Chapter 4- Dirty Talk
“What if… Tasha, paano kung ako talaga ‘yung lalaking nasa panaginip mo?”
Nanlaki ang mga mata ni Tasha sa sinabi ni Rex.
Napahiyaw sa gulat si Tasha nang biglang bumukas ang pinto at ilaw.
“What’s happening?” tanong ni Stella, ang mommy ni Tasha, kasama ang asawang si Marcel. Bakas sa mukha nila ang pag-aalala nang marinig ang nabasag na salamin.
“Mom! Dad!” sigaw ni Tasha at tinago ang sarili sa likod ni Rex. Nahihiya siya sa tagpong nadatnan ng kanyang mga magulang. Sanay naman silang makita siya sa ganyang ayos pero ang kasama si Rex na naka topless ay nakakahiya talaga.
“We’re both okay, Tita, Tito,” magalang na sagot ni Rex. Sabay suot ng shirt. Dinampot na rin ang long sleeves na nasa sahig. Pati ang silk robe ni Tasha ay kinuha nito sa sabitan at isinuot sa dalagang naka nightie lang.
“Mauna na po ako.”
“Ok hijo. Ingat sa daan at gabi na,” sabi ni Stella.
Nagtataka si Tasha kung bakit hindi man lang niya nakitaan ng galit ang mga magulang kay Rex. Samantalang sobrang higpit nila. Halata naman sa itsura nila na may ginawa silang kababalaghan.
Nagpaalam na si Rex. Naiwan sila Tasha na naglilinis ng mga nabasag na salamin.
“Si Mane na ang bahala r’yan anak, baka masugatan ka. Matulog ka na,” sabi ni Stella at sinunod naman ni Tasha.
“Mom, Dad, pwede po bang ilabas niyo na yung cabinet na ‘yan? It’s scaring the freaking shìt out of me.”
“Watch your words, young lady,”saway ni Marcel. Kung malalaman lang nito ang mga bulgar at mahahalay na pinagsasabi ni Rex kanina. Lalo na ang mga napapaginipan ni Tasha, paniguradong manggagalaiti sila sa galit. “By the way, hindi pwedeng ilipat ang cabinet na ‘yan,” iyon lang ang sagot nito. At pag sinabi ni Marcel ay final na. Wala ng makaka bali.
~~~~~~~~
Iniwan lang ni Tasha na bukas ang ilaw at nag talukbong na lang ng kumot dahil nakakatindig-balahibo na ang mga kaganapan sa kwarto niya. Malamig ang simoy ng hangin na malayang pumapasok sa basag na bintana ng kwarto niya.
Hindi na niya tinanggal ang silk robe na sinuot sa kanya ni Rex. Matagal din siyang dapuan ng antok gawa ng nangyari kanina at sa mga sinabi ni Rex. May kababalaghan talagang nagaganap sa buhay niya. Noong bata pa lang siya, nakakaramdam na siya ng mga nakakatindig-balahibong bagay. Parang may matang laging nakamasid sa kanya. Simula nang nagka boyfriend siya noong labing-limang taon siya ay dito na tumindi ang pagpaparamdam ng nilalang sa kanyang panaginip. Noong una ay sa panaginip lang ito lumalabas, kinalaunan, sa antigong salamin na ito marahas na nagpaparamdam. Pati sa salamin ni Rex sa condo nito ay sinusindan na rin siya. Hindi na normal ang nararamdaman niya, baka kailangan na niyang sabihin ito sa mga magulang niya. Maybe she has this sleeping disorder and she needs to seek for a professional help. Payagan kaya siya na magpa tingin sa psychologist?
Ang dami ng pumasok sa isipan niya hanggang sa napagod na lang siya sa kaka-isip kaya siya ay nakatulog. Muli, gaya ng lagi, nagparamdam na naman ang malamig na anino sa kanyang panaginip. Hindi naman siya maka-galaw. Perhaps, it’s what they called sleep paralysis.
Niyakap siya nito patalikod. Ibinaba ang kanyang panty at nagsimulang ilikot ang daliri sa kanyang hiyas. “Sabi ko, akin ka lang Tasha. Akin lang ang puso mo, akin lang ang lahat sa’yo,” bulong ng malamig na anino.
Tumindig ang kanyang balahibo dahil sa kakaibang boses nito. Dati ay nagpaparamdam lang at kakaunti ang mga sinasabi, ngayon ay nagiging agresibo na at marami ng salita ang sinasabi ng anino sa kanyang panaginip.
Pilit niyang tinanggal ang pagkakayakap sa kanya ng anino pero masyado itong malakas. Lalong nang gigigil sa kanya at tumitindi ang pagnanasa nito sa kanya. Napag-buno sila ngunit hindi talaga kaya ni Tasha ang malakas na anino. Napaibabawan siya nito at idiniin ang kanyang magkabilang pulsuhan sa kama sa bandang ulunan niya at kinulong ang mga binti niya sa pagitan ng mga hita nito.
“Get off me, you freaking creature! Sino ka ba?” hiyaw ni Tasha habang nagpupumiglas sa kapit nito.
“Sabi mo, mahal mo ang lalaking nasa panaginip mo? Mahal mo ‘ko?”
Napatigil si Tasha. Iyon nga ang sinabi niya kay Rex. “Paano kita mamahalin kung hindi naman kita nakikita? Sinabi ko lang ‘yon para tigilan na ako ni Rex.”
“Gusto mo ba akong makita?” bulong ng anino sa tonong nang-aakit. Sabay halik sa kanyang leeg. Hindi na napigilan ni Tasha ang anino sa masarap na ginagawa nito. Mas passionate ang halik ng nilalang na ito kaysa kay Rex. “Gusto kitang makita. Gustong-gusto. Paano ba? Ha oooh—”
“Iwasan mo si Rex. Manatili ka rito sa iyong silid kahit dalawang araw lamang.”
“Hin-hindi pwede—”
Naging madiin ang pagkapit ng anino sa kanyang pulsuhan at naging mainit na ang buong katawan at halik nito. Ramdam niya ang gigil nito sa kanya. Masakit na masarap. Nakakabaliw. Hindi kaya ay binabangungot na siya? Kung ganoon ay kailangan niyang kumawala na sa kanyang panaginip para siya ay magising. Pero paano? Kung nalulunod na siya sa agresibong anino na ito…
“Oo na! Iiwasan ko na si Rex!”
Bigla na lang napabalikwas si Tasha at hingal kabayo na naman ang kanyang pag hinga. Tagaktak ang pawis. Muli na naman siyang nakatakas sa masamang panaginip. Hanggang kailan ba siya makakaranas ng ganito?
Baka kailangan niya na talaga magpatingin sa doktor. Muli siyang humiga at nag talukbong ng kumot. Pipilitin niyang matulog at bukas ay pupunta siya sa isang psychologist. Nagtuloy tuloy na ang kanyang mahimbing na pag tulog. Sa sobrang himbing ay tanghali na siya nagising. Hindi tumunog ang alarm ng cellphone niya. Ni hindi man lang siya ginising ng mommy niya.
First time niyang umabsent sa school at trabaho. “Mom, why you didn’t wake me up? It’s already ten!” sabi ni Tasha nang pababa siya ng hagdan para mag almusal.
“Para kasing puyat na puyat at pagod na pagod ka, sweetheart, nang pinuntahan kita sa room mo kanina. Kaya hinayaan na lang kita.”
“Yes Mom. I’m always having a nightmare. Dahil siguro sa freaking mirror na ‘yon. Mom, can you please tanggalin niyo na ‘yon sa room ko? I can’t stand seeing that mirror. It’s so creepy. Lalo na at basag ang bintana ko.”
“Ah yeah, pinapunta ko na si Manong Jerry para ayusin yung window mo. Gusto ko rin sana ipaputol ‘yung puno para hindi na maulit na humampas sa bintana mo pero sabi ng mga matatanda alam mo na, bawal magputol ng matanda nang puno kasi nga may mga nakatirang—”
“Mom, stop it please!” binaba ni Tasha ang hawak na tinidor at tinakpan ang magkabilang tenga ng kanyang mga palad. “Those are just old maids’ stupid superstitions. Stop believing in them!” hiyaw ni Tasha habang nakapit at takip ang mga tenga.
“I’m sorry, sweetheart. Are you all right? Hindi na ako magsasalita anything about pamahiin.”
Napahugot ng malalim na pag hinga si Tasha bago maayos ang sarili. “Mom, can you go with me sa psychologist?”
“Oh what? Hindi ka baliw anak. May mga bagay lang talaga na hindi natin maunawaan sa mundo. It’s still a mystery—”
“Mom, hindi porke magpapatingin sa psychologist ay baliw na. I’m just having a hard time sleeping.”
“All right, sweetheart. Sasamahan kita kaya bilisan mo na kumain d’yan.”
~~~~~~~~~~~~~~
Tanghali na nang nakarating si Tasha at ang mommy niya sa clinic ng isang psychologist, dalawang oras din ang inilagi nila para sa check-up. Maraming pinaliwanag ang psychologist tungkol sa mga nararanasan ni Tasha. Niresetahan siya ng sleeping pills dahil nakitaan siya ng sintomas ng sleeping disorder.
Gabi na nang nakauwi sila ng bahay. Nadatnan nila na naroon si Rex, may dalang bungkos ng red roses at tsokolate.
“Nanlligaw ka na ba, hijo? O naliligaw?” tanong ni Marcel sa binatang naka-upo sa sala at maginoong tumayo pa para siya ay batiin.
“It took me a lot of courage, Tito. Yes, nanliligaw po. I want to pursue your unica hija.”
Kapwa hindi makapaniwala ang mga magulang ni Tasha sa sinabi ni Rex. Napa-hingang malalim na lang si Tasya dahil iniiwasan na niya ang binata pero bakit ngayon pa naisipan na umakyat ng ligaw.
“Alam ba ng parents mo? Ng ano mo—”
“Yes po.”
“Of course, honey. They know,” sabat ni Marcel.
“Buti ano… buti pumayag?” tanong ni Stella.
“Of course not, Stella. Bakit sila papayag? Lalo na si—”
“Yes po, Tito,” sabat naman ni Rex. Naiirita na si Tasha sa usapan nila na palagi na lang hindi tinatapos ang sasabihin tila may usapan sila na sila-sila lang din ang nagkaka-unawaan. “Of course Tito, hindi siya payag. Pero anong magagawa niya kung mahal ko ang anak niyo?”
Namula ang buong mukha ni Tasha nang sinabi ‘yon ni Rex sa harap pa mismo ng mga magulang niya.
“Ok. Bahala na kayo,” sabi ni Marcel na parang wala na siyang magagawa pa.
“So, good night na. Mauna na kami sa kwarto, hijo. Maaga pa si Marcel sa office.”
Isang tipid na ngiti at yuko ang tugon ni Rex. Hinintay muna ni Tasha na maka-akyat ang parents niya bago harapin si Rex.
“Rex, what’s this?”
“Hindi mo ba kami narinig kanina? Nanliligaw ako.”
“I’m sorry, I’m too young to be in a serious relationship,” sabi ni Tasha at tinalikuran na si Rex pero hinablot nito ang kanyang braso. “Rex! Pagod na ako, umuwi ka na!”
“Too young? Kaya ba nakikipag oral sèx ka sa mga ex mo?”
Biglang tinakpan ni Tasha ang bibig ni Rex. “Rex! Shut the fùck up! Marinig ka nila Dad!”
Agad din hinawi ni Rex ang kamay ni Tasha na tumatakip sa kanyang bibig. “Too embarrassed to your parents? Pero sa sarili mo hindi ka nahihiya? Sùcking a bàstard’s dìck at a young age?”
Nakatikim ng sampal si Rex. Hindi makapaniwala si Tasha na makikipag-usap ng ganito si Rex sa kanya. Nauunawaan niya ang mga dirty talk nito kahapon at nung isang araw dahil nadala lang ng init. Pero ang makipag-usap ito sa ganitong paraan ay hindi katanggap-tanggap.
“How did you know? Are you stalking me? Mas nakakatakot ka pa sa bangungot ko.”
“I’m sorry.” Nahimasmasan na si Rex at naging malumanay na makipag-usap. “Tawag kasi nang tawag yung ex mo. Hinalungkat ko yung cellphone mo at nabasa ko mga chats niyo.”
Huminga ng malalim si Tasha para kalmahin ang sarili. May sasabihin pa sana siya pero inunahan na siya ni Rex. Inilagay nito ang hawak na bouquet of red roses sa kanyang kamay. “Tasha, alam mo kung gaano kita katagal hinintay. Tiniis ko lahat ng selos sa tuwing palihim kang nakikipag kita sa mga ex mo. Hinintay kita at patuloy na hinihintay hanggang tumuntong ka sa tamang edad. Pero sa nakikita ko sa nangyayari sa’yo, hindi ko na kayang panoorin ka. Tasha, sagutin mo na ako. I promise that I will protect you and love you with all my heart.”
Paano hihindian ni Tasha ang sinserong hayag ni Rex? Ang matiim nitong mga titig na nakakatunaw at nakakapanlambot ng tuhod. Si Rex ay isang husband material, hindi lang siya pang boyfriend. “Rex, please, give me enough time. Hindi naman gano’n kadali na bigla na lang kitang tanggapin. Alam mong kuya lang ang tingin ko sa’yo.”
Si Rex naman ang napabuntong-hininga. “Aright, hindi kita pipilitin. Handa akong maghintay pa hanggang maging handa ka na, Tash.”
Nagpaalam na si Rex na uuwi na at umakyat na si Tasha sa kanyang silid. Mabuti at maayos na ang bintana pero ang salamin ay nananatiling may madilim na awra. Inilapag niya ang mga pulang rosas sa side table matapos amoy-amuyin. Kahit sinong babae naman ay kikiligin kapag nakakatanggap ng bouquet of flowers galing sa isang boyfriend material.
Pipilitin niyang huwag pansinin ang salamin at mag focus na lang sa masayang bagay. Tulad ng lagi niyang ginagawa, nagsho-shower siya bago matulog at bago matulog ay nakasanayan na niya ang mamili ng nightie at titigan ang sarili sa salamin. Sa pagkakataong iyon, isang simpleng pajama na balot na balot ang katawan niya ang napili niyang isuot na pantulog at hindi na nag abala pang titigan ang salamin.
Uminom siya ng sleeping pills para mabilis makatulog. Saglit pa lang na naka pikit ang mga mata niya ay muli na namang may dumamping malamig na hangin sa kanyang balat. Kilala niya na kung sino o ano ito. Unti-unti nang pumulupot ang bisig nito sa kanyang bewang habang siyang nakatagilid.
“Sinunod kita. Iniwasan ko na si Rex.”
“Bakit mo tinanggap ‘yung mga rosas niya? Mabango ba? Gusto mo ba ng gano’n?”
Ilang beses nang naririnig ni Tasha ang out of this world na tinig ng nilalang na ‘yon kaya kahit nakaka-kilabot ay hindi na siya natakot sa pagkakataong ito. Nakipag-usap siya gaya ng normal na tao lang.
“Gusto kitang makita,” sabi ni Tasha. Sabay pisil sa kamay ng aninong nakayapos sa kanya.
“Bukas ng gabi, bago mag alas sais, magsindi ka ng puting kandila. Sa tapat ng salamin, tumitig ka sa iyong mga mata. At ako ay iyo nang masisilayan.”
TO BE CONTINUED…
Thank you for reading, commenting, gifting moontickets, and patiently waiting for the updates. rest assured t'will be daily.