Chapter 40

1351 Words

Chapter 40 : Bye, Kennedy Boris POV Nagising ako na wala sa tabi ko si Lori. Napabangon tuloy ako ka agad dahil kinabahan ako. Pagtayo ko ay nakita ko itong nakahiga at mahimbing na natutulog sa sofa rito sa kuwarto namin. Tila sinadya niyang hindi tumabi sa akin. Kinuha ko na lang ang kumot niya at saka ko siya kinumutan. Lumabas ako sa kuwarto. Nauuhaw kasi ako kaya tumungo ako sa kusina. Pagdating ko roon ay nakita ko sa latest naming prigider na pasado alas tres na ng madaling-araw. Binuksan ko iyon at saka ako naglabas ng malamig na tubig. Habang umiinom ako ng tubig ay nakarinig ako ng mga yapak sa hagdanan. Habang umiinom tuloy ako ng tubig ay naglakad ako papunta sa loob para makita kung sino ang taong nagising din sa ganitong oras. Nanlaki pa ang mata ni mama nang makita ako.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD