din naman si Berto para palitan ako sa duty" sabi nito.
"Kuya Danny naman eh" sabi ko at kinuha ko yung 2 bucket ng chicken at bilao ng palabok na dinala sakin ng isa kong pasyenteng may ari ng isang fast food chain kanina, inabot ko ito sa kanya. "Ayan, paghatian nyo yan ni Kuya Berto. Next time wag kayong magpapalipas ng kain, mahalaga kayo samin kasi kayo ang nagpo protekta samin"
"Salamat po Ms. Dakota, napaka swerte namin sa inyo ibang iba talaga kayo kay Ms. Paris" sabi nito.
"Mapagbiro ka talaga kuya, sige po. Una na ako" sabi ko at sinarado na ang window ko at ipinasok na sa garahe namin ang kotse ko.
Nung makalabas ako ng sasakyan ay doon ko lang narealize na tila mas madami kesa sa usual na kotse namin ang naka park ngayon.
Ipinagbalewala ko na lang iyon dahil baka tauhan or kliyente nila Dad ito.
Umakyat ako sa front door at binuksan iyon.
"I'm home!" sigaw ko pero halos hatakin ko pabalik ang pagsigaw ko nung marealize ko kung sino ang nasa living room.
Ang mga Montenegro kasama ang pamilya ko.
"Dakota!" nagulat ako ng may mabilis na yumakap sakin. "I miss you so much my little sister"
Pinigilan kong tumaas ang kilay ko, just because you're 8 mins early sa paglabas ko eh mas matanda ka na sakin.
I looked at her, she is smiling brightly to me. Mas nainis ako sa katotohanan na she died her hair black again kaya looking at her feels like I am looking in a mirror.
"Aww natulala sya, nagandahan ka sakin sis? Same na tayo ng hair color dahil ayoko namang blonde hair ako sa wedding day ko" sabi nito and that hit me.
Sa sobrang ginugugol ko ang oras ko sa kaka trabaho trying to forget.
I wanted to just move on and just forget about him. Nakipag date ako, lumabas, nag party pero wala. Sya pa din.
"I miss you too" sabi ko at lumapit para yakapin si Paris. I sincerely missed her. Alam naming dalawa na nasasaktan ako pero kapatid ko pa din sya, I can hate her forever but I will always care for her.
Paris smiled at me genuinely.
"Daki" nagulat ako sa tumawag sakin, alam ko ng nandito sya pero nung tawagin nya ko at sa nickname pa na binigay nya sakin. "The last time I saw you hindi ka pa ganito kaganda" biro nya.
I faked a smile. Seeing him makes my heart beats so fast as well as hindi ko mapigilan ang unti-unti nitong pagkadurog.
"Storm" formal kong pagtawag sa kanya.
"Why so formal?" natatawa nyang sabi at niyakap ako na syang nagpagulat pa sakin. Gusto kong maiyak kasi ito yung totoo eh.
Ito lang ako sa kanya. Isa lang akong kababata, isa lang akong kaibigan at ang mahal nya ay ang kapatid ko.
Si Paris ang nagpahiwalay sa amin.
"Babe, let my sister, say hi to your parents" sabi ni Paris.
"Oh sorry babe" sabi ni Storm na umakbay sa kakambal ko.
"Tita Aki, Tito Thunder, good evening po" sabi ko.
"Dakota, you are doing great sa medical industry, just knowing that I almost watch you grew, makes me proud" sabi ni Tito Thunder.
"Thanks Tito" sabi ko at bahagya naman nitong ginulo ang buhok ko bago dumiretso kay Dad.
Paglampas ni Tito, ay doon ko lang nakita ang isang babaeng ngiting-ngiti sa harapan ko.
"I miss you my favorite second daughter!" pagtawag nito sakin at niyakap ako ng mahigpit.
Mrs. Akira Sapphire Santos.
Who doesn't know her, kung may batayan ng ganda nung panahon sya. Sya yun! Timeless beauty, people say, she's the only one who can tame the dragon. The great Thunder Rein Montenegro.
My family became close to their family dahil sa mga business deal and I feel lucky na I grew up na kasama sila.
Madalas kasing nasa abroad sila Mom and Dad at naiiwan ako sa pinas dahil nag aaral ako at nasa US naman si Paris para magpagamot. Madalas ay mga katulong at guards ang kasama ko pero dahil naging ka close namin sila at halos kapitbahay noon ay nag volunteer si Tita Akira to look after me dahil si Celestine ay sa ibang bansa din nag aaral kasama ang Lolo at Lola nya.
That's why I grew up with Dalfon Storm, ako ang madalas kasama nya sa bahay hanggang school pero in the end na friendzone lang ako.
"Tita, namiss ko po kayo" sabi ko at mas hinigpitan ang yakap dito. "Na perfect ko na po yung ginagawa nyong brownies at carrot cake"
Naghiwalay kami at tiningnan nya ko ng maigi na para bang kinakabisado nya ang mukha ko.
Nagkita kami last month ata bago sya umalis ng bansa for business purpose. Kung nasaan si Tito, nandoon din sya. Lumabas kami para magpa spa sa isa mga hotel ni Tito Cloud.
"Ya! Pumayat ka, masyado ka yatang lunod sa trabaho" sabi nito. She is like a mom to me and she always say na I am her second daughter.
"Busy po, alam po ba ni Celestine na pupunta kayo dito?" tanong ko.
"Ewan ko ba doon kay Ate, she kept ignoring my calls. As she grow old, mas sumusungit, hanapan mo na nga ng boyfriend iyon, Daki" sabi ni Storm na ipinatong pa ang kamay sa balikat ko.
Ngumiti ako ng pilit.
"Dalfon! Pano mo papahanapan ng boyfriend ang ate mo, eh ito ngang si Dakota ay wala pa" sabi ni Tita Akira.
Tita naman! Huhuhu wag mo kong ipahiya ng ganito.
"Dinner is ready" announce ng cook namin at thank you talaga dahil di ko alam anong isasagot ko pag tinanong kung bakit wala pa kong boyfriend.
"I'm here" nagulat ako ng pumasok sa loob ng bahay si Celestine na akala mo pagmamay ari nya ito.
Well, madalas syang nandito dahil hindi ako mahilig mag drive at talagang sinusundo mya pa ako.
Lumapit sya sa mga magulang nila at humalik bago gumitna at walang sabing tapikin ang kamay ng kapatid nya.
"Hands off sa bestfriend ko" sabi nito.
"But we are bestfriends first!" sabi ni Storm.
"No, that's all in the past now little brother, ayoko ng nakikihati, ayun si Paris ang i bestfriend mo" sabi nito at kinindatan ako.
Siraulo talaga.
Nasa mesa kaming lahat at nasa magkabilang dulo ang padre de pamilya at nasa kanan nila ang mga asawa. Nasa tapat namin ni Celestine si Storm at Paris.
Nag usap ang mga magulang namin regarding business at nagsimula na akong kumain.
"I can't believe na ikakasal na ang panganay ko" sabi ni mommy at nginitian si Paris na humilig naman sa balikat ni Storm.
"Me too, I mean, kahit medyo mabilis ay nakakatuwa pa din, naaalala ko pa dati na lagi akong kinukulit nitong bunso ko kasi he always wanted to marry Dakota"
Nag choke ako sa kinakain ko kaya mabilis na tinapik tapik ni Celestine ang likod ko.
"Mom!" sigaw ni Storm.
"What? Nagsasabi lang ako ng totoo, tingnan mo kakakulit mo, God blessed you to have Paris as your soon to be wife. Same face pa rin naman, different personality lang"
"Are you okay now?" tanong sakin ni Celestine. Tumango tango ako.
"Excuse me po, mag restroom lang ako" sabi ko at tumayo.
Pumasok ako sa loob ng banyo at naghilamos.
I didn't know that Storm wanted me to marry him when we were kids. He is always serious and kinda protective to me noon.
Umiling na lang ako.
Pinapaasa mo na naman ang sarili mo Dakota.
Lumabas na ako ng banyo at saktong nakita ko si Storm na papuntang balcony.
Hindi ko alam pero sumunod ako.
Mabilis akong nagtago sa gilid ng makita kong di sya nag iisa. He is with my sister.
"So you always wanted to marry my sister?" ramdam ko ang pagka irita sa boses ni Paris.
"Babe, ano ba! That was years ago!"
"So it's true? Na gusto mo ngang pakasalan si Dakota, so nagkagusto ka sa kapatid ko?"
"No, ano bang iniisip mo Paris, bata pa kami noon. You know how close we are"
"I know kaya nga may uncertainties ako kasi baka mamaya nakikita mo lang ang kakambal ko sakin kaya ako ang pinili mo"
"Babe, no! Please stop thinking like that. You'll be my wife in a few days. Nagbiro lang si mom"
"Let me just ask you this one question, ano mang magiging sagot mo, I won't take it againsts you. Sabi mo nga close lang kayo and kung nagkagusto ka that was years ago. So let me ask you this, kung sakali bang nagkaroon ka ng guts na mag confess sa kapatid ko at hindi ako umuwi mula amerika, ano sa tingin mo ang nangyari sa inyo?"
"Paris-
"Answer me Dalfon, please!"
"I could've married her, Dakota would've been my bride"
And that's it.
-------------
To be continued