"Katsumi!" Tuwang sabi ni Rafa nang makita ang dalaga pagpasok palang niya sa isang sikat na cafe na kanilang tagpuan. Buhat sa pagkakaupo ay tumayo naman si Katsumi at sinalubong nang yakap ang binata. Hindi napigilan ni Rafa na gawaran ng halik sa labi ang dalaga kahit pa nasa pampublikong lugar sila at maraming nakakakita sa ginawa nila. Nagulat man ay tinugon ni Katsumi ang halik na iyon ng binata, hinahanaphanap niya ang mga halik nito, pakiramdam niya ay taon na silang hindi nagkikita. "I miss you! Where have you been?" tanong ni Rafa nang makapwesto na sila ng upo. "Sa... Ja-Japan, tama sa Japan! Inasikaso ko ang ilang mga negosyo ni Dad doon," tarantang sagot niya. "I thought you get mad at me after what happened to us. You just leaved at the hotel and I don't know how to rea