Chapter 10- Gapang Hindi makapaniwala si Tasha sa mga binunyag ni Rex. Kaya pala ‘Benjo’ ang pangalan na lagi niyang sinasambit sa tuwing ginagapang siya nito sa panaginip. Dahil ito pala talaga ay si Benjo Karudo. Kaya pala kahit kailan ay hindi pa niya ito nakikita sa personal dahil isa pala itong engkanto. “Oh wait!” bulalas ni Tasha nang mapagtanto niyang isang engkanto ang nakababatang kapatid ni Rex. Wala pang sinasabi si Tasha pero tumango ng tipid si Rex tila alam na nito ang gusto niyang sabihin. “Yes, Mr. Vester Karudo is the fairy king. Si Benjo naman ang fairy prince—” Biglang napahalakhak si Tasha. “Oh really, Rex? Ano kayo, kamag-anak ni Tinkerbel?” natahimik si Tasha nang walang reaksyon ang mukha ni Rex. Seryoso ito at hindi nakikipag-biruan. “I’m sorry, my bad. No on