Isang resthouse ang dinalhan ni Marco kay Jasmin, sobrang tahimik at walang istorbo napakalinis ng paligid at napakaganda ng resthouse. Napapaligiran ito nang maraming bulaklak. "Wow. . . Marco ang ganda ng lugar na ito. Ang bango ng paligid." tumakbo si Jasmin at pumitas siya ng isang rosas at nilagay n'ya sa kanyang tenga. Marco napakaganda dito. Ang tahimik gusto ko dito mas maganda pa sa lugar na tinataguan ko." "Bago lang ito Jas. Pinapagawa ko ito para kong mag-away kami ni daddy meron akong pagtataguan." "Marco paano mo ito nakita? Wow puwede bang dito na tayo tumira Marco pansamantala? Tayong dalawa lang, wala sina mommy at daddy. Wala akong marinig na likramo mula sa kanila." "Jas, sigurado ka bang gusto mo akong makasama?" "Yes, Marco. Habang buhay ayokong mawalay sa 'yo