Hindi mapakali si Rafa habang siya ay nakahiga, nasa kanyang tabi ay ang mahimbing na natutulog na si Athena. Palaisipan sa kanya ang nangyari sa kanila kanina, ang sabi nito ay first time nitong makakita ng ari ng lalake sa personal at naniniwala naman siya sa tinuran nito. Ang ipinagtataka lamang niya ay kung bakit mabilis niya itong napasok kanina? Ang buong akala niya ay birhen pa ito at siya ang makakauna rito ngunit hindi niya inaasahang nagkaroon na pala ito ng karanasan pagdating sa s*x. Hindi naman gano'n ka big deal sa kanya kung siya ang nakauna rito o hindi. Napapaisip lamang siya, ang mga ikinilos kasi nito at sinabi kanina ay taliwas sa katotohanan. Napakahinhin nito at inosente, na talagang iisipin mo na wala pang muwang sa kamunduhan. Natigilan siya sa pag iisip ng kumilo