“I’m sorry, I’m sorry,” paulit-ulit na sambit sa akin ni Nil habang nasa may tapat kami ng elevator. Ang yakap niyang mahigpit ang nagsisilbing kanlungan ko dahil sa sakit na kanyang ipinaramdam sa akin. “I’m sorry, Sam. I didn’t mean to hurt you this way. Please don’t go. Mahal na mahal kita,” he said again. Tumango naman ako at mas lalong yumakap pa sa kanya. “And I love you too, Nil. I’m sorry too,” sambit ko rin dito. Ginawaran pa niya ako nang halik sa noo at saka sa aking labi. “Please don’t go… Hindi ko kakayanin, Sam. Please…” pagmamakaawa ni Nil sa akin. Tumango-tango naman ako rito. “I know, I know…” Binuhat na niya ako habang nakayakap pa rin ako sa kanya. Dinala niya akong muli sa loob ng condo at inilapag sa couch. “I’m sorry, Baby,”