Abala sa paghahanda ang lahat dahil ngayong araw darating si Marco Montecarlo ang stepbrother ni Jasmin. Si Jasmin ang nag-asikaso ng lahat dahil ito ang gusto ng kaniyang ina, kahit ayaw ni Jasmin ay wala siyang magagawa.
"Anak kumusta na ang mga pagkain? Kumpleto na ba ang mga bisita? Ang mga wine nasa table na ba lahat?" tanong ni Danica. Habang iniikot ang mga mata sa paligid, gusto niyang masiguro na magustuhan ni Marco ang kanilang welcome party.
"Mommy, relax, ano ba? Hindi presidente and darating mommy, si Marco lang," saad ni Jasmin, naiinis kasi siya dahil hindi sila magkasundo ni Marco. Ayaw kasi ni Marco sa mommy ni Jasmin kaya ito napilitan na mag-aral sa ibang bansa para iwasan si Jasmin at ang mommy nitong si Danica.
"Anak alam mo naman ang ugali ng stepbrother mo, 'di ba? Nine years old pa lang 'yon na umalis ng Pilipinas at alam ko na dahil sa galit niya sa amin ng daddy mo kaya nagdesisyon siyang manirahan doon sa ibang bansa. Kahit minsan hindi siya umuwi rito kaya natatakot ako baka hanggang ngayon galit pa rin siya sa akin, anak," wika ni Danica, nag-aalala ito na baka hindi pa rin nawawala ang galit ni Marco sa kanila.
"Mommy, hindi na natin problema 'yon kung galit man siya sa atin. Pabayaan mo, total wala naman tayong ginagawang masama sa kaniya, 'di ba? Kaya relax ka lang, mommy, ayusin n'yo muna ang sarili ninyo. Iang minuto na lang darating na ang mokong na 'yon!" wika ni Jasmin habang pinaikot ang kanyang mga mata.
"Okay, anak, salamat. Puntahan ko lang ang daddy mo, tulungan ko muna siyang asikasuhin ang mga bisita natin sa baba," wika ni Danica at bumaba na ito sa sala.
Naiwang nag-iisip si Jasmin nag-alala siya na baka hanggang ngayon galit pa rin sa kaniya si Marco.
"Franco, dumating na ba ang anak mo? Anong sasabihin ko? Baka magalit siya sa akin kapag makita niya ako," tanong ni Danica bakas sa mukha niya ang sobrang pag-aalala.
"Relax ka lang, Danica. Huwag kang mag- isip nang hindi maganda. Mabait si Marco, at isang businessman na siya, alam ko hindi siya nagkimkim ng galit sa atin kaya relax ka lang, okay?" wika Franco.
Umakyat si Jasmin sa taas para magpahangin sa terrace nang nakita niya na may kotse na pumasok sa gate. Lumabas sa kotse ang isang guwapo at matangkad na lalaki. Tinitigan niya ito mula ulo hanggang paa kahit saan anggulo tingnan perfect na perfect ang katawan nito.
Sinalubong ito ng kanyang mommy at daddy pero hindi pa rin siya bumaba. Maraming bisita ang nasa labas kaya naghintay pa siya nang ilang minuto bago siya bumaba. Hawak-hawak niya ang isang basong wine. Napakaganda ng suot niyang gown at halos lahat nang mga bisita ay nakatingin sa kanyang pagbaba sa hagdan.
Agaw atensyon ang kanyang kagandahan. Bagay na bagay sa kanya ang kanyang kulay blue na gown at may slit pa na halos makita ang kaniyang singit. Mas lalo siyang tumangkad dahil sa suot niyang four inches na heels.
Nakatulala si Marco nang makitang pababa si Jasmin sa hagdan, kumuha siya ng wine at binigay niya sa kaniyang stepbrother.
"Welcome home, Marco. Kumusta ka na? Long time no see," saad ni Jasmin habang nakangiti.
Pero hindi nagsasalita si Marco at tinitigan niya lang si Jasmin. Hindi siya pinansin nito at hindi rin kinuha sa kanyang kamay ang wine na binigay niya kay Marco.
Napahiya siya pero binalewala niya na lang dahil ayaw niya ng gulo. Umakyat siya sa kanyang kwarto at tinanggal niya ang kanyang makeup.
Nagbihis na lang siya nang butas-butas na pants at umalis siya bitbit ang kaniyang guitara. Kinuha niya ang susi ng kotse at nagmamadaling pumunta ng garahe. Nagulat siya nang meron siyang narinig na boses mula sa kanyang likuran, dahan-dahan siyang humarap at pinandilatan niya ng mata si Marco.
"Saan ka pupunta? Party ko ngayon tapos aalis ka? Balita ko ikaw raw ang nag organize nang lahat. Ang sagwa, walang ka class-class at nasaan na ang suot mong gown? Bakit ka nagpalit? Na-realize mo na rin ba na hindi bagay sa 'yo?" tanong ni Marco.
Naiinis si Jasmin sa mga salitang binibitawan ni Marco pero hinahayaan niya na lang dahil ayaw niya ng gulo. Tinalikuran niya ito at akmang sasakay na siya sa kanyang kotse.
"Tapos ka na, Marco? Maiwan na kita, huh? Bye, enjoy your party," wika ni Jasmin habang nakangiti, pero naabutan siya ng kanyang ina at tinawag siya nito.
"Anak, saan ka pupunta? Sinong nagsabi sa 'yo na puwede kang umalis? Party ngayon ng kapatid mo, ano ka ba? Bakit ka nagpalit ng damit? Jasmin, bumaba ka riyan!" singhal ni Danica.
"Mommy, meron kaming tugtog ngayon, sorry, mauna na po ako bye, bye mommy." Turan ni Jasmin at mabilis niyang pinaandar ang kanyang kotse.
"Marco, meron ka bang masamang sinabi kay Jasmin kaya siya biglang umalis?" tanong ni Franco sa kaniyang anak.
"Daddy wala, nagkumustahan lang kami, naughty lang talaga si Jasmin. Huwag kayong mag-alala daddy, magkakasundo kami." Saad ni Marco habang nakangiti.
Madaling araw na nakauwi si Jasmin may sarili siyang susi kaya nakapasok siya sa loob ng bahay. Naabutan niya si Marco na gising pa at nakaupo sa sala may hawak itong wine tumayo ito at lumapit sa kaniya.
"Wow! magaling ganito ka ba pinapalaki ng mommy mo at ni daddy? Parang aso uuwi kung kailan niya gusto?" tanong ni Marco.
Habang nakakunot na ang noo ni Jasmin. Gusto niya nang sapakin si Marco pero pinipigilan niya lang ang kanyang sarili.
"Excuse me, Marco sino ang kinakausap mo? Ako ba? Kasi kung ako, thank you," saad ni Jasmin.
"Huh! At nag-thank you ka pa? Ang bait mo talaga tsk. . . tsk. . . may pinagmanahan ka nga!" singhal niya kay Jasmin.
"Anong ibig mong sabihin, Marco? Sa mga salita mo parang may gusto kang sabihin sa akin na hindi mo masabi, ano 'yon?" Tanong ni Jasmin naramdaman niyang may tinatago si Marco sa kaniya na meron itong alam na ayaw sabihin sa kaniya.
"Wala, Jasmin. Sige na matulog ka na at mag-ipon ka ng energy dahil araw-araw na tayong magkikita at magkakasama. Ang sabi ni daddy, i-turn over niya sa akin ang kanyang posisyon bilang CEO at ikaw assistant kita kaya kahit saan ako magpunta kasama kita," saad ni Marco, hindi man lang ito ngumiti kahit bahagya lang.
"Hahaha, kahit ba sa CR gusto mo bang samahan kita? Okay, deal walang problema, Mr. CEO. Madali lang naman akong kausap eh. Saka mabait po ako and I'm sure na magkakasundo tayo." Nakangiting saad ni Jasmin.
Nag-smile si Marco at binigay niya kay Jasmin ang baso ng wine. Tumalikod na ito at parang inaasar niya si Jasmin.