Chapter 14 : Fifty thousand Boris POV Palabas na ang kotse ko sa mansyon namin nang biglang humarang sa daanan ang isang babae. Malakas na pagpreno ang nagawa ko dahil muntik ko na siyang masagasaan. Syet! “Ano bang problema mo, Lori?!” Sa inis ko ay nasigawan ko tuloy siya. Nakangiwi ang mukha niya na tila natakot din sa nangyari. Malapit na kasi sa kaniya ang sasakyan. Dalawang hakbang na lang ay talaga namang masasagasaan ko na siya kung hindi agad ako nakapagpreno. Bumaba ako. Tinignan ko pa rin kung ayos lang ba siya. Nang lapitan ko siya ay mukhang okay lang ito. Pero napatingin ako sa tuhod niya. Nanginginig iyon kaya halatang natakot din siya sa nangyari. “S-sorry po,” sabi niya habang hindi makatingin sa akin ng maayos. “Ano bang kailangan mo at narito ka? Kulang pa ba a