Chapter 10- Same Feelings

1510 Words
"s**t! She's back again." Masasakit ang mga katawan na bumangon si Katsumi. Nag-stretching pa muna siya dahil parang nangalay ng husto ang kanyang mga braso. Tinungo niya ang vanity mirror at sinipat ang sarili sa salamin. Her eyes are swollen and her face looks tired. "Why are you keep on returning? I buried you long time ago!" Dali-dali niyang tinungo ang banyo at naghilamos nang maigi at pagkatapos ay nag-toothbrush. Humarap siya sa body size mirror na naroon at sinuklay ang buhok. "f**k this girl! She didn't even know how to comb her hair," inis na sabi niya habang sinusuklay ang naninigas na buhok. "Oh, gosh! What is this freaking smell?" Parang gusto niyang maduwal ng subukan niyang amuyin ang kanyang buhok. Maliligo na lang sana siya kaya lang kailangan niyang sumabay sa mga magulang para mag-almusal kanina pa siya ipinatatawag ng mga ito. Hindi niya kayang magmadali sa paliligo, dalawang oras na ang pinakamabilis na magagawa niya lalo na ngayon na dinalaw na naman siya ng hindi katanggap-tanggap na bisita. "Gina, palitan mo ang beddings ng higaan ko ngayon na!" utos niya sa isa sa kanilang mga maids na nadaanan niya pagbaba ng hagdan. "Okay po, Ma'am!" nagmamadaling umakyat ang inutusan nito upang tunguhin ang silid ng amo. "I'm so sorry, Dad-Mom, I have to fix my self first before going down." Nagmamadali na siyang humila ng upuan at naupo. "Yeah, we understand," wika ni Nimfa at pagkatapos ay bumaling ito ng tingin sa asawang si Hitaro, tumango naman ito sa kanya. "You're six days gone," wika nito sa anak, pinakatitigan niya ito nang husto. Nanlaki ang mga mata ni Katsumi. "What?! Ganuon ako katagal na nawala?" hindi makapaniwalang tanong niya sa ina. "Her appearance is becoming more frequent," seyoso ang mukhang sabi ni Hitaro. "I told you we need to do something about it," nag aalalang sabi ni Nimfa. Sunod-sunod ang naging pag-iling ni Katsumi. "No, Mom! Wala kayong gagawin, let me handle this," mariing tanggi ni Katsumi. Bumuntong hininga nang malalim si Nimfa, gusto niyang tulungan si Katsumi ngunit ayaw naman nitong makisama, pati ang kanyang asawa ay sinusuportahan pa ang kanilang anak. Para naman sa ikabubuti nito ang kanyang layunin ngunit talagang makulit ang kanyang mag-ama. Naiintindihan niya ang asawa na pinoprotektahan lamang nito ang anak ngunit dumadalas na ang pagdating ng babaeng iyon at minsan ay mas matagal pa siyang nananatili. - Matapos mag almusal at makapaligo ay umalis si Katsumi para magpamasahe, nagpa-manicure at pedicure narin siya at pinaayos ang buhok sa parlor. She pamper herself the whole day. Ang gaan ng pakiramdam niya ng makalabas sa beauty clinic, pinasyalan niya ang doctor na nangangalaga sa kanyang kutis, may ginawa itong mga beauty treatment sa mukha niya. Naglalakad siya sa loob ng mall ng hindi niya inaasahan kung sino ang taong kanyang makakasalubong, natigilan ito ng siya ay makita. "Katsumi!" tuwang tawag nito sa pangalan niya. Hindi maipaliwanag ng dalaga kung ano ang kanyang nadarama. Nagwawala ang puso niya, ang bilis ng t***k nito at bigla na lamang siya nakaramdam ng panghihina. Nanginginig ang kalamnan niya sa sobrang excitement na makitang muli ang gwapong lalake. "Rafael, right?" naninigurong tanong niya rito. "How did you know my name, I don't remember that I told you my name before," takang tanong ni Rafa. He is so fascinated with her, mas lalo pa itong gumanda sa paningin niya ngayon. Nakasuot lamang ito ng maiksing maong short na may mga butas pa sa magkaibilaan at croptop na white naman sa pang itaas, kita ang maliit nitong bewang at labas ang pusod. Manipis na sandals lang ang suot nito na lalong nagpaakit kay Rafa. Napakaganda ng mga paa ni Katsumi namumula pa ang mga talampakan ng dalaga na para bang ang paa nito ay pag aari ng isang sanggol na hindi pa nakararanas na tumapak sa lupa. Fresh na fresh ang mukha ng dalaga kumikinang iyon sa kinis. Napakaganda kahit walang make-up, ang pupula ng mga labi nito na para bang ang sarap angkinin. Ipinilig ng binata ang ulo upang maalis sa kanyang utak ang hindi magandang isipin. "My friend told me. My bad, we're friends but I don't even know your name," natatawang sagot ng dalaga. Natigilan naman si Rafa at naging seryoso ang mukha nito. "I'm so sorry, Katsumi. Don't take it bad for me, sinabi ko lang naman iyon sa mga kaibigan mo para pumayag sila na ako na ang maghatid sa'yo pauwi. They are planning to call a cab and let you go home alone. I was just concern, what will something bad happened to you in the middle of the night drunk and unconscious," mahabang paliwanag ni Rafa. Katsumi chuckled. "Hey, I'm not mad. Pwede naman tayong maging totoong magkaibigan kung gusto mo," alok niya rito. Napangiti narin si Rafa sabay tango. "Yeah, I would love to be your friend, Katsumi," maagap na sagot ni Rafa. Nagkatitigan ang dalawa at sabay na tumawa. "So, what are you doing here?" tanong ng dalaga ng mamayani ang katahimikan sa pagitan nila. "Oh, me, I will buy something for my mother to make her feel better. She is so stressed and worried about so many things. I just want to make her smile," sagot ng binata. Lihim na humanga si Katsumi sa pagiging maalalahanin ni Rafael. "Oh, great! That's great. Your mother will be very happy to receive something coming from you for sure," wika niya rito. Sinang ayunan naman ni Rafa ang sinabi niyang iyon. "And how about you? Saan na ang punta mo ngayon?" alanganing tanong nito. "Oh... I'm about to go home." Itinuro pa nito ang exit door ng mall. "Ah- okay, take care of yourself," bilin ng binata. Tumango naman si Katsumi at sumenyas na aalis na. Ang totoo niyan ay gusto pa sana niyang manatili at makasama ang binata kahit ilang saglit kaya lang ay hindi naman niya maaring sabihin ito sa binata at baka kung ano pa ang isipin nito sa kanya. Mabibigat ang paa na siya ay humakbang. Hindi pa siya nakakalayo ng may biglang humawak sa kanyang balikat. Natigilan siya at napahinto sa paglalakad. "Katsumi!" tawag ni Rafa. Hindi niya maipaliwanag kung ano ang nangyayari sa kanyang sarili. May nagtutulak sa kanya na tawagin ang dalaga kaya humahangos siyang hinabol ito. Pumihit paharap si Katsumi, hindi niya inaasahan na susundan siya ni Rafael. "Bakit, may problema ba?" tanong niya sa binata. "No... wala naman, I was just wondering kung may iba ka pa bang lakad? Gusto ko sanang makisuyo sa 'yo na samahan mo ako kahit sandali. Wala akong maisip na ibigay kay mom, baka sakaling matulungan mo ako na maghanap," nag aalangang sabi nito. Abo't-abot ang hiling ni Rafa na pumayag ang dalaga na samahan siya. Nais niya pa itong makasama nang matagal. Masaya siya sa presensiya nito. Gustong maglulundag sa tuwa ni Katsumi ngunit pinigilan niya ang sarili. Hindi siya nagpahalata kay Rafa na sobra siyang masaya dahil hiniling nito na makasama siya. "Su-sure, why not? Actually diretso na talaga ako sa bahay. It's too early to go home pa naman. I would love to help you find a presents to your mother," sagot niya sa tanong nito. Umaliwalas ang mukha ni Rafa at hindi na nito mapigilan ang mapangiti sa tuwa. "So, let's go!" aya niya sa binata. "Okay, I'll follow your lead, I'm right behind you." Iminuwestra ni Rafa na mauna na sa paglalakad ang dalaga, nakaalalay naman siya sa likod nito. Naglibot sila sa mall para humanap ng mabibili. Bouquet of white roses, one box of strawberry cheese cake dahil ito ang favorite sweets ng kanyang ina at pagkatapos ay bumili rin sila ng medieval tea cups dahil mahilig daw uminom ng tsaa ang ina ni Rafael. Lahat nang iyon ay ideya ni Katsumi, inalam niya sa binata kung ano ang mga hilig gawin at kainin ng ina nito. "Maraming salamat sa pagsama mo sa akin. I would not come up with this idea if not beacause of you," sinserong sabi ni Rafa. Katatapos lang nilang mag-meryenda sa isang sikat na fastfood chain. Pauwi na ang dalawa at palabas na sila ng mall. "You're welcome. Anytime you need me don't hesitate to call me. I will be very much willing to help you." Masayang pinagmasdan ni Rafa ang dalaga. Mukha siyang masungit at very intimidating sa unang tingin pero kapag nakilala mo pala siya nang husto ay malalaman mo na may maganda siyang kalooban. "So, paano ka uuwi n'yan? Where is your car?" tanong niya sa dalaga. "I'll just take a cab, nasa casa ang kotse ko for general check up," sagot nito. Nabigla naman si Rafa. "You mean nag-taxi ka rin papunta rito sa mall?" Hindi niya mapigilang magtanong. Sobrang sexy kasi ng suot nito at hindi appropriate kung siya ay magko-commute lang. "No... hinatid ako ni Dad on my way here." Nakahinga naman ng maluwag si Rafa sa narinig. "Don't take a cab, I'll bring you home," presinta nito. "If you insist." Hindi na nakatanggi pa si Katsumi. Pabor sa kanya iyon dahil madadagdagan pa ang oras na magkasama sila ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD