Chapter 47 : Potion Boris POV “Ang mga taong iyan ay mga bampirang nasubaybayan ko. Mga bampirang napagaling ko. Mga bampirang nakinig sa akin,” sabi ni Mang Tano. Ibig sabihin ay trabaho na niya talaga ang subaybayan ang taong nagiging bampira. Tila, malakas ang radar niya at nalaman niya agad na magiging bampira ako. “So, sino nga po itong nasa litrato? Sino ang lalaking ito?” tanong ko ulit. Bumukas ang pinto ng kubo kaya sabay kaming napatingin sa isang ale na may bitbit na batang nanginginig. “Mang Tan, tulungan ninyo po ang anak ko. Kagabi pa po siya wala sa sarili. Tila, sinasaniban po siya ng kakaibang espirito,” sabi ng ale na tila nagpa-panic na. “Sige, ihiga mo siya sa papag,” sagot sa kaniya ni Mang Tano. Nang maihiga na nila ito sa pagpag ay hinatak ako ni Mang Tano pal