Episode 7- Helpless

2342 Words
Ipinatong ni Maxine ang lahat ng financial Documents na pinakuha ni Marco sa accounting department. Meron kasi daw itong nakitang discrepancy sa last month billing sa supplier ng mga ito. Kaya pala mula pa kanina tanghali e hindi pa umaangat ang puwet nito sa magara nitong upuan. Ganun daw si Marco kapag napatuon sa trabaho ayon kay Tessa. Maingat daw si Marco pag dating sa company. Ayon kay Tessa matagal na daw itong pinipilit kunin ng Ama para personal na ito na ang mag-manage ng empire ng ama, ngunit tumangi daw si Marco kuntento na daw ito sa sariling negosyo kesa sa empire na ito rin naman ang mag mamana sa huli. Ayon pa kay Tesaa 12 years ago ng lumayas si Marco sa poder ng ama at nag tayo ng sariling negosyo. 2 taon pa lang ang kumpanya noon ni Marco ng matanggap si Tesa bilang assistant nito. Dalawa lang daw magkapatid si Marco at Jenivive. Wala pang idea si Tessa na stepbrother n'ya si Marco pero kung tutuusin mas marami pang alam si Tessa kesa sa kanya sa pamilya ni Marco kesa sa kanya. Ayon dito spoiled brat daw ang kapatid ni Marco bihira lang daw itong makita dahil kung saan-saan lugar lang daw ito napunta para mamasyal. Uuwi lang daw ang kapatid ni Marco kapag wala ng pera at aalis lang ulit kapag nakakuha na ng pera sa ama. May bago daw asawa ang ama ni Marco iyon daw yung babae na pumunta ng nakaraan pero ayaw daw ni Marco sa bagong asawa ng ama. “Sir.” tawag ni Maxine sa atensyon ni Marco sabay katok sa mesa nito. “hmmm?” sagot lang nito na saglit syang nilingon at ibinalik din agad ang atensyon sa laptop nito sa mesa. “It’s already 3pm.” “so?” “Can i eat first?” tanong ni Maxine. Wala kasi humpay ang utos nito mula pa kanina ng pumasok s'ya. Kaya nawala na rin sa loob n'ya kumain ng lunch kanina pero ngayon talagang gutom na s'ya. “Mag pa deliver ka na lang dito na lang tayo kumain. I'm also hungry.” pag-sang ayon nito pero kumunot ang noo ni Max. Ibig ba nitong sabihin sabay silang kakain. “what?” tanong pa ni Marco ng 'di s'ya kumilos. “Sa jollibee ako kakain sa kabilang kanto lang.” “So? edi mag pa deliver ka ng jolibee anong problema dun? napakamot naman ng noo si Maxine. Gutom na s'ya at wala s'yang balak makipag-away sa mababaw na dahilan tumalikod muna s'ya saglit saka tumawag sa delivery. Napapangiwi si Max habang pinapanood kumain si Marco isinasawsaw kasi nito ang french fries sa sundae na pinaorder nito. “Anong lasa n'yan?” 'di na nakatiis na tanong ni Maxine. May maliit na dining area sa loob ng opisina ni Marco kaya dun sila nakain dalawa ngayon. Ayon kay tesa din kapag sobra busy si Marco hindi na daw ito nakain nag kakape lang kaya meron coffee table doon para habang nag kakape daw ito nag tatrabaho pa din. “Wag mo ng alamin I'm sure hindi mo magugustuhan.” pasupladong sagot nito. Umirap naman si Maxine saka dinampot ang sariling sundae at kumain na lang. “Do you want me to kiss you?” muntik ng masamid si Maxine sa tanong na iyon ni Marco sira na talaga ang ulo nito. “Hell no.” sagot ni Maxine. “Then wipe your lips.” utos nito. Napasimangot naman si maxine na nag hanap ng tissue pero lahat ng tissue e nasa harapan na ni Marco at gamit na lahat kaya bago pa s'ya makapag comment nagulat na lang si Max ng hilahin s'ya sa batok ni Marco at mabilis na hinalikan sa labi. “It’s done kunwari ka pa kasi.” ani Marco sabay ngisi. Inis na sasapukin sana ni Maxine ang binata ng biglang sumungaw ang ulo ni Tessa at nag paalam na uuwi na ito. Tumango naman si Marco na nag patuloy sa pagkain. “Wag ka sanang matunawan.” wika pa ni Maxine na umayos ng upo at kumain na lang uli. “It was just a simple peck of kiss masyado kang affected.” ani Marco “Peck peckin mo mukha mo.” napangiti si Marco. “Almost half a million ang nasayang dahil lang sa nangyaring gabing yun at nag karoon ako nag bad record sa police station ng dahil sayo. Hindi ka ba man lang na hihiya sa akin nag karoon ka ng instant money dahil lang hinalikan kita. Hindi ba masyado akong lugi?” ibinaba ni Maxine ang baso ng sundae at kumuha ng fries. “Bakit kayo mga lalaki gustong-gusto n'yo humahalik sa babae ng garapalan? hindi ba puwede na wag daanin sa dahas.” “Bakit mag papahalik ka ba kung gugustuhin ko?” “hindi!” matigas na sagot ni maxine sabay simangot nanaman ngumiti naman si Marco. “Then don’t question me?” “wala ka bang girlfriend?” “Ikaw bakit wala kang boyfriend.” balik tanong lang ni Marco. “Dahil sa tatay mo?” kumunot ang noo ni Marco. “Bakit nadamay nanaman dito si Papa.” “Masyado bang father figure ang tingin mo sa papa mo well kung ganun wag na natin s'ya pag-usapan dahil I'm sure mauuwi lang tayo sa away.” hindi naka imik si Marco may point naman kasi si Maxine. “Gusto mo bang maging boyfriend ko?” “No.” mabilis na sagot ni Marco “wala ka naman girlfriend ah.” “Sinong may sabi?” angil nito. “Hindi mo ako basta-basta hahalikan kung may girlfriend ka.” “I can kiss every woman I want.” “Then you a player.” "Of course not." tanggi ni Marco. “Then wala ka ngang girlfriend.” napapikit naman si Marco talagang wala s'yang panalo sa babaeng ito. “Basta ayoko kitang maging girlfriend end of discussion.” nagkibit balikat si Maxine. “Then mag boboyfriend ako ng iba at papakita ko sayo kung bakit wala akong boyfriend dahil sa papa mo.” “Sira na ba talaga ang ulo mo.” “Maybe.” sagot ni Maxine na wala sa loob na nag sasawsaw na din ng french fries sa sundae n'ya saka napatingin kay Marco na napatingin na lang din sa kanya. “My God sira na talaga ang ulo ko.” pagsangayon ni Maxine dahil nagaya n'ya si Marco sa pag kain ng fries na sinasawsaw sa sundae at nagustuhan rin n'ya ang lasa. Napailing naman si Marco na 'di napaigilan mapangiti. ******* Papasok na sana ng Ground floor si Marco ng makarinig ng sunod-sunod na busina sa parking lot sa harap ng building n'ya. Nakita nya ang 5 kotse na naka park doon kung tama hinala n'ya ang papa n'ya ang sakay ng isang sasakyan na naroon. Ano kaya ang pakay nito sa kanya. Ito ang unang pagkakataon na sinadya pa s'ya ng ama. Kadarating lang n'ya after ihatid si Maxine ng palihim ng umuwi, napilitan kasi itong mag OT dahil sa trabaho n'ya. Ayaw naman n'yang mag prisintang ihatid ito hindi kaya ng pride n'ya kaya ng mag paalam ito nag kunwari na lang s'yang busy pero right after nitong umalis gamit ang tracker at emergency exit sumunod s'ya sa dalaga at inihatid ito ng palihim. Wala s'yang tiwala sa mga tauhan ng ama n'ya. Alam n'yang natunton na ulit ng ama ang tinutuluyan ni Max ang pinag tataka lang n'ya bakit ganun ka eager ang papa n'ya na makuha si Max. Mukha naman walang kakayanan si Max na sirain ang ama n'ya gamit ang video at litrato na pinakita sa kanya kung tutuusin madali para sa tatay n'ya na ayusin ang problema pero bakit kailangan pang saktan ng mga tauhan nito si Max dati. Utos kaya yun ng ama pero bakit? ganun na ba ito ka desperado na makuha ang hard copy kay Max. Pagkalapit ni Marco sa sakyan ng ama agad na bumukas ang backseat hindi lumabas ang ama ibig sabihin lang s'ya ang papasok. “What’s bring you here?” tanong ni Marco ng makapasok sa loob ng sasakyan. Mukhang seryoso ang ama. “Why is Maxine is working with you?” “Do I need to answer the obvious?” “What relation do you have with her Marco?” halatang galit ang ama. “Bakit may problema ba papa kung may relasyon kami ni Maxine. Dalaga s'ya binata ako.” “God dammit Marco kapatid mo s'ya.” “Bullshit papa anak n'yo ba sya.” galit din sigaw ni Marco parehas na nagtatagis ang bagang nilang mag-ama habang nag susukatan ng tingin pero ang ama ang unang sumuko. “Leave her alone Marco habang nakikiusap pa ako sayo.” “Bakit papa natatakot ba kayo na matikman ko rin ang babaeng natikman n'yo na. Wag kang selfish papa.” sarcastic na sagot ni Marco na nagulat ng bigla s'yang kuwelyuhan ng ama. Galit naman binaklas ni Marco ang kamay ng ama sa damit n'ya. “Wag n'yo akong pakialam dahil hindi ako nakialam sa buhay n'yo. Wag n'yo akong uutusan kung sino ang gusto ko kung kapatid ko si Max sana you don't even lay a finger on her.” galit na wika ni Marco saka galit na lumabas. Halos mabasag naman ang glassdoor window ng ihagis iyon pasarado ni Marco. Pag sakay sa motor agad na tinawagan n'ya si Maxine na matagal din bago sumagot nasa highway na s'ya ng sumagot ito. “Why took you so long to answer my call.” “Kaliligo ko lang at bakit ka ba natawag? off duty na ako.” “I'm on my way pack your your things.” “What?” “Basta pack your things. Tatawag ako kapag malapit na ako and don't open the door hanggat hindi mo na rereceive ang tawag ko understand.” “Puwede ba Marco gabing-gabi na wala ka—— “Just follow for once for crying out loud.” napangiwi si Maxine na nailayo bigla ang phone sa lakas ng boses nito. “Fine.” inis na ini-off na lang ni Maxine ang phone saka inihagis sa kama. Ano kaya nanaman problema ni Marco at gabing-gabi e nang gugulo pa. Imbis na sundin ang utos ng binata nag patay na s'ya ng ilaw at nag ready na para matulog. Bukas rin naman ay lilipat na s'ya na staff house bakit kailangan ora-orada ang gusto nito pag lipat n'ya. Papikit na sana s'ya ng makarinig ng katok sa pinto. Kumunot ang noo n'ya na napatingin sa phone si Marco na ba agad ang nasa pinto pero sabi nito tatawag ito at wag n'ya bubuksan hanggat hindi ito natawag. Hindi n'ya pinansin ang katok saka ngumiti ang bilin ni Marco tatawag ito kapag nandun na to. So hindi ito na tawag kaya bakit n'ya ito pag bubuksan ng pinto pero inis na napabangon si Maxine ng sunod-sunod na ang katok pero bigla s'yang na alarma ng maramdaman na pinupuwersa na ng kung sino ang pinto n'ya para mabuksan. Nakaramdam s'ya ng takot at nag mamadaling kinuha ang phone at nag iisip kung sino ang tatawagan nya. Ilang minuto pa bumalandra na pag bukas ang pinto. Mga tauhan ng ama ni Marco. Iyon ba ang dahilan kaya pinag mamadali s'ya ni Marco na mag impake. Alam ni Marco ang balak gawin ng ama nito. Mabilis na tinakbo ni Maxine ang bintana sa may fire exit doon saka nag mamadaling sumampa ngunit na abutan s'ya ng tauhan ni Menandro at sapilitan s'yang hinila. Maya-maya bigla may pumasok na naka helmet na figura at 'di na n'ya kailangan alamin kung sino iyon dahil obvious naman si Marco. Medyo nakaramdam pa ng paghanga si Maxine ng makipag bugbugan ito sa mga goon's ng ama. Natuptop naman ni Maxine ang bibig ng makitang nag labas ng kutsilyo ang isang lalaki at iniumang yun kay Marco nahagip ng bahagya sa dibdib si Marco at nasira ang damit nito. Mabilis na kinuha ni Maxine ang baseball bat na nasa ilalim ng kama n'ya at tinulungan si Marco. Na nginginig ang buong katawan ni Maxine habang tumatakbo sila ni Marco pababa ng apartelle at hinahabol sila ng mga tauhan ng ama nito. Natanaw n'ya ang motor ni Marco sa 'di ka layuan halos kaladkarin na s'ya ng binata pasakay doon. Nasa loob na sila ng elevator patungo sa hideout ni Marco ng mapatingin si Maxine sa mga kamay. Hanggang ngayon na nginginig pa s'ya sa sobrang kaba dahil sa nangyari. 'Di pa n'ya mapigilan ang mapahikbi ng mapatingin sa mga paa. Para s'yang basang sisiw na naligaw sa city masakit ang paa n'ya at marurumi 'di na n'ya nagawang magsuot ng pang paa ng hilahin s'ya ni Marco palabas ng apartelle sabog sabog pa ang buhok n'ya napatingin s'ya kay marco na sapo-sapo ang dibdib. Nasugatan rin ito dahil sa kanya kaya mas lalo lang s'yang naguilty kung nakinig lang sana s'ya rito. Lumingon ang binata ng marinig na umiiiyak s'ya nag yuko ng ulo si Max bakit ba lagi na lang s'yang naiyak sa harapan nito nag mumukha s'yang helpless. Natigilan si Max sa pag hikbi ng mapansin ang jacket na na isinuot nito sa kanya. “Your n*****s are making me nervous.” usal ni Marco gustong mapahiya ni Maxine sa sinabi ni Marco late na n'ya narealize na wala na nga pala s'yang suot bra. Nakayakap pa s'ya kay Marco ng sumakay s'ya sa motor nito kanina siguradong kanina pa ito aware. Pasimple na lang na niyakap ni Maxine ang suot na jacket. “Come here.” hinila ni Marco ang kamay ni Maxine saka ito niyakap. “Your trembling.” “Kinikilig kasi ako kaguwapuhan mo 'di ko mapigilan.” biro na lang din ni Maxine na pinipilit na wag ng umiyak. “Yung katigasan ng ulo mo ilulugar mo din kasi.” wala sa loob na napatango na lang si Maxine at wala na rin sa loob na gumanti ng yakap sa binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD