bc

MR. MAYOR

book_age18+
99
FOLLOW
1K
READ
billionaire
family
drama
twisted
bxg
city
secrets
virgin
assistant
wild
like
intro-logo
Blurb

MR. MAYOR

|Ysabelle|Landon

Status:Will start updating SOON.

Rated SPG

Landon Montecorpuz, the fourth son of the Montecorpuz family, has been out of the country for almost 3 years now at hanggang ngayon hindi pa rin ito bumabalik. For the perspective of other people, iisipin talaga nila na hindi ito big deal.

Not in my eyes, I know something was off about him. The news about him getting into an accident before was not a secret to us who worked in the media. I'm a journalist and since then, isang napakalaking puzzle ang biglaang pagkawala niya sa bansa.

The rumors about him spread like wildfire in the media community. Lalo pa't isa ang pamilya nila sa pinakamayaman sa bansa kaya mapag-uusapan talaga ang nangyari. But none of us can publish anything that related to them, ganoon sila ka ma-impluwensya.

Pero sabi nga ng mga matatanda "walang sekretong hindi nabubunyag." Nalaman ko na namatay pala ang fiancée niya sa aksidenteng 'yun. His fiancée's identity was hidden, that makes me want to dig more information about him.

I will expose him and the issues he left behind because of his cowardness. Alam kong pader ang kakabanggain ko but there's something pushing me to seek for the truth. And my gut feeling is telling me to find out more, and that's what I'm going to do. Landon Montecorpuz will be exposed soon, I promise that to myself.~Ysabelle

chap-preview
Free preview
MSIFL (SIMULA)
Marahan kong ibinaba ang bintana nitong sinasakyan kong bus pauwi sa Probinsya. Ilang oras na ang nakalipas nang lulan ako nitong bus. May ilang taon na rin simula nang umalis ako sa Probinsya at nakipagsapalaran sa Maynila. Buhay pa ang itay noon at ngayon nga'y tatlong taon na itong namayapa. Masaya ko lang pinagmamasdan ang berdeng-berdeng mga puno papasok sa Bayan ng San Luis kung saan ako lumaki at nag-aral. Habang sakay ako ng bus ay hindi ko maiwasang isipin ang lahat ng pinagdaanan ko sa lugar na ito. Kung paano ako mahal na mahal ng itay ay 'yon nama'y kabaliktaran ng nanay. Lagi-lagi na lang kapag nakikita ako nito ay pinapagalitan ako at pinapalo kahit wala akong ginagawa. Lagi siya galit sa akin at laging pinapamukha na wala akong lugar sa pamilya nila. Minsan nga ay naiisip ko na baka ay ampon lang ako. Madalas ko rin kasing naririnig iyon sa mga kaklase ko noon. Bakit daw naiiba ang anyo ko sa mga kapatid ko? Mestisang-mestisa ang kutis ko habang si Yasmine at Yvette naman na siyang nakakatandang kapatid ko ay mga morena ang balat. Minsan ko na rin 'yon itinanong kay itay. Kung bakit iba ang kulay ng mata ko sa kulay ng mata nila, kung paano sing-puti ng labanos ang balat ko habang moreno at morena silang lahat. Naiiba ako at hindi iyon maitatago sa lahat ng taong nakakakilala sa pamilya namin. "Anak kita, Sabel. Hindi kulay sa balat o kulay man sa mata ang makakapagsabi na hindi ka namin anak ng nanay mo. Sana ay tandaan mo 'yan," naalala kong sabi ni Tatay sa akin noon. Mula noon ay hindi ko na inalala pa ang lahat ng pasaring ng ibang tao sa pagkatao ko. Anak ako ni tatay at anak din ako ni nanay. Wala akong ibang paniniwalaan kung hindi ang naiwang salita ng yumaon kong ama. "Tisay?" Dahan-dahan akong lumingon at napangiti ako nang makita ko ang isa sa mga kaklase ko sa highschool dati na si Manuel. "Manuel!" galak kong tawag pangalan nito. Halos magkababata na rin kami ng lalaki. Mag-kapitbahay lang kami at lagi-laging sabay kaming pumasok. Nawalan na ako ng balita sa lalaki noong nagsimula akong mag-aral sa kolehiyo. Hindi na kasi ito pumasok at ilang taon lang ang lumipas ay nalaman kong nag-asawa na pala ang lalaki. "Grabe! Ang laki ng pinagbago mo," puri nito sa akin. Nasa terminal na kami sa bayan. Kailangan kong bumaba rito upang sumakay ng tricycle papunta sa lugar namin. Sa may kalayuan nga ay nakahilera ang maraming tricycle papasok sa Barangay Maginhawa kung saan talaga ang bahay namin. "Hindi naman," sagot ko sa lalaki. Nang tingnan ko ang mukha nito ay malaki rin talaga ang pinagbago ng mukha ng lalaki. Mas naging matured ang mukha at may balbas na ito. Halata ang puyat sa mata at medyo umitim. "Naghahanap ka ba ng tricycle pauwi?" nakangiting tanong ni Manuel sa akin. "Sa akin ka na sumakay, hatid na kita." Agad namang nagningning ang mga ko. Nasiyahan talaga ako nang nalaman ko na pumapasada pala ang lalaki. Hindi ko na kailangan maglakad papunta sa paradahan. Mas mainam na rin na kakilala ko ang sasakyan kong tricycle. Masyadong naninibago pa ako dahil ito ang unang beses na uuwi ako sa tatlong taong pamamalagi ko sa Maynila. Nang makasakay ako ay hindi na naputol ang pagkukuwentuhan namin. Binalikan namin ang mga alaala no'ng nasa high school pa kami at tawa lang ako nang tawa kapag naaalala ko ang pinagsasabi nito. "Muntik na talaga kitang hindi mamukhaan, Tisay," sabi nito habang kanina pa pasulyap-sulyap sa mukha ko. Naiilang ako sa ginagawa nito pero naisip ko na lang na baka ay naninibago talaga si Manuel sa akin. Ilang taon din akong nawala at kahit sino naman ay maninibago talaga kapag nakita mo ang isa mong kakilala na matagal mo nang hindi nakikita. Naninibago ang tao at normal 'yon. Naging palayaw ko ang pangalang Tisay dahil siguro sa tisay kong kutis. Sa trabaho ko naman sa Maynila ay Sabel ang tawag sa akin ng mga kasamahan ko na hango sa totoo kong pangalan na Ysabel. "Nabalitaan kong nag-asawa ka na raw at may anak na?" pag-iiba ko sa usapan namin. "Hiwalay na, matagal na." "Pasensya na, hindi ko alam," panghihingi ko ng paumanhin dito. Naisip ko kasi na baka ay hindi pa nakaka-move on si Manuel at baka masyado lang akong mausisa tungkol doon. Ang insensitive ko sa part na 'yon. "Ano ka ba, wala na 'yon. Single and ready to mingle na ako," tila may kahulugan nitong wika sabay ngiti sa gawi ko. "Ikaw ba? Single ka pa ba, Tisay?" tanong pa nito sa akin. Bahagya pa akong napatawa sa tanong nito. Single na single kasi ako. No boyfriend since birth. May nanliligaw pero agad ko ring binabasted. Ewan ko ba sa sarili ko. Hindi ko maunawaan kung anong problema. Masyado bang mataas ang standard ko o talagang hindi pa ako ready sumugal sa pagmamahal? "Since birth," patawa-tawang sagot ko. Natigil ang pag-uusap namin nang matanaw ko na ang gate ng bahay namin. Nakaramdam ako ng pananabik nang matanaw ko ang tarangkahan ng bahay kaya hindi ko na narinig pa ang ibang sinabi ni Manuel sa akin. "Nandito na tayo," ani ni Manuel. Tinulungan ako nito sa mga bagahe ko upang ibaba sa tricycle nito. Dumukot ako ng isang 500 peso bill sa pitaka ko at inabot iyon kay Manuel. Nagulat pa ang lalaki sa perang inabot ko at agad itong tumanggi. "Huwag na, Tisay. Libre ko na 'yon," tanggi ni Manuel na siyang hindi ko sinang-ayunan. Ang mahal ng gas ngayon tapos libre lang? Kahit naman magkakilala kami ay hindi ako mag-ta-take advantage. "Ano ka ba Manuel. Huwag mo ng tanggihan," sabi ko sabay lagay ko sa pera sa kamay nito. Tinanggap iyon ng lalaki kaya napanatag ang kalooban ko. Papasol na sana ako sa gate ng bahay nang magsalita ito. "Nga pala, Tisay. 'Yong sinabi ko kanina?" ani nito. Naguluhan ako kaya napatigil ako sa paglalakad upang harapin ulit ang lalaki na hindi pa rin umaalis. May sinabi ba siya kanina? Hindi ko alam kung anong sinabi nito. Okupado kasi ng ibang bagay ang isip ko. "Pasensya ka na Manuel ha? Hindi ko kasi narinig kung ano man ang sinabi mo sa akin kanina." Nagkamot pa ng ulo ang lalaki atsaka napayuko ito na para bang nahihiya siya. "Ano nga ulit 'yon?" tanong ko. "Puwede bang umakyat ng li–" Hindi nito natuloy ang siyang sasabihin sana nito nang sabay kaming makarinig ng tikhim sa likuran ko. "Nay!" bati ko sa babaeng kalalabas lang sa pinto ng bahay. Tumaas ang kilay nito nang masiplatan ang mukha ko. Kaagad ako nangilag dahil sa pagtaas ng kilay nito. Dati-rati naman ay sanay ako na laging ganito ang salubong niyang bati sa akin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga ako sanay. "May plano ka bang dito magpaligaw sa labas?" walang emosyon na tanong nito sa akin. "Mahiya ka naman. Pamilyadong tao iyang si Manuel," dagdag nitong sabi. Bigla akong nakaramdam ng hiya dahil sa sinabi nito. Mali ang iniisip niya. Hinatid lang ako ng lalaki at wala ng iba pa. Hinusgahan niya na ako kaagad kahit hindi niya pa alam ang buong kuwento na siyang lagi nitong ginagawa sa akin noon pa man. "Kakauwi mo lang at kumekerengkeng ka na kaagad. Iyan ba ang natutunan mo sa pamamalagi mo sa Maynila?" sunod-sunod na tanong nito sa akin. "Nagkakamali ho kay–" sabat ni Manuel na siyang agad namang pinutol ng Inay. "At ikaw lalaki! Hala uwi!" sigaw nito kay Manuel. Nakatungo akong pumasok sa tarangkahan ng bahay. Bitbit ko ang mga pasalubong para sa kan'ya at sa mga nakatatandang kapatid ko. "Kakauwi mo pa lang at inuuna mo na agad 'yang kati mo," harap-harapang sabi nito sa akin. Nawalan ako ng boses na ipagtanggol ang sarili ko. Katulad ng dati, tanging pananahimik lang ang nagagawa ko kahit sobrang sakit na ng puso ko. "Nay, h-hindi naman h-ho," utal-utal kong sagot. Hindi nito pinakinggan ang eksplinasyon ko at iniwan ako sa labas. Napabuntong-hininga na lamang ako. Akala ko ay may nag-iba na sa pagtrato nito sa akin dahil sa ilang taon din akong nawalay sa kan'ya ngunit mali pala ako ng akala. Laglag ang balikat na pumasok ako sa loob. Unang bumungad sa akin ang litrato ng tatay na may kandila. Death anniversary ni tatay ngayon kaya umuwi ako. Saglit kong tinitigan ang litrato nito. Kung sana ay buhay pa siya ngayon ay sana may kakampi pa ako. "Akala ko hindi ka na naman uuwi, Sabel," si Yvette. "Akala ko nga kinalimutan mo nang may pamilya ka rito sa San Luis. Kinakahiya mo ba kami?" nakataas kilay nitong tanong sa akin. "Balita ko nga ay bigshot na 'to si Ysabel, Yvette," ani naman ni Yasmine. Magkakambal ang dalawa. Matanda lang sila ng isang taon sa akin at may trabaho rin ang dalawa sa Bayan. Balita ko ay bank teller ang dalawa sa isang bangko na nasa Bayan. Noon pa man gaya ng Inay ay magaspang din ang pakikitungo sa akin ng kambal. Kung tratuhin nila ako ay parang hindi nila ako kapatid. Ilang minuto rin ang tinagal no'ng panghaharang ng dalawa sa akin. Nang matapos sila sa pang-iinsulto nila ay umakyat na ako sa itaas kung nasaan ang kwarto ko. "Hoy? Saan ka pupunta?" tawag ni Yvette sa akin. "Sa kwarto mo ba? Wala ka ng kwarto. Ginawa na naming mini gym ang kuwarto mo. Balik ka rito sa ibaba, nasa isang kuwarto sa ibaba lahat ng gamit mo," sabi pa nito. "Bakit niyo naman pinakialaman ang kuwarto ko ate. Kuwarto ko 'yon eh," naiiritang tugon ko kay Yvette. "Pakialam mo ba? Bakit? May angal ka?" sagot din nito. "Anong nangyayari rito?" Sabay kaming natahimik ni Yvette nang lumabas ang Inay galing sa kuwarto nito. "Si Ysabel, ma! Nagrereklamo at mukhang galit pa dahil nilapit natin 'yong gamit niya sa ibaba," pagsusumbong ni Yvette. "Ate, h-hindi naman ako g-gal–" "Ikaw talagang inggrata ka! Wala ka na lang talagang ibang ginawa kung hindi ang magreklamo at magpabigat sa pamilyang ito! Kung ayaw mo sa kuwartong nasa baba ay hala umalis ka at maghanap ka ng ibang tutulugan! Ang dami mong arte sa katawan," saad nito. Pikit-mata kong tinanggap lahat ang sinabi nito. Pinigilan ko ang sariling sagutin ang binabato nitong masasakit na salita sa akin. Kinagat ko ang sarili kong labi para lang makapagpigil ako. "Sige po, Nay," tanging nasabi ko na lamang. Wala na akong magagawa pa kung nilipat na nila ang lahat ng gamit ko. Maliit lang ang kuwarto sa ibaba. Dating tulugan iyon ng mga katulong namin sa bahay. May kaya naman kasi ang pamilya ko. Dating sundalo sa Hungary ang itay kaya may naipundar kami kahit papaano. "Sige lang, Sabel. Hindi ka na nasanay sa kanila," wika ko sa aking isipan. Hanggang sa makapasok ako sa kuwarto na nasa ibaba ay napailing na lang ako. Nakatambak lang at wala sa ayos lahat ng gamit ko na tila ba wala silang pakialam kung nasa ayos ba o wala. Nang masirado ko ang pinto ay hindi ko maiwasan ang mapaluha. Dapat sanay na ako eh. Dapat sanay na sanay na dapat pero bakit masakit pa rin talaga?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
39.3K
bc

The Sex Web

read
134.4K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.5K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.9K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
35.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook