Chapter 62 : Help me Lori’s POV Hawak-hawak niya ako sa braso habang papasok kami sa condo niya. Kanina, manghang-mangha ako sa laki at ganda ng labas ng building nito. Inaasahan kong maganda rin pagdating sa loob. “Ayos ah. Hindi ka manlang pumapalag o sumisigaw habang hila-hila kita rito. Naiisip ko tuloy na tila ginusto mo ring sumama sa akin,” saad niya habang naglalakad kami sa hallway. Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. “Gusto mo bang sumigaw ako? Sige, sisigaw ako. Ahh—” “Subukan mo nang halikan kita!” putol niya sa pagsisigaw ko. Tumahimik talaga agad ako dahil sa sinabi niya. “Subukan mo akong halikan, sisigaw talaga ako,” pananakot ko naman sa kaniya. Tatawa-tawa na lang siya. Hanggang sa makarating na kami sa loob ng condo niya. Tahimik ako at walang kibo nang maupo s