Chapter 10 : Single or not?
Boris POV
Masakit ang ulo ko nang magising ako. Pagbaling ko sa gilid ko ay nakita kong tulog si Andrich habang walang saplot ang buong katawan. Napailing ako dahil hawak-hawak pa nito ang s*x toy niya na tila ginamit nito kagabi nang umuwi kami. Lasing na lasing ako kagabi kaya’t wala na akong natatandaan sa nangyari. Hindi ko rin alam na dito na rin pala siya nakatulog sa kuwarto ko.
Tumayo ako. Napangisi ako dahil totoo nga pala ang pinagmamayabang nitong sandata na. Umaga ngayon at malamig kaya alam niyo na. Ang sandata niya ay tila ready-to-fight. Tayong-tayo iyon at sobrang tigas na ngayon. Nakakahiya kapag pumasok sa kuwarto ko si Manang Rosita. Baka kung ano pa ang makita niya kaya kinuha ko na agad ang kumot at saka tinaklob sa katawan niyang hubu’t hubad.
Pumasok ako sa banyo ko para maghilamos at mag-toothbrush. Habang nagto-toothbrush ako ay narinig ko mula sa loob ng kuwarto ko ang nagri-ring na phone ko. Lumabas tuloy ako roon para tignan kung sino ba ang tumatawag sa akin. Nang damputin ko ang phone sa table ko ay nakita kong may tumatawag sa akin na unknown number. Bigla kong naalala si Lori na pinagbigyan ko ng calling card ko kagabi, kaya dali-dali ko iyong sinagot. Sa pagmamadali ko ay napangiwi ako dahil nalulon ko ang toothpaste. Sobrang anghang na kasi sa bibig niyon.
“H-hello?” bungad kong sabi sa kabilang linya.
Buntong-hininga ang una kong narinig. “M-magandang umaga po. Ako ‘yong waitress na kausap mo kagabi sa Red bar. P-puwede po ba na magkita na tayo?”
“Ah, oo, natatandaan kita. Lori ka nga ba ang ngalan mo?” tanong ko pa.
“Opo. Ako nga po ‘yon.”
Kahit sa personal o sa telepono ay malambing pa rin ang boses niya. Kahit may hangover at masakit ang ulo ko ay napapangiti ako sa dahil kaniya.
“Save ko na ang number mo. Message na lang kita kung saan at anong oras kita kikitain ngayong araw. Magpapawala lang ako ng hangover at inumaga na kasi kami nang uwi.”
“Hala. Sorry po. Natutulog ka pa ba? Naistorbo ko ba ang tulog mo?”
“No! Gising na rin ako. Actually, kakagising ko lang.”
“Sige po. Inom na lang po kayo ng maraming tubig at uminon ng gamot para mawala ang hangover. Magkita na lang po tayo mamaya. Ba-bye po,” magalang nitong paalam sa akin at saka pinatay na ang linya niya.
Tangina! This it. Magkaka-girlfriend na ako.
Nagmadali tuloy akong pumasok ulit sa banyo para maligo na. Hindi ko na kailangang uminom ng gamot na pang-hangover dahil boses pa lang ni Lori ay ayos na ako.
Paglabas ko sa banyo ay nakita kong gising na si Andrich. Nagbibihis na ito ng damit niya.
“Tangina, nagjak*l ka pa ata kagabi pag-uwi natin,” sabi ko sa kaniya habang nagsusuklay ako ng buhok.
“Ganoon talaga ako kapag nalalasing at patulog na. Hindi puwedeng hindi ako makakapagpalabas. Nakasanayan ko ‘yong gawin. Nakita mo ba ang sandata ko? Nakakahiya tuloy,” sabi niya habang napapailing.
“Pinsan nga kita,” sabi ko.
“B-bakit?” pagtataka pa niya.
“Hindi kasi nalalayo sa size ng ‘yo ang akin,” pag-aamin ko kaya natawa naman siya.
“Siyempre. Lahi na ata natin ang malalaki ang talong. Kaya nga huwag mo sayangin ang laki ng bur*t mo. Gamitin mo ‘yan para manira ng mga tahong. Hindi puro kamay lang ang nakikinabang niya. Para saan pa at binigay sa ‘yo ‘yan kung ‘di mo naman pala gagamitin.”
“Huwag kang mag-alala. Malapit na,” sagot ko kaya nag-thumbs up siya sa akin at saka lumabas sa kuwarto ko.
Kinuha ko ang phone ko. Nag-message na ako kay Lori. Sa restaurant na lang namin kami magkikita para maihain ko sa kaniya ang lahat ng masasarap na pagkain para lalo siyang matuwa sa akin.
Bago ako umalis ng mansyon ay hinanda ko na muna ang contract na pipirmahan ni Lori. Lahat ng mga kailangan niyang gawin ay nilagay ko roon para mabasa niya. Ayoko kasing magsalita ng marami. Baka mautal ako. Ayoko rin kasing isipin niya na kinakabahan ako. Mabuti na ‘yung magbabasa na lang siya mamaya.
“Oh, ang alam ko ay wala kang pasok? Saan ang tungo mo?” tanong ni Andrich nang madatnan ko siyang nakaupo sa garden habang may hawak-hawak na mango shake. Hindi halatang may hangover siya dahil umagang-umaga ay malamig ang iniinom niya.
“May kikitain lang ako saglit. Babae ito kaya pag-pray mo ‘ko na sana ay maganda ang kalalabasan nito,” sabi ko sa kaniya kaya napangiti siya.
“Aba’y ngayon pa lang ay sinasabi ko na sa ‘yo. Magiging kayo niyan kaya congrat’s na agad.”
“Iyan ang gusto ko sa ‘yo e. Salamat, mamaya na lang. Aalis na ako at baka naroon na siya sa pagkikitaan namin.”
“Goodluck!”
Pagpasok ko sa sasakyan ay nakita kong nag-reply na siya sa message ko. Pagkabasa ko sa message niya ay nataranta ako bigla. Ang sabi nito ay malapit na siya sa tagpuan namin, e paalis pa lang ako rito sa mansyon. Nagmadali na tuloy ako dahil ayokong paghintayin siya roon ng matagal.
Habang nagmamaneho na ako papunta sa Italian restaurant namin ay panay ang tingin ko sa salamin. Tinitignan ko kung maayos ba ang itsura ko.
Guwapo ba ako?
Mataba lang ako pero kung payat ako ay marami ring babae na maghahabol sa akin. Kabanas. Bakit ba kasi nang bata ako ay hindi ko napigil ang kumain nang kumain. Ang laki-laki tuloy ng katawan ko ngayon.
Pagdating ko sa restaurant namin ay nagulat pa ako dahil nakita kong nakatayo siya sa labas. Nakatapat siya sa araw kaya naawa ako bigla sa kaniya.
Agad akong nag-park ng sasakyan sa parking area at saka dali-daling bumaba roon. Agad siyang napatingin sa akin nang makita niya ako. Nahiya ako bigla dahil maliwanag na maliwanag na niyang makikita ang katabaan ng katawan ko. Kitang-kita ko kung paano niya ako tignan mulo hanggang paa. Ano kaya ang tumatakbo sa isip niya? Nandidiri na ba agad siya sa akin? Sana naman ay hindi.
“H-hello?” bati ko nang makalapit na ako sa kaniya.
“H-hello rin po,” sagot niya na tila mahiya-hiya rin.
“Kanina ka pa ba rito?” tanong ko.
“Siguro mga twenty minutes na ang nakakalipas simula nang makarating ako rito,” sagot niya kaya nanlaki ang mata ko. Ibig sabihin ay kanina pa siya nakabilad dito? Kawawa naman.
“Nakakahiya naman. Bakit sa labas ka nag-stay? Dapat sa loob mo na ako hinintay. Kami ang may-ari nito kaya dapat sinabi mong kasama mo ako,” sabi ko sa kaniya.
“Sorry. Hindi ko rin pa kasi alam ang pangalan mo kaya hindi talaga ako pumasok sa loob.”
“Sabagay. May mali rin ako. Anyway, tara na sa loob,” aya ko sa kaniya.
Walang tao ngayon sa loob ng restaurant dahil sinabihan ko ang mga tauhan namin na mag-close muna ngayong umaga dahil may ime-meet akong tao rito.
Inalalayan ko siyang maupo bago ako maupo. Pumitik ako ng kamay kaya lumabas na sa kusina ang mga tauhan ko. Isa-isa na nilang dinala sa mesa namin ang lahat ng pagkain na best seller namin dito.
“W-wow! Ang dami naman nito,” sabi niya habang nanlalaki ang mata.
“Mukhang uhaw ka na kaya uminom ka na muna,” sabi ko at saka inabot sa kaniya ang mango juice na special drink namin dito. Napatitig ako sa mukha ni Lori habang umiinom ito ng juice. Sadyang kaakit-akit ang kagandahan niya. Kahit pawisan ito at simple lang ang kasuotan ay sobrang ganda niya pa rin. Sana ay single lang siya.
“Anyway, may kapalit po ba ang pagtulong niyo sa akin?” agad niyang tanong kaya nagulat ako. Masyado siyang mabilis.
“Oo. Pero bago ‘yon. Nais ko munang itanong kung single ka ba?” Mabilis siya kaya magiging mabilis na rin ako.
Hindi agad siya nakasagot kaya kinahaban ako.
“Opo, single po ako,” sagot niya kaya roon na ako napangiti. Salamat naman. May pag-asa pa rin ako.
“Kung ganoon ay maganda. Anyway, mamaya na ang pag-uusap natin. Kumain na muna tayo,” aya ko sa kaniya.
“Tamang-tama, gutom din ako at hindi pa ako nag-aalmusal.” Napangiti ako dahil mukhang unti-unti nang nawawala ang hiya niya sa akin. Maganda iyon. Iyong din naman ang gusto kong mangyari.
Kahit hindi pa ako kumakain ay parang busog na agad ako. Ganito pala ang pakiramdam ng in-love. Sa wakas, tao na ako. Nagkaroon na rin ako ng gusto sa isang babae.