Chapter 36 : Sino ang salarin? Boris POV “Putangina, si Draven ba ‘yan?!” tanong ni Andrich na nakita kong nanginig din agad sa takot. Hindi ako nakasagot sa kaniya dahil hindi rin ako makapaniwala sa nakita ko. Halos walang lumalabas sa kotse dahil sa takot na baka kapag lumabas kami ay may kung anong nilalang ang biglang ding sumugod sa amin. Mayamaya ay tumatakbo na palapit sa amin ang isang security guard namin kaya nagkaroon na kami ng lakas ng loob na lumabas sa kotse. Sabay na sabay kaming nagbukas ng pinto ng kotse. Paglapit namin kay Draven ay naliligo na ito sa sarili niyang dugo. Basag ang bungo nito at isa sa mga sugat niya ang mas pinagtuunan ko nang pansin. Ang dalawang butas sa leeg niya na tila kagat ng bampira. “F*ck! Parang alam ko na agad ang may gawa niyan sa kaniya