Chapter 7

1406 Words
Chapter 7 : Blood juice Boris POV Naalimpungatan ako nang gabing iyon nang marinig kong bumukas ang bintana ng kuwarto ko. Malakas ang ulan sa labas na sinasabayan pa ng malakas na hangin kaya nabuksan ng kusa ang bintana ko. Kung titignan ang panahon ay tila may bagyo. Kinandado kong mabuti ang bintana para hindi na iyon mabuksan pang muli. Dahil nasira ang tulog ko ay lumabas ako sa kuwarto ko at saka bumaba sa salas. Nadatnan kong nakaupo sa sofa si Lolo Tobin na may hawak-hawak na litrato. Napatingin ako sa orasan. Pasado ala-una na ng madaling-araw kaya nagtaka ako kung bakit gising pa ito. Nakita ko na litrato ni lola ang tinitignan niya. “Oh, bakit gising pa kayo, Lolo Tobin?” tanong ko sa kaniya nang lapitan ko siya. Nanlaki ang mata ko nang makita kong puno ng suka ang damit niya. Sobrang putla ng itsura niya kaya naawa ako bigla sa kaniya. Nagmadali akong tumakbo patungo sa room ng mga maids para humingi ng tulong. Si Manang Rosita ang unang nagising nang pumasok ako roon. Mababaw kasi ito kung matulog kaya siya na ang tinawag ko. “Hindi na naman siguro nainom ng lolo mo ang gamot niya. Minsan, hindi ko mawari kung nakakalimutan ba niya o sinasadyang hindi inumin,” sabi ni Manang Rosita. Habang naghahanda ng panlinis si Manang Rosita ay binalikan ko muna si Lolo Tobin sa salas namin. Naupo ako sa tabi niya. Inakbayan ko siya habang hinahagod ko ang likod niya. “Hindi na magtatagal ang buhay ko, apo. Ramdam na ramdam ko na ang panghihina ko. Apo, please, sa lalong madaling panahon ay gusto kong makita kang maikasal. Iyon lang ang huling hiling ko, apo.” Tumango na lang ako sa kanya. Saka na ako magsasalita sa kaniya kapag nakahanap na ako ng babae. Ayokong umasa siya pero tutuparin ko naman ang wish niya. Napatingin ako sa labas. Huminto na ang pag-ulan. Dumating na si Manang Rosita kaya iniwan ko na muna sila. Tumuloy ako sa kusina. Naglabas ako ng wine, yelo at baso. Tumuloy ako sa likod ng mansyon. Binuksan ko ang ilaw ng swimming pool area. Tutal, sira naman na ang tulog ko ay mabuti pang uminom na lang ako ng wine para makagawa pa rin ako ng tulog kapag nalasing na ako. Isa pa, gusto kong uminom talaga dahil nalulungkot ako para kay lolo. Habang nakaupo ako roon ay kinuha ko ang phone sa bulsa ko. Nag-f*******: muna ako. Unang bumungad sa timeline ko ang picture post ng pinsan kong si Andrich na nakasakay sa eroplano. Napatayo ako bigla. Uuwi siya ng Pinas? Bigla akong sumaya dahil ang bestfriend kong pinsan ay makakasama ko na ulit. Simula pagkabata ay si Andrich na ang kasa-kasama at kalaro ko. Gaya ko ay good boy rin ito. Elementary kami ng umalis siya rito sa mansyon kasama ang mga magulang niya. Kinailangan nilang lumipad pa-America para roon na sila manirahan. Nakagalit kasi ng papa ni Andrich si Lolo Tobin. Hindi ko alam kung anong dahilan ng away nila dahil masyado pa akong bata noon para alamin ang alitan nila. Nalungkot ako ng sobra dahil sa pag-alis ni Andrich. Nawala lang ang lungkot ko nang matutunan kong mag-f*******:. Dahil doon ay nakakagawa pa rin kami ng paraan ni Andrich para makapag-usap o makapaglaro. Naka-videocall kami parehas habang naglalaro o nanunuod ng mga favorite naming anime series. Alas tres nang madaling nang antukin ako. Tinamaan na rin ako ng wine kaya natulog na ako. Bandang alas nuebe nang umaga nang ako ay magising. Nagmadali akong bumangon dahil ngayong araw nga pala ang pagsi-ship ng mga mango juice sa Bataan. Kailangan pa naman ng pirma ko roon bago umalis ang mga truck. Sinusuri ko muna kasing mabuti ang mga kahon bago ko ito pinapaalis. Ayoko nang mangyari iyong nangyari dati na may nakalusot na isang kahon na may lamang expired na mga mango juice. Nag-post ang pamilya nang nakabili niyon at muntik na kaming malagay sa alanganin. Para masolusyunan ang problema ay nagbayad na lang ako ng isang milyon sa kanila para matahimik sila. Pumunta na ako sa banyo para maligo. Sampong minuto lang ang nilaan sa pagligo ko dahil nagmamadali na rin ako. Paglabas ko sa kuwarto ko ay nadatnan kong gigisingin na ako ni Manang Rosita. May dala-dala itong tray na may lamang mga pagkain. “Pasensya na po, Manang Rosita, pero sa office na lang po ako kakain. Nagmamadali na po kasi ako,” sabi ko sa kaniya. “Okay, sige, sige, ako na lang ang kakain nito,” sagot niya. Paglabas ko ay naka-ready na agad ang sasakyan. Kabisado na ng mga tauhan namin dito sa mansyon kung ano ang sasakyan na dapat na naka-ready tuwing umaga. Nang makita ako ng security guard naming si Manong Luis ay agad niyang inabot sa akin ang susi ng sasakyan ko. “Salamat, Manong Luis.” “Walang anuman, Sir Boris,” sagot nito at saka sumaludo ng kamay sa akin. Mabait din iyang si Manong Luis. Favorite security guard ko iyan dahil madalas niya akong pagtakpan sa mga magulang ko kapag nagtatanong sila rito kung inuumaga ba ako ng uwi minsan. Ang walangyang mga kaibigan ko kasi ay umaga na minsan kung umuwi kapag nagba-bar kami. Dahil kay Manong Luis ay hindi ako napapagalitan nila mama at papa. Pagdating ko sa Juice Facory ay nadatnan kong nagkakagulo ang mga tauhan ko. May naririnig ako na nagsisigawan at nagpapatawag ng security guard. Nagtatakbo agad ako papunta sa gilid ng factory ko na kung saan ay naroon ang mga truck ng mango juice na dadalhin sa Bataan. Nang makita ako ng isa kong tauhan ay agad niya akong nilapitan. “Sir Boris, may binata pong nanggugulo sa mga truck ng mango juice natin. Ginugulo po nito ang mga box at tila may hinahanap na kung ano roon. Hindi po namin siya mapigilan dahil masyado po itong malakas. Ang pumipigil sa kaniya ay nasisiko lang nito at saka nahihimatay,” sumbong sa akin ng tauhan ko kaya napakunot agad ang noo ko. Sino naman kayang gago ang nanggugulo rito. Mukhang sasakit na naman ata ang ulo ko sa trabaho ngayong araw. Umagang-umaga e, problema agad ang sumalubong sa akin. “Sino ba iyon? Dito rin ba siya nagtatrabaho?” ‘Hindi po, Sir Boris. Ngayon ko lang ho nakita ang mukha niya.” Binigyan ako ng daan ng mga tauhan ko para makalapit ako sa isang truck na nakabukas na kung saan ay naroon ang binatang lalaki na tinutukoy nila. Nakita ko sa labas ng truck na binubuksan nga nito isa-isa ang mga box ng mango juice. Napakunot ang noo ko nang subukan kong kilalanin ang mukha nito. Pero nang makita kong si Andrich pala iyon ay nanlaki bigla ang mga mata ko. “A-andrich?” sabi ko kaya natigil na siya sa ginagawa niya. “Huwag kang tumayo lang diyan. Pumasok ka rito at tulungan mo akong hanapin ang box na naglalaman ng ikakasira ng factory mo,” sagot nito sa akin kaya nagulat ako. Sumakay naman agad ako sa loob ng truck para lapitan siya. “Anong ibig mong sabihin?” tanong ko. Nahinto sa paghahanap si Andrich nang tila makita na nito ang hinahanap niya. “Heto. Hindi mango juice ang laman nito,” sabi niya at saka binuksan ang box na iyon. “P-paano mo nalamang? Pero, teka, ano naman sa tingin mo ang laman niyan?” tanong ko. “Tignan mo na lang para malaman mo,” sabi niya at saka inabot sa akin ang isang mango juice. “Gunting, please!” utos ko sa isa sa mga tauhan ko. Umakyat naman ang isang tauhan ko sa truck para abutan ako ng gunting. “Salamat.” Ginupit ko ang mango juice at doon na lang nanlaki ang mata ko nang makita kong sariwang dugo ang laman nito. Tila, bigla akong naliyo dahil sa nakita ko. Nasusuka at nahihimatay pa naman ako kapag nakakakita ng dugo. “May isa kang tauhan na pilit kang sinisira sa mga tao,” sabi ni Andrich kaya nagbulungan agad ang lahat ng mga tauhan ko sa paligid namin. Hindi ko alam kung paano iyon nalaman ni Andrich pero napahanga niya ako. Ngayon alam ko na kung bakit sunud-sunod ang nangyayaring anumalya sa factory ko. May naninira sa akin at pilit na pinapabagsak ang negosyo ko. Hindi ko palalagpasin ang mga kagaguhang nangyayari rito sa negosyo. Humanda siya kung sino man siya.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD