Chapter 64 : Dapat hindi talaga ako pumayag. Lori’s POV Ang tagal niya sa banyo. Nakahiga na ako sa kama niya pero hindi pa ako makatulog dahil gusto ko sanang paihanaan ang aircon. Hindi ko naman magalaw iyon dahil hindi ako sanay. Natatakot ako na baka masira ko. Naalala ko ang lamesang pinag-inuman namin. Mabuti pa ngang iligpit ko na muna iyon para makatulong naman ako sa kaniya. Bumangon ulit ako para iligpit na ang mga iyon. Isa-isa ko munang nilagay sa lababo ang mga dapat hugasan at saka ko nilinis ang lamesa. Tinabi ko ang mga bote ng alak na hindi nabuksan. Pagkatapos ay saka ko na inugasan ang mga gamit na pinagkainan namin. Habang nagbabanlaw ako ay narinig kong bumukas na ang pintuan ng banyo niya. “Hindi mo na dapat ginawa ‘yan,” sabi niya kaya napalingon agad ako sa ka