“Bes, tama na. Wala ako riyan para yakapin ka. Please tama na. Baka mapano ka pa,” sabi ni Jess over the phone. Kausap ko kasi siya at iyak lang ako nang iyak. Hindi ko na kasi alam kung paano ko makakayanan at malalabanan ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Mas malala at mas masakit pa ito kaysa noong nakipaghiwalay sa akin si Demy. “Echo please. Tumahan ka na. Nag-aalala ako sa iyo,” muling sambit niya sa akin na mababakas ang pag-aalala sa tono ng boses niya. Hindi ako sumasagot. Iyak lang ako nang iyak. Hindi kasi kami makapag-video call dahil mahina ang signal sa kanya. “Jess,” tawag ko sa kanya habang umiiyak pa rin. “Shh. Echo tama na. Please,” awat niya sa akin pero hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak. “Bakit naman kasi ganoon, Jess?” tanong