Tiningnan ni Rafa ang oras sa kanyang relo, pasado alas dose na ang nakasaad doon. Agad na s'yang tumayo, oras na para sa tanghalian. Paglabas niya sa kanyang opisina ay siya namang bukas ng pintuan ng opisina ni Gabriel. Lumabas doon si Elise na medyo nagulat pa pagkakita sa kanya ngunit nakabawi rin naman agad. Napapailing na lamang siya, sa itsura nito na bahagya pang gulo ang buhok at hindi maayos ang pagkakasuot ng damit ay alam niyang dumaan ito sa matinding bakbakan.
Pilyang nginitian siya nito sabay kagat ng pang ibabang labi at pagkatapos ay tumalikod na at pakendeng-kendeng na lumakad patungo sa kanyang sariling opisina. Ilang minuto pa lamang nakakaalis si Elise ay lumabas naman sa parehong pinto si Gabriel. Nagmamadali ang mga hakbang nito at naabutan pa si Rafa na noon ay pasakay na sa elevator. Sasara na sana iyon ng pigilan nito at dali-daling pumasok sa loob. Napatikhim si Rafa, namulsa ang binata habang inililibot ang mga mata sa apat na sulok ng elevator. Silang dalawa lamang ang naroon sa loob ng mga oras na iyon.
"Looks, like you have eaten already," nakangising sabi niya.
Kunot noong nilingon siya nito. "Huh! Excuse me?"
"Ang sabi ko mukhang nakakain ka na, bakit parang gutom na gutom ka pa? Ikaw ba ang kumain o ikaw ang nagpakain?" makahulugang tanong niya rito.
Sinamaan siya ng tingin nito. "Tsk! As if namang hindi mo gawain, don't play innocent here, hindi bagay sa 'yo," ganting sabi nito.
"Atleast I'm not committed, wala akong masasaktan na damdamin kahit kailan ko gustuhing maglaro ng apoy. How about you, wala ka bang girlfriend? What if malaman niya ang secret affair mo with your PR manager? If you want to play with fire make sure that you are the only one who will get burned, what if the fire kicks others out, won't you feel guilty about it?" tanong niya rito.
Sasagot pa sana si Gabriel ngunit bumukas na ang elevator. Lumabas si Rafa ng hindi ito nililingon. Gabriel clenched his hands in fist. He wants to make even but his opponent left him without giving him a chance to fight back.
"May araw ka rin sa akin, huwang mong ipagmalaki na isa kang Ilustre dahil hindi ako makakapayag na makuha mo ang kompanyang pinaghirapan ko," tiim bagang na sabi nito habang tinatanaw ang papalayong sasakyan ni Rafa.
-
Ang Comida Deliciosa ay isang Spanish restaurant kung saan madalas kumain si Rafa, it is located just near the Ilustre Corporation. The owner of the restaurant already knows him dahil sa regular customer na nga siya ng mga ito.
Nang makapasok sa loob ay agad niyang tinungo ang paborito niyang puwesto sa bandang dulo kung saan ay hindi pansinin ng tao. Pagkaupo niya ay may lumapit agad sa kanyang waiter.
"The usual," aniya rito.
"Okay, sir," maagap na sagot naman nito sabay tango at agad naring umalis para kunin ang kanyang order. Kilala na siya ng mga empleyado rito pati na ang madalas niyang order-in na pagkain ay kabisado na ng mga ito.
Inabala niya ang sarili sa pagtingin sa kanyang cellphone habang naghihintay ng kanyang pagkain. Ten to fifteen minutes ang madalas ipinaghihintay niya.
"Oh, my gosh! Rafa, I'm so glad to see you again!" eksaheradang sabi ng matangkad na babae.
Awtomatikong napaangat ang ulo ng binata at nilingon ang nagsalita. Kadarating lang ng babae at si Rafa agad ang nabungaran ng kanyang mga mata. Maganda ito at seksing manamit. Kitang-kita ang pusod nito at maliit na bewang dahil sa suot nitong puting crop top na binagayan ng skinny jeans at pointed shoes na may mataas na takong.
"Stephanie," banggit niya sa pangalan ng babae, anak ito ng may ari ng restaurant.
"Matagal ka ring hindi nagawi rito sa restaurant namin, where have you been?" tanong nito sa kanya, humatak ng isang upuan at naupo sa tabi niya.
Halos isang linggo rin siyang hindi nagpakita sa lugar na ito. Kapag inaraw-araw mo kasing kumain ng paulit-ulit na pagkain ay nakaka-umay rin kaya nagpahinga muna siya at ngayon nga ay na-miss n'ya uli ang pagkain nila sa restaurant na ito kaya dito niya naisipang kumain ngayong araw.
"Nag-out of the country ako," sagot niya, halos apat na araw rin kasi siyang nasa Malaysia for business. Ipinadala siya ng kanilang kompanya para personal na kausapin ang kanilang supplier na doon naka-base at tingnan narin ang mga produkto nito.
"Oh, okay." Tumango ang dalaga na para bang naliwanagan na kung bakit matagal siyang nawala.
Maya'y dumating na ang order ni Rafa. Babae na ang may dala at hindi ang lalake na kumuha ng order niya kanina.
"What are you doing here, Athena? You supposed to be at the kitchen, naroon ang trabaho mo." Halata ang pagka-irita sa boses ni Stepanie.
"Pa-pasensiya ka na, marami silang ginagawa kaya ako na lang ang nagpresinta na maghahatid ng ibang order na pagkain, wala pa namang gaanong hugasan sa kusina," pangangatwiran ni Athena.
"Sige, iwan mo na d'yan at bumalik ka na sa pwesto mo," mataray na utos ni Stephanie rito habang si Rafa ay pinagmamasdan lang ang dalawa.
Matapos nitong ilapag isa-isa sa lamesa ang mga order na pagkain ni Rafa ay agad ding umalis ang babae, yukong-yuko ang ulo nito kaya hindi masyadong makita ng binata ang mukha ng dalaga. Na-curious tuloy siya kung ano ang itsura nito.
"I'm so sorry, bagong empleyado. Alam mo na tatanga-tanga kaya sa kusina lang nararapat," walang pakundangang sabi ni Stephanie.
Medyo napaangat ang kilay ni Rafa, hindi niya nagustuhan ang inasal ng kanyang kaharap pero hindi na lang siya kumibo.
Kinuha na niya ang kutsara at tinidor at tinanggal sa pagkakabalot ng tissue.
Napaigtad ang binata nang bigla nalang himasin ni Stephanie ang braso niya ng sinisimulan na niyang ilapit sa kanya ang mga pagkain.
"Ito naman, masyadong magugulatin," sabi nito sa malanding boses sabay hagikhik.
Alanganing ngumiti siya rito. Hindi pa nakuntento ang babae sa paghimas sa kanya, lumapit ito sa binata at may ibinulong dito.
"Later, if you still hungry you can also eat me."
Natigilan naman si Rafa ngunit hindi nagpahalata. Tumigas bigla ang alaga niya sa sinabi nito mabuti na lang at nakatago iyon sa ilalim ng lamesa dahil kung hindi ay mapapansin nito ang biglang paglaki niyon.
"Okay, see you later. I'll just go to my office first, enjoy your lunch. Call me if you need me." She even winked at him before finally leaving.
He just shrugged his shoulders and ignored the heat that suddenly enveloped him.
Isang beses nang may nangyari sa kanila ni Stephanie ngunit matagal na panahon narin iyon. Kumain siya ng gabi sa restaurant nila at ng pauwi na siya ay nakita niya itong paalis narin kaya lang ay nasira ang kotse nito at ayaw umandar, nagpresinta siyang ihatid na lamang ito sa kanyang pupuntahan. Sa sasakyan pa lang ay inaakit na siya nito, pareho silang mainit ng gabing iyon kaya imbes na ihatid niya ito sa pupuntahan ay sa hotel sila tumuloy at pinagsaluhan ang init ng kanilang mga katawan.
-
Sobrang pagod ang nararamdaman ni Athena. Sa dami nang nahugasan niyang plato simula pa kaninang umaga ay nangulubot nang husto ang mga kamay niya at halos manhid na ang mga ito sa tagal na nakababad sa tubig. Alas nuwebe na ng gabi at naghahanda na ang lahat para umuwi.
Kani-kaniyang ligpit ng mga gamit ang mga empleyado ng Comida Deliciosa. Nagtungo ang dalaga sa employees room at kinuha sa locker ang kanyang bag. Tinanggal pa muna ang suot na hair net at iniwan ito sa loob niyon bago isinara. Ang kanyang Tita Emilia ang may ari ng restaurant na kanyang pinagta-trabahuhan. Malayo itong kamag anak ng kanyang ina. Napakiusapan niya ito na mabigyan siya ng trabaho at matutulugan kaya ngayon ay nakikitira siya sa mga ito ngunit ang tinutulugan naman niya ay isang lumang bodega na matatagpuan sa kanilang likod bahay. Hindi siya itinuturing na kamag anak ni Emilia at ng anak nitong si Stephanie, alipin ang tingin ng mga ito sa kanya, gayunpaman ay pinagtitiyagaan na lamang niya na pakisamahan ang mga ito dahil wala na siyang ibang mapupuntahan, wala na siyang mga magulang at nag iisa na lamang siya sa buhay.
Sasakay muna siya sa bus at bibiyahe ng lagpas isang oras bago aarkila ng tricycle papasok ng subdivision kung saan nakatira ang kanyang Tita Emilia. Hindi siya isinasabay ng mga ito pag-uwi kahit na minsan.
Alas diyes 'y medya nang siya ay makarating sa bahay, pinagbuksan siya ng gate ni Aling Berta.
"Pagkatapos mong magbihis ay dumiretso kana sa kusina. Ipinagtira kita ng makakain, ikaw na lang ang maglinis ng pinagkainan mo pagkatapos mong kumain at ako ay matutulog na," bilin ng matanda sa kanya.
"Sige po, Aling Berta ako na po ang bahala, maraming salamat po!" magalang na tugon niya rito.
Ngumiti lang ang matanda at bahagya siyang tinapik sa balikat bago tumalikod at naglakad papasok sa loob samantalang, si Athena naman ay dumiretso sa likod bahay dahil naroon ang kanyang silid tulugan.
Ipinatong niya ang bitbit na mumurahing shoulder bag sa papag. Kumuha ng tuwalya at damit bihisan sa aparador, lumabas muli ng silid at tinungo ang banyo na naroon din sa likod bahay. Ang banyong iyon ay para sa mga kasambahay, hindi kasi siya pinapayagan ng mag inang Emilia at Stephanie na makagamit ng banyo sa loob.
Matapos mag-half bath ay bumalik na muli siya sa kanyang silid at agad inilapat ang patang katawan sa matigas na papag. Ang balak niya sa kanyang unang sweldo ay bumili ng kutson para maging komportable siya sa kanyang pagtulog. Ang gusto lang naman niya ay magpahinga sandali bago magtungo sa kusina at maghapunan. Masyado ng gabi kung tutuusin para kumain, dahil sa sobrang pagod ay hindi niya namalayan na siya ay nakatulog ng hindi nalalamanan ang kanyang sikmura, ang huling kain pa niya ay alas singko ng hapon oras ng kanilang meryenda.