He shook his head as he is still embracing me. “I’m very sorry, Echo.” Muli ko na namang sambit dito. Hindi ko kasi alam kung bakit ko naisipan na iwan siya gayong ipinagkatiwala siya sa akin ni Jessie. “Don’t worry, Echo, I’ll just be here. Hindi na kita iiwan,” pagpapakasigurado ko sa kanyang wika. Tumango naman ito sa akin at ngumiti. “I trusted you, Nil…” Hinalikan ko siya sa may noo niya. “Magpahinga ka na lang ulit. Dito lang ako,” saad ko rito. Muli na naman siyang tumango sa akin. Inalalayan ko naman siya para tulungang makahiga sa kama niya. “Just sleep. You don’t have to worry. I am just here.” Binigyan ko na naman siya ng isang halik sa kanyang noo. “I will…” Pumikit na nga siya at tuluyan nang natulog. Naupo naman ako sa couch at