Chapter 2 : Ang paghahanap ng mapapangasawa ni Boris
Boris' POV
Nasa juice factory ako nang puntahan ako nila Draven at Kennedy.
“Let’s go?” aya ni Draven.
“Saan naman tayo pupunta?” tanong ko habang hinuhubad ang net sa buhok ko. Nag-check kasi ako ng mga machine namin. Mabuti na lang at walang sira ngayong araw. Nitong mga nagdaang araw kasi ay madalas may sirang machine kay nagkakaroon ng delay ang pagsusuplay namin ng mga manggo juice sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.
“Matanda ka na ba at makakalimutin ka na agad? Hindi ba’t naghahanap ka ng magiging girlfriend mo?” sagot ni Kennedy na iiling-iling sa akin. Nahiya ako bigla dahil narinig ng ilang tauhan ko ang sinabi nila kaya hinila ko sila ka agad palabas sa factory ko.
Pagdating namin sa parking area ay isa-isa ko silang pinagtatadyakan sa tuhod nang mahina.
“Mga bundol talaga kayo! Nakakahiya sa mga tauhan ko, narinig nila tuloy ang mga pinagsasabi ninyo,” sabi ko at saka nila ako tinawanan.
“Arte mo! Naghahanap ka naman talaga ‘di ba? Nag-absent na nga kami sa mga work namin para tulungan ka, ikaw pa ang galit,” sagot ni Kennedy na umiirap. Para talaga siyang bakla kapag gumaganoon. Gawain niya iyon kapag inaasar ako. Sa amin lang siya ganiyan. Kapag may ibang tao na kaming kasama ay akala mo kung sinong matino dahil sobrang seryoso niya.
“Teka, hindi na girlfriend ang hahanapin natin. Higit pa roon ang kailangan ko na ngayon,” sabi ko kaya napakunot ang mga noo nila. Kahit ako ay nahihiya ring magsabi sa kanila pero sa tingin ko ay sila rin naman ang makakatulong sa akin kaya tatanggapin ko na lang ang pang-aasar nila dahil sanay naman na ako.
“Anong ibig mong sabihin?” nalilitong tanong ni Draven.
“Kailangan kong maghanap ng babaeng pakakasalanan,” sabi ko at saka ako pumikit. Sigurado kasi akong tatawa ang mga ‘yan.
Hindi nga ako nagkamali dahil pagkaraan lang ng ilang segundo ay nag-ihit na sila sa katatawa roon.
“Pare, seryoso ba?” tanong pa ulit ni Kennedy na namumula ang mukha dahil sa kakatawa.
“Oo nga, seryoso ba ‘yan? Parang feeling ko e, nanti-trip ka na lang e," sabi naman ni Draven.
“Tama na nga!” sigaw ko sa kanila kaya natigil na sila sa pagtawa. Naging seryoso na sila nang makita nilang inis na ang mukha ko. Kapwa pa silang nagpunas ng luha dahil sa kakatawa.
“Mukhang seryoso ka nga,” sabi ni Kennedy at saka tinapik ang balikat ni Draven.
Naglakad ako papunta sa sasakyan ko. Sumunod naman sila sa akin. Nang pumasok ako sa sasakyan ko ay pumasok na rin sila roon.
“Ano ba ang dahilan at biglaan naman ata ang paghahanap mo ng mapapangasawa. Parang hindi naman ata madali ang hinahanap mo. Girlfriend nga ay mukhang mahirap na para sa iyo, mapapangasawa pa kaya?” Ayaw pa rin tumigil ni Kennedy sa pang-aasar. Kung hindi ko lang ito matalik na kaibigan ay baka naupakan ko na ito.
“Alam ko, pero, fake wedding lang naman ang magaganap. Mahina na si Lolo Tobin. Humiling siya sa akin na sana raw ay bago siya mabura sa mundong ito ay makita manlang niyang ikasal ako sa isang magandang binibini. Napagplanuhan na namin ito ng mga magulang ko. Maghahanap na lang ako ng babae na babayaran para magpanggap ng asawa ko sa mata ng lolo ko.”
Dahil sa sinabi ko ay natahimik naman sila ka agad. Ngayon ay mukhang magiging seryoso na ang usapan.
“Sorry, seryoso nga pala ang dahilan kung bakit biglaan ang paghahanap mo ng mapapangasawa. Sorry, brother, kung natawanan ka namin kanina,” seryosong sabi ni Kennedy.
“Ayos lang ‘yon. Sanay na ako sa inyo. Ngayon, tulungan ninyo na lang ako kung paano ako makakahanap ng babae na magpapanggap na asawa ko,” sabi ko sa kanila.
“Sure, basta bigyan mo kami ng libreng one year supply ng mango juice mo, ha?” patawa pa ni Draven kaya napangisi na lang ako.
“Iyon lang ba? Sure, kahit forever pa,” sagot ko kaya nagtawanan kami.
Inaya nila akong pumunta sa Yummy Bar. Ito ‘yung madalas naming puntahan kapag gusto naming mag-chill.
“Teka, ang aga naman ata nating pumunta rito?” tanong ko sa kanila habang papasok na kami roon. Nainis pa ako dahil akala ko ay seryoso na talaga sila.
“Okay lang ‘yan, dito na kasi tayo hahanap ng babaeng mapapangasawa mo,” sagot ni Draven at saka umakbay sa akin.
“Tama, mag-uumpisa na tayong maghanap ng babae mo kaya mag-ready ka na,” sabi naman ni Kennedy. Pagpasok namin sa loob ay nagulat pa kami dahil walang katao-tao roon. Sinalubong naman kami roon ng isang lalaki na may hawak na paint brush.
“Sarado po ngayon ang Yummy Bar, mga kuya, binabago po kasi ang pintura sa loob,” sabi nito sa amin kaya nalaglag ang mga panga namin.
“Bakit sarado?” tanong ko pa. Puwede naman kasing buksan kahit nagpipintura. Sa panahon ngayon ay wala na kasing amoy ang mga pintura.
“Namatay na po ang may-ari nito. May bago na pong hahawak sa bar na ‘to na ngayong ay papangalanan ng Red Bar,” sagot na lalaking paintor kaya lalo kaming nagulat.
Dahil doon ay naudlot tuloy ang lakad namin. Tumuloy na lang tuloy kami sa mall para mag-food-trip na lang. Sumama na lang ako sa kanila kahit ayaw ko. Nakakahiya kasi dahil nag-absent pa naman sila para tulungan ako. Pumasok kami sa bilihan ng mga sapatos. Nakakabanas dahil nasayang ang araw ko dahil sinamahan ko lang silang mag-shopping. Dahil marami akong shoes sa bahay ay humiwalay na muna ako sa kanila. Pumunta ako sa bilihan ng singsing. Ito ay para sa paghahanda ko na rin sakaling makahanap na ako ng mapapangasawa. Peke maniyon ay ayoko namang peke rin ang singsing na gagamitin namin.
“Good day po, sir!” bati sa aking ng isang sales lady doon. Kapag pumapasok ako s isang shop. Hindi ako ngumingiti o nagpapakita na mabait ako para hindi nila ako umpisahan na surahin. Pinapakita ko na mukha akong masungit para kahit pa paano ay katakutan nila ako.
“Mayroon ba kayong ritong wedding rings?” tanong ko.
“Yes, mayroon po,” sagot ng sales lady at saka niya ako dinala sa mga singsing na pangkasal. Nang tignan ko sa salaming estante ang mga rings ay unang pumukay sa akin ang couple rings doon na may design na manggo. Weird man, pero iyon ang pinili kong bilhin dahil iyon ang nagpayaman sa pamilya namin.
Nagbayad ako ng 50k sa counter. Para sa akin ay mura pa iyon dahil gandang-ganda talaga ako sa mga singsing na napili ko. Sana lang ay magustuhan ito ng mapapangasawa ko.
Palabas na ako sa shop na iyon nang bigla kong masunggo ang isang babae na tila nagmamadaling maglakad. Nabuwal siya sahig, pero agad naman itong tumayo.
“Sorry!” sabay naming sabi sa isa't isa. Pagka-sorry niya ay agad siyang tingin sa likuran niya. Bakas ang takot sa mukha nito. Para bang may humahabol sa kanya na pinagtataguan niya. Dali-dali kasi siyang naglakad nang mabilis habang patingin-tingin sa likuran niya.
“Hey! Nariyan ka lang pala!” sabi ni Draven na biglang sulpot sa likod ko.
“Kanina ka pa namin hinahanap. Akala namin ay umuwi ka na,” sabi naman ni Kennedy.
Nawala na sa paningin ko ang babaeng iyon pagdating sa tabi ko nila Draven at Kennedy.
“P-parang may mali sa babaeng nasunggo ko. Parang may kinakatakutan siya dahil nagmamadalii itong maglakad,” sabi ko sa kanila.
Habang nakatingin ako sa gawi nang pinagdaanan nung babae ay biglang may sumulpot na lalaking nagmamadali ring maglakad patungo sa dinaanan ng babae.
“Sinong babae ba? Naghahanap ka na ba? May napili ka na bang mapapangasawa?” tanong ni Kennedy pero hindi ko siya pinansin ko. Sinundan ko ang nagmamadaling lalaki. Kahit mataba ako ay pinilit kong mapabilis ang lakad ko dahil pakiramdam ko ay nasa panganib ang buhay ng babaeng nasunggo ko kanina.
“Hoy! Saan ka ba pupunta? Sino bang babae ang tinutukoy mo?” patuloy na pagtatanong ni Draven habang sumusunod din sa akin.
“Basta, mukhang may mali e,” sagot ko.
Hinihingal na ako kakasunod sa lalaking iyon. Nakarating kami hanggang sa parking lot ng mall. Nang wala nang masyadong tao roon ay medyo chill na lang kami sa pagsunod sa kanya para hindi niya mahalatang siya ang pakay namin.
Nang akala niya ay siya na lang ang tao roon ay nakita ko bigla na tumakbo siya nang mabilis. Nanlaki ang mata ko.
“N-nakita niyo ba ‘yon?” pabulong na tanong ni kennedy.
“Ano ‘yon? Tao ba siya?” halos napapamura si Draven dahil kitang-kita ng mga mata namin kung paano ito tumakbo na halos kasing bilis ng kidlat.
Pare-pareho kaming natulala. Sa takot namin ay hindi na kami nag-abalang pang sundan ito dahil baka mapahamak pa kami. Bumalik na lang kami sa loob ng mall para mag-samgyupsal na lang.