NAALIMPUNGATAN si Giana dahil sa malakas na paglagabog ng sinarang pinto. Napakalalim ng naging tulog niya at dama niyang namimigat pa ang mga mata at kahit gustong-gusto niya iyon imulat ay hindi niya magawa dahil waring ibinabalik siya sa pagkakahimbing na ayaw naman niyang mangyari.
Gusto na ni Giana na magmulat ng mga mata at magising sa pagkakatulog dahil baka tanghali na at ma-late na siya sa pasok niya sa eskuwela. Siguradong mapapagalitan din siya ng ina sa oras na puntahan siya nito sa kuwarto at gisingin. Pero dahil hindi nga niya mamulat ang mga mata ay nagpaka-relax na muna siya at hinayaan na muna niya na nakapikit ang mga mata.
“How is she?”
Narinig ni Giana na tanong ng hindi pamilyar na boses ng babae na ipinagtaka niya.
Anong ginagawa ng babaeng estrangherong itosa kuwarto ko? tanong niya sa sarili.
“I don’t know. She is almost one month in coma. Naalog siguro ang utak sa aksidente kaya napagod at natulog na muna.”
Narinig naman niyang tugon ng isa pang boses na sa tingin niya ay mas bata pa sa naunang nagsalita at estranghero rin iyon sa pandinig niya.
Lalo tuloy siyang nagulat dahil dalawang tao pala ang nakapasok sa kuwarto niya at mga estranghero pa saka may pinag-uusapan silang naaksidente at na-coma raw?
Gumalaw-galaw ang talukap ng mga mata ni Giana upang subukan magmulat muli pero ayaw pa rin ng mga mata niya at parang may sariling isip na hindi sumusunod sa kaniya.
Nananaginip lang ba ako?” tanong pa rin niya sa isip. “Baka nasa malalim akong panaginip kaya hindi ako makapagmulat ng mga mata.”
“Stop it, Sabrina! She might hear what you are saying, so be careful what you say!” sita ng naunang nagsalita sa tinawag nitong Sabrina ang pangalan.
“So, what if she hears us? Maybe that woman won't wake up,” tugon naman ng Sabrina.
“Sinong hindi na gigising? T-teka, panaginip pa rin ba ang lahat ng ito?” tanong niya sa sarili at mabilis na ang pagtibok ng puso niya.
“Don’t say that! She’s still your brother’s wife!” sita nitokay Sabrina.
“Fine! I will zip my mouth for now!” inis na tugon naman ng Sabrina.
Nagulat si Giana nang maramdaman niyang may humawak sa kamay niya. Mainit na palad iyon na hindi niya alam kung kanino at pinipisil ang kamay niya.
“Hindi na yata panaginip ang lahat ng ito!” bulalas ng isip niya.
Kumakalabog ang puso niya dahil unti-unti na siyang nakakadama ng takot dahil sa katotohanan na maaring nasa ibang lugar siya at may kasama siyang dalawang estranghero. Pinipilit niyang magmulat ng mga mata kasabay ng paggagalaw ng kamay niyang hawak ng isa sa estrangherong kasama niya sa kuwartong iyon.
Sa pagiging masigasig niyang maigalaw ang kamay ay nagawa niya iyon nang paunti-unti at nahawakan niya ang mainit na kamay ng isang estranghero.
“Oh, my God!” bulalas ng estrangherong humawak sa kamay niya at napahigpit na rin ang kapit nito sa kamay niya.
“Mom, why? What’s wrong?” tanong ni Sabrina.
“She is holding my hand,” tugon nito.
Unti-unti ng nakokontrol ni Giana ang mga mata at nagawa na rin niyang imulat iyon. Sa umpisa ay napakalabo subalit may liwanag na natatanglaw na nagpasilaw sa kaniya kaya muli siyang napapikit pero sumubok siyang muli na magmulat ng mga mata at sanayin iyon sa liwanag sa kinaroroonan niya.
Lumilinaw na rin ang kaniyang paningin at isang puting kisame ang nasilayan niya. Namamanhid ang buong katawan niya pero sinubukan niyang lumingon sa dalawang babae na kasama niya sa kwarto at nanlalaki ang mga mata ng mga ito nang makita siyang nakamulat ang mga mata at sandaling lumingon sa mga ito.
“Oh, God!” bulalas na naman ng isang estrangherong babae na sa tantiya niya ay malaki ang tanda sa kaniya at kaedaran lang ng kaniyang ina. “Sabrina, call the doctor!” utos nito kay Sabrina.
Mabilis namang tumalima si Sabrina at tumayo saka lumabas ng kuwartona kinaroroonan niya.
“Gia, don’t close your eyes, okay? The doctor is coming,” sabi ng ginang sa kaniya.
“S-sino ka at bakit mo ako kilala?Nasaan ako?” Iyon ang tanong na nais lumabas sa bibig niya subalit hindi niya iyon nagawa.
Bumalik si Sabrina kasama ang lalaking nakaputi na sa wari niya ay ang pinatawag na doktor ng ginang na kasama niya sa kuwarto. Kaagad siyang nilapitan ng doktor at sinuri siya.
“It is good news that she has wakened up. Siguradong unti-unti na rin siyang nakaka-recover sa mga natamo niya sa aksidente,” nakangiting sabi ng doktor.
Napakunot ang noo niya at gustong magsalita pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya makontrol ang ibang bahagi ng katawan niya.
Marami siyang gustong itanong at isa na roon ang aksidenteng tinutukoy ng mga ito na nangyari sa kaniya at kung bakit hindi rin siya makapagsalita at maigalaw ang katawan.
Unti-unti na namang hinihila siya ng antok kaya mayamaya ay napapikit siya ng mga mata at hindi na naman niya iyon napigilan kahit pa ayaw niyang matulog muli dahil baka matagalan na naman siyang magising at ibang pangyayari naman ang susunod na masaksihan niya sa oras na gumising siya.
“Pero baka kailangan mo talagang matulog muli, Giana, dahil baka panaginip lang talaga ito at sa pagmulat ng mga mata mo ay nasa kuwarto ka na at galit na ginigising ni Mama. Baka nga. Sana nga,” aniya sa isip.
MULI ay napahimbing ang tulog ni Giana at sa sumunod na pagmulat ng mga mata niya ay madali na lang bumukas ang talukap ng mata niya.Subalitkung saang lugar siya gumising kanina na inakala niyang panaginip ay iyon pa ring lugar na iyon ang sumalubong ngayon sa paggising niya at nakatitig siya sa puting kisame.
“Nananaginip pa rin ba ako?” tanong niya sa sarili at luminga-linga na siya.
Nagagalaw na niya ang leeg at kahit ang mga kamay niya pero dama pa rin niya ang panghihina ng katawan lalo na nang sinubukan niyang bumangon at napabalik siya sa pagkakahiga.
Napabuntonghininga siya.
“Totoo na nga ito at hindi na panaginip,” sabi pa rin niya sa isip.
Pinilit na niyang tukurin ang braso sa kamang hinihigaan at bumangon na napagtagumpayan naman niya. Ngayon ay nakaupo na siya sa kama kaya ginalaw na rin niya ang paa na hindi naman niya kaagad nagawa kaya inulit-ulit niya iyon hanggang sa nagawa na nga niya iyon pagalawin at kaagad na inilaylay ang paa sa ibaba ng kama para makatapak sa sahig.
Sinubukan ni Giana na tumayo subalit dahil sa panghihina pa rin ng mga paa ay napaupo siya sa sahig at nadama niya ang sakit ng pagkakabagsak ng puwet sa malamig na sahig.
“A-aray,” aniya sa mahinang boses.
Susubukan sana ulit niyang tumayo nang bumukas ang pinto ng kuwarto at inuluwa niyon ang dalawang babae. Sila rin ang dalawang estrangherong kasama niya kanina nang magising siya.
Kanina nga ba iyon? Hindi siya sigurado pero dama naman niyang saglit lang siyang nakatulog muli at nagising.
“Giana!” bulalas ng ginang at nagmamadaling lumapit sa kaniya. “Bakit tumayo ka kaagad? Hindi ka pa lubusang gumagaling,” nag-aalalang tanong ng ginang sa kaniya.
“Don’t worry, Mom. I think she’s okay,” balewalang sabat naman ng isang babae na sa wari niya ay mas bata ito sa kaniya at hindi nalalayo sa edad ng pangalawa niyang kapatid.
Tinulungan siyang makatayo ng ginang hanggang sa makaupo siya muli sa kama.
“Huwag ka na munang umalis diyan sa kama mo. Sabi ng doktor dahil sa matagal kang nakaratay sa higaan na iyan ay hindi mo kaagad maigagalaw ang buong katawan mo kaya magpahinga ka na muna at hayaang maka-recover ka bago ka magkikilos,” sabi sa kaniya ng ginang.
Nagtataka pa rin siyang nakatingin sa ginang at hanggang ngayon ay naguguluhan sa nangyari sa kaniya.
“Naaksidente ka at isang buwan ka rin na-coma dahil sa tindi ng natamo sa ulo mo.Pero dahil sa tagal na rin na nakaratay ka sa ospital ay gumaling na ang mga sugat mo sa ulo na naoperahan hanggang sa nagising ka nga ngayon,” mahabang paliwanag ng ginang sa kaniya.
“K-kayo po ba ang naka-aksidente sa akin kaya kayo po ang nandito? Saka nasabihan n’yo po ba ang mga magulang ko sa nangyari sa akin? Bakit wala po sila rito?” sunod-sunod na tanong niya sa mahinang boses.
Nagulat naman na napatingin sa kaniya ang dalawang babae.
“Bakit po?” usisa na niya.
“What are you talking about, Ate Giana? You're so weird!” tugon ni Sabrina sa kaniya.
“Weird? Bakit mo naman nasabi iyan?” tanong niya.
“We are not the reason why you had the accident, and that is because of your negligence!” inis na tugon sa kaniya ni Sabrina.
“Kapabayaan ko? Anong sinasabi mo?”
“Ikaw ang nagmamaneho ng sasakyan mo at nag-iisa ka lang nang maaksidente ka. Walang ibang kasama kaya ikaw ang may kasalanan kung bakit nangyari sa’yo iyan!” tugon nito sa kaniya na ikinalaki ng mga mataniya.