Episode 13- Meeting you

2153 Words
Gusto ng mag init ng ulo ni Maxine habang nasa airport dinedatain sya at ayaw payagan lumabas ng bansa dahil sa Agoncillo Controversy. Itinawag pa ng management ng airport sa police ang tungkol sa pag labas nya ng bansa na ang ending hinold ng mga ito ang passport nya. Hanggat di raw na gigising ang matandang agoncillo hindi sya maaring lumabas ng bansa dahil bubuksan daw ang kaso laban kay menandro Agoncillo kapag nagising ito at sya ang magiging state witness sa mga ginawa ni Menandro para tuluyan itong mag bayad sa batas sa ginawa. Lumabas naman self defense ang nangyaring pag baril ni Marco sa sariling ama kaya na absuwelto si Marco sa krimen. Meron din kasi CCTv footage na ibinigay si Marco sa mga pulis na galing sa loob mismo ng library. Pinakawalan naman sya ng mga pulis pag labas sa airport basta lang hindi sya puwedeng lumabas ng bansa. Ganun ganun din ang nangyari noon nagawan naman ng paraan ng ama ni Marco na hindi sya makalabas ng bansa. Napahinga si Maxine paano nya sisimulan ang buhay nya back to basic nanaman ba? magkano nalang ang pera nya na natira sa perang na scamm nya marco noon sa club. Kakailanganin nanaman nya mag apply ng trabaho na papagod na syang mag trabaho ng mabibigat. Isa syang pharmacist pero daig pa nya ang walang pinag aralan sa klase ng nga trabahong pinapasok nya. Kung makakapag apply sana sya sa malalaking pharmaceuticals company wala sanang problema or nakapag bukas sya ng sarili nyang pharmacy okay na sana e kaso paano nya gagawin yun naka freeze ang minana nyang pera sa ina. Pagod na si Maxine kakalakad pag hhanap ng apartment na matitirahan pansamantala. Ito ang hirap kapag walang man lang kaibigan na matatakbuhan. Hindi nya nagawang makipag kaibigan dahil takot syang madamay ang mga ito sa enkuwentro nila ni Menandro pero ngayon tapos na problem nya di na nya kailangan mag worry pa. Bigla nyang na alala si Marco mortal enemy nya ito pero kahit lagi silang magkaaway ito lang ang maituturing nyang kaibigan na laging dumadating kapag kailangan nya. Patawid na sana si Max ng bigla makita nya ang isang babaeng nakatalikod di kalayuan na busy sa pakikipag usap sa cellphone na derederetso ang lakad kung patuloy itong lalakad ng di tumitingin sa daraanan mahuhulog ito sa isang manhole na bukas na di man lang hinaranagan ng mga nag gagawa. Mabilis na tumakbo si Maxine ng mapansin na talagang walang idea ang babae sa dinaraanan. Mabilis syang nakalapit at nahila ang babae sabay silang tumaob sa gilid ng kalsada dahil sa kanya nabunton ang balanse ng babae ng ma cross ang legs nito dahil sa pag hila nya. Pag bagsak nila tumama ang likod ng ulo nya sa gilid ng gater habang nakadagan sa kanya ang babaeng iniligtas. tirik na tirik ang araw na sumilaw sa mga mata ni Maxine saka unti unting nag dilim iyon. Napabalikwas nag bangon si Maxine ng mapansin na nasa loob sya ng hospital at may babaeng na tutulog sa sofa na nagulat din dahil nasagi ng hose ng dexteose ni Maxine ang baso ng tubig na nalaglag sanhi ng pagkabasag nun. “Gising ka na.” nag mamadaling lumapit ang babae sa kama nya. Mukhang familliar ang maganda babae na halatang nag aalala sa kanya. “Ate Max.” inalog pa sya sa balikat ng babae ng di sya umimik. saka palang luminaw ang isip ni Max ng tawagin sya nito sa pangalan. kilala sya nito pinilit nya itong kinilala pero di nya malala kung saan nya ito nakita. “Im Jenivive.” anito na itinuro ang sarili. Sa sinabi nito saka lang nya nalala kung saan nya nakita ang babae. Laman ito ng balita sa tv at dyaryo na laging kadikit ng picture ni Marco. “Bakit mo ako dinala dito? okay lang ako.” “Nawalan ka kasi ng malay kanina natakot ako kaya dinala na kita dito pero sabi naman ng doctor okay naman lahat ng vital sign mo wala din fracture ang ulo mo. Dehydration lang kaya sabi ng doctor na need ka in confine.” parang armalite ang bibig ng babae sa bilis nitong mag salita. malayong malayo sa babaeng inaakala nya socialite na Agoncillo tulad ng nakalagay sa balita. “Bakit kasi ang init init nasa lansangan ka.” “Hindi ba dapat ako ang magtanong sayo nyan. your walking while talking in your phone without looking in your step.” “Nakita ko naman yun manhole iiwasan ko sana yun kaso bigla ka naman sumulpot at hinala ko. alam mo bang nagasgasan ang gucci ko na bag.” maarteng wika nito na tinakbo pa ang upuan para kunin ang nasabing bag at pinakita sa kanya na nasira nga ang bag nito. napangiwi si Max buong akala nya e di nito nakita ang dinadaraanan. “I bought this in paris alam mo bang 225k ang bili ko sa baby ko na to.” gustong umawang ang bibig ni maxine sa halaga ng bag. Mahilig din sya sa mga branded things pero hindi naman sya mag papakatanga na bumili ng ganun ka mahal kahit marami syang pera if ever lalo nat naranasan na nyang mag hirap at bago pa kitain ang halangang 1k. “You must tell to my brother na kailangan nya akong ibili ng bago.” kumunot ang noo ni Maxine bakit kailangan sya pa ang mag sabi sa kuya nito. “Alam mo bang tinitipid ako ng kuya since ng isumbong nya si Papa sa mga police.” napabuga ito ng hangin saka ngumiti. “Pero proud ako kay kuya di ko ma imagine na nagawa nya yun kay papa. Sana okay lang sya.” kumunot ang noo ni Max sa sinabing iyon ng jen. “Bakit hindi ba sya okay.” umiling si Jen. “mula non hindi ko na nakausap ang kuya ko. Hindi na rin sya nalabas ng company nya pinapadalhan lang nya ako ng allownce since naka freeze ang lahat ng bank account ko. Naawa ako sa kuya ko mag isa lang sya alam ko kahit hindi sya mag salita. sinisisi nya ang sarili nya sa nangyari.” turan nito na tumingin ng deretso sa kanya. “ikaw galit ka ba kay kuya kasi namatay si Tita.” deretsong tanong nito. bumuga ng hangin si Maxine pinakiramdaman ang sarili kung nasasaktan pa rin ba sya sa nangyrai sa kanilang mag ina saka umiling. “Things happen for a reason pero kung tatanungin mo ako about sa father mo kung galit ako sa kanya isa lang sasagot ko. sana mamatay na sya.” napabuga ng hangin si Jenivive sabay yuko. “im sorry gusto ko lang maging honest.” “muntik na din ako ma rape ni papa when i was 16th years old.” nagulat si Max sa narinig. mapait naman tumawa si Jenivive na parang isa nalang yung alaala na di na kailangan alalahanin. “Pero dahil kay tita Connie.” tukoy nito sa mama nya. “she save me from hell.” “alam ba to ng kuya mo.” sunod sunod ang iling ni jen. “at wag na wag mong sasabihin sa kanya kahit anong mangyari. ayoko ng dagdagan pa ang galit ng kuya ko sa papa natin. Nagawa lang ni papa sa akin yun dati dahil under influence sya ng drugs so i understand. hindi naman na ulit yun na ulit. mula noon lahat ng gusto ko binibigay na ni papa kahit ano hilingin ko binibigay nya siguro pang bayad nalang din nya sa akin sa muntik na nyang gawin.” hindi naka imik si Maxine saludo sya sa paniniwala nito. “I believe sinasadya ni kuya na wag bitawan si papa para lalo syang pahirapan at pag bayaran nya lahat ng kasalanan nya. Kuya marco let my father suffer in his hospital bed Max.” possible nga kya na yun ang totoong dahilan ni Marxo kaya ayaw nitong ipatanggal ang aparato ng ama. “You want my fathers death then help me convince my brother to let him go.” “Ayaw akong harapin ng kuya mo. i try it several and multiple times pero ayaw nya.” “Then let me help you by that.” seryosong wika ni Jen. Hindi na nagulat si Max ng dalhin sya ni Jenivive sa mala palasyong bahay raw ni Marco sa green meadows. iniiexpect na nya na bukod sa hideout nito meron itong sariling maayos na bahay na inuuwian bukod sa hide out nito. Doon pala sadya nakatira si Marco kapag lang daw marami itong trabaho saka lang daw hindi nauwi si Marco. “Manang Hilda dumating na ba yung katulong galing agency?” tanong ni Jenivive sa mayordoma ni Marco na tumutulong sa 2 katulong na nag hahain ng merinda nila a Garden. “Hindi pa Señorita. alam nyo naman si señorito masyadong maselan sa mga kukunin na katulong dito lalo pat personal maid nya ang kailangan.” “asan na ba si Mariz?” tukoy ni Jen sa dating katulong ng kuya nya na nag aasikaso dito ng personal noon. “naku sinesante na nga ng kuya kaya nag papahanap ng bago?” “bakit po nahuli nanaman ba ng kuya na naninilip sa kanya.” natatawang biro ni Jen. “alam mo kasi mRami ng na sesante ditong katulong itong si Manang hilda lang ang inugatan dito.” natatawang wika ni Jenvive. “Takot nalang kasi ni kuya mawala si Manang kasi si Manang nakita na ang dragon ni kuya.” “Hay ano ka ba naman bata ka.” saway ni Hilda rito napangiti naman si Maxine. ano kaya magiging reaction ni Jen kapag nalaman nitong ilang beses na rin nya muntik muntikan makita ang dragon ni Marco. “kaya nakakailan ng personal katulong si kuya kasi ilang beses ng may tumangkang pasukin sya sa kuwarto meron din binalak pa syang pikutin ang iba nag huhubad na sa harapan ng kuya ko. Well di ko sila masisi dahil super hunk naman talaga si Brother dear.” “Ikaw dito ka din ba natira ngayon.”tanong ni Max after uminom ng juice. “oo wala akong ibang pupuntahan ayoko sa mansion nila papa ang alam ko bebebenta yun ng kuya once na naayos na ang kaso ni papa.” “How about you gusto mo bang pumasok na personal maid ni kuya saka diba nag work ka na rin naman kay kuya sabi ni Tessa at mukhang close naman kayo ni kuya.” “Ako maid ng kuya mo.” sunod sunod ang iling ni Max sabay tawa. “From secretary to maid. no! no! no!” sunod sunod ang iling ni max pababa ng pababa ang ranggo nya parang di na kayang tanggapin ng pride na na maging katulong. “manang magkano pa sweldo ni kuya sa personal maid nya.” “25k a month.” mabilis na sagot ng mayordoma na muntik ng ikasamid ni Max. katulong 25k a month abay ano na trabaho nun. “Manang Hilda. Dumating na ba ang bagong katulong?” bungad ng bagong dating na boses na ikinatigas ng leeg ni Max. pasimple syang tumingin sa rilo sa cellphone 3 plang ng hapon bakit nandun ang binata. Dati rati gustong gusto nya itong makausap ngayon parang bigla ayaw na nya itong makaharap. Idagdag pa na ang bilis ng t***k ng puso nya na dati rati naman ay okay sa kanya bakit ngayon conscious sya sa presensya nito. “She’s here kuya.” sigaw pa ni Jenvive na tumayo at hinila pa sya patayo. Halatang nagulat si Marco ng makita sya pero saglit lang yun agad itong tumalikod at nilampasan sila. “Find me someone reliable.” wika ni Marco habang papaakyat ng hagdan nakaramdam naman ng pag kapikon si Max. “Im not here for the job for christ sake to babysit an immature man.” malakas na wika naman ni Maxine saka binalingan si Jenivive. “Look sumama ako sayo dito dahil sabi mo sasamahan mo ako dun sa friend mo na meron pinauupahang bahay. Im not here for ———-“ naputol ang sasabihin sana ni Maxine ng bigla kaladkarin sya ni Marco pa akyat ng hagdan. “Kuya san mo dadalhin si Ate Max.” habol ni Jen. “Stay out of it!” ani marco na hindi na magawang sumunod ng kapatid. inis namang pinag papalo ni Maxine ang braso ni Marco na nakahawak sa kanya. “Ano ba Marco.” sabay pa napatili si Maxine at Jenvive ganun din si Manang Hilda ng bigla syang pasanin ni Marco paakyat. “may relasyon ba silang dalawa manang.” takang tanong ni Jenvive sa matanda ng mawala ang dalawa at pumasok sa kuwatro ng kuya nya. “Hindi ko alam.” “Okay lang naman siguro si Ate max ano manang.” “Siguro.” alanganin sagot ni Hilda na napakamot ng ulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD