Chapter 15: Beast in Performance “May halimaw! May halimaw sa likuran mo!” sigaw ng lalaki na nakakita kung paano romansahin ng isang maligno si Tasha. Nagtatarang sa pagtakbo ang lalaki papalayo sa ancestral house ng mga Braba. Halos magkandapa-dapa pa ito sa paglayas. Nagpakawala ng isang malakas na pagkulog ang kalikasan kahit wala namang banta ng bagyo. Lalo pang natakot ang lalaki at nagtumulin sa pagtakbo. Naudlot tuloy ang foreplay nila Tasha at Benjo sa hardin. Pupulutin na sana ni Tasha ang saplot na hinubad sa kanya ni Benjo pero pinigilan siya nito. “Benj! Si Dan ‘yon! Kailangan ko siyang sundan kundi ipagkakalat niya na nakikipag-sèx ako sa isang lamang-lupa! Oh jeez! Ano na mangyayari sa buhay ko niyan?” natatarantang sigaw ni Tasha. Gusto niya sundan ang dati niyang no