Nasa sala si Franco nanood ng news lumapit sina Angela at Danica. Nagulat Si Franco at nagpalipat-lipat siya nang tingin sa dalawa. "Hi Franco, nandito po ang daughter in law mo. Hinahanap niya si Marco. Ang sabi ko ay hintayin niya na lang dito sa loob darating na rin 'yon mamaya." nakangiting wika ni Danica sabay tawag kay manang Carmen na maghanda ng tea dahil meron daw silang special na bisita. "Tito. Magandang hapon po. Sana ay huwag kayong magalit sa akin, gusto kong makausap si Marco. Pakiramdam ko ay niwasan niya na po ako." malungkot na turan ni Angela kay Franco. Nakatitig lang ito kay Angela, at hindi nagsalita alam niyang kagustuhan ni Danica kung bakit nasa kanyang mansion si Angela. "Franco kausapin mo naman ang daughter in law mo. Nandito siya para humingi ng tulong, si